Mga pagbabago sa kabayaran sa serbisyo ng Google Play sa 2021

Noong Marso 2021, inanunsyo namin ang isang pagbabago sa amign kabayaran sa serbisyo para makatulong na ma-boost ang tagumpay ng developer sa Google Play. Simula Hulyo 1, 2021, magiging 15% ang kabayaran sa serbisyo para sa bawat developer para sa unang $1M (USD) ng kita mo sa bawat taon kapag nagbenta ka ng mga digital na produkto o serbisyo.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano ilalapat ang 15% tier na kabayaran sa serbisyo at paano mag-enroll.

Pag-enroll

Para opisyal na mag-enroll para sa 15% tier na kabayaran sa serbisyo, kailangan mong: 

Para mag-enroll para sa 15% kabayaran sa serbisyo:

  1. Buksan ang Play Console at pumunta sa page na Mga nauugnay na developer account.
  2. Sundin ang mga tagubiling ito para makagawa ng Grupo ng Account at ipaalam sa amin kung mayroon kang anumang ADA.
  3. Kapag tapos mo nang i-set up ang iyong Grupo ng Account, puwede kang mag-enroll para sa 15% kabayaran sa serbisyo sa page na Mga nauugnay na developer account. Makakakita ka ng banner sa page na may heading na "Kapag tapos mo nang i-set up ang iyong grupo ng account, mag-enroll para sa 15% kabayaran sa serbisyo." Sa ilalim, i-click ang Suriin at mag-enroll.
    • Mahalaga: Kasama dapat sa iyong grupo ng account ang lahat ng ADA mo bago ka mag-enroll. Hindi ka makakapag-enroll kung mayroon kang mga kahilingang hindi mo pa nasasagot o kung hindi pa nakakasagot ang ilang Developer Account sa iyong kahilingang idagdag ang mga ito sa grupo ng account mo. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng mga kahilingan dito
  4. Basahin at tanggapin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng 15% kabayaran sa serbisyo.
  5. I-click ang Tanggapin at mag-enroll

Pagkatapos mag-enroll, makikita mo ang iyong status ng pag-enroll anumang oras sa ibaba ng page na Mga nauugnay na developer account. Kung mag-e-enroll ka bago ang Hulyo 1, 2021, tandaang malalapat ang 15% kabayaran sa serbisyo simula Hulyo 1, 2021. Kung mag-e-enroll ka pagkatapos ng Hulyo 1, malalapat ang 15% kabayaran sa serbisyo simula sa petsa kung kailan mo natapos ang pag-enroll.

15% kabayaran sa serbisyo para sa unang $1M (USD) ng kinita

Simula Hulyo 1, 2021, magiging 15% ang kabayaran sa serbisyo para sa unang $1M (USD) ng kita mo sa bawat taon kapag nagbenta ka ng mga digital na produkto o seribsyo.

Kung marami kang Mga Nauugnay na Developer Account (ADA) sa iyong Grupo ng Account, malalapat ang 15% tier na kabayaran sa serbisyo hangga't ang kabuuang kita ng lahat ng ADA sa grupo ay mas mababa sa $1M (USD), at matatanggap ng bawat ADA ang benepisyong 15% tier na kabayaran sa serbisyo. Sa sandaling lumampas sa $1M (USD) ang kabuuang kita, magiging 30% ang kabayaran sa serbisyo para sa lahat ng ADA para sa natitirang bahagi ng taon.

Kakalkulahin ang mga kita batay sa taon ng kalendaryo (Enero 1–Disyembre 31). Dahil magsisimula ang programa sa kalagitnaan ng taon (Hulyo 1, 2021), ang limitasyon sa kita ng 2021 ay magiging prorated sa $500,000 (USD).

Tandaan: Magkakabisa ang 15% tier na kabayaran sa serbisyo sa Hulyo 1, 2021 para sa lahat ng developer na nakakumpleto ng pag-enroll bago ang petsang ito. Para sa mga developer na makakatapos sa pag-enroll pagkalipas ng Hulyo 1, 2021, malalapat ang 15% simula sa petsa noong matapos ang pag-enroll.

Pag-unawa sa Mga Nauugnay na Developer Account (ADA)

May kumpletong kahulugan ng mga pamantayan para sa pagtukoy ng iyong Mga Nauugnay na Developer Account (ADA) sa glossary ng Grupo ng Account. Maging pamilyar sa glossary na ito para magkaroon ka ng kumpletong pag-unawa sa mga salita gaya ng "Nauugnay na Developer Account" at "Pangunahing Developer Account."

Ang Mga Grupo ng Account ay bagong feature sa Play Console na makatutulong sa aming maunawaan kung sa aling Mga Developer Account ka nauugnay. Sa pagbibigay ng impormasyong ito sa Play Console, matutulungan kami nitong matiyak na kwalipikado ka para sa 15% tier na kabayaran sa serbisyo at para sa iba pang programa para sa developer ng Google Play at mga feature ng Play Console, at par amaibigay ang mga benepisyo sa hinaharap.

Ang lahat ng ADA ay bahagi ng isang Grupo ng Account, na kumakatawan sa isang pag-enroll sa 15% tier na kabayaran sa serbisyo. Ang Pangunahing Developer Account ng grupo ang mag-a-apply sa ngalan ng lahat ng ADA sa grupo.

Ang pagbuo ng grupo ay hindi gagawa o magbibigay ng anumang karagdagang access sa mga indibidwal na Developer Account sa grupo. Hindi magkakaroon ng pahintulot ang May-ari ng Pangunahing Developer Account na tingnan o pamahalaan ang anumang content (kabilang ang mga app) para sa anumang ADA na idaragdag sa Grupo ng Account, maliban kung gawin ng mga admin ng mga indibidwal na Developer Account na tahasang magdagdag ng o i-adjust ang mga user o pahintulot ng account.

Paggawa sa iyong Grupo ng Account

Pumunta sa Gawin at pamahalaan ang iyong Grupo ng Account para matuto pa tungkol sa Mga Grupo ng Account .

Mga madalas itanong

I-collapse Lahat I-expand Lahat

Ano ang Grupo ng Account at bakit hinihiling sa akin ng Google Play na gumawa ng isa?

Dahil inilalapat ang 15% tier na kabayaran sa serbisyo kada developer, hindi kada account, kailangan naming maunawaan kung aling mga account ang nauugnay sa iyo para mailapat namin nang maayos ang kabayaran. 

Para sa mga developer na may isang account lang, gagawa ka ng Grupo ng Account sa Play Console gamit ang isang account na pagmamay-ari mo. Para sa mga developer na may maraming account, hihilingin naming gumawa ka ng Grupo ng Account na naglilista sa lahat ng iyong Nauugnay na Developer Account (ADA). Kasama rito ang anumang account na pagmamay-ari mo, pati na rin ang mga account na pagmamay-ari ng iyong subsidiary na nagpa-publish ng mga app o laro na gumagamit sa mga feature ng brand mo. Malalapat ang 15% tier na kabayaran sa serbisyo sa iyong kabuuang kita sa lahat ng ADA mo. 

Ano ang “mga feature ng brand?”

Ang mga feature ng brand ay tinukoy sa Kasunduan sa Pamamahagi ng Developer (DDA o Developer Distribution Agreement). Kabilang sa ilang halimbawa ang intellectual property na maaaring matukoy at ma-attribute ng mga user sa isangdeveloper, app/laro o series, tulad ng: 

  • Pangalan ng developer
  • Pangalan ng app o laro
  • Mga pagkakaroon ng katulad ng mga tauhan, pangalan ng tauhan, pangalan ng realm, at mga setting ng kuwento
  • Mga pagkakaroon ng katulad at mga pangalan ng natatangi/nakikilalang item
  • Mga natatangi at nakikilalang logo, font, at parirala
Bakit gumagamit ang Google Play ng mga feature ng brand para tukuyin ang pagkakaugnay ng account?

Kung kinokontrol mo ang iba pang mga kumpanya na nagpa-publish ng mga app at laro sa Google Play gamit ang iyong mga feature ng brand, kakailanganin mong idagdag ang mga ito sa iyong Grupo ng Account. Ang layunin ng Google Play ay tiyaking nailalapat namin nang naaangkop ang 15% tier na kabayaran sa serbisyo sa bawat developer. Itinuturing namin ang mga feature ng brand na malinaw na indikasyon kung aling mga account ang nabibilang sa isang developer dahil makabuluhang naikokonekta ng mga feature ng brand na ito ang portfolio ng mga app at laro ng developer para sa mga user at nakakatulong sa kung bakit nila ii-install at babayaran ang mga app sa Google Play.

Paano mag-e-enroll ang aking Grupo ng Account sa 15% tier na kabayaran sa serbisyo?

Mag-a-apply ang Pangunahing Developer Account ng grupo sa ngalan ng lahat ng Developer Account sa grupo sa pamamagitan ng isang pag-enroll. Ilalapat ang kabayaran sa serbisyo sa pinagsama-samang kita ng lahat ng account sa grupo. Hangga't mas mababa sa $1M (USD) ang pinagsama-samang kita, matatanggap ng lahat ng account sa grupo ang 15% kabayaran sa serbisyo. Kapag lumampas sa $1M (USD) ang pinagsama-samang kita, magiging 30% ang kabayaran sa serbisyo para sa lahat ng account sa grupo para sa natitirang bahagi ng taon.

Paano kung nagmamay-ari ako ng Developer Accounts na hindi gumagamit ng system ng pagsingil ng Google Play?

Sa kasalukuyan, available lang ang Mga Grupo ng Account sa Mga Developer Account na may profile ng mga pagbabayad sa Play Console. Kung nagmamay-ari ka ng mga account na walang profile ng mga pagbabayad, hindi mo kailangang ilista ang mga ito bnilang Mga Nauugnay na Developer sa ngayon. Iaalok namin ang Mga Grupo ng Account para sa mga naturang account sa Play Console sa ibang pagkakataon.

Pinapayagan ba ang mga paglilipat ng app?

Oo. Tandaan na kapag inilipat ang isang app sa pagitan ng mga developer account sa magkahiwalay na Mga Grupo ng Account, isasama ang lahat ng kita ng app sa mga kabuuan ng bawat Grupo ng Account para sa taon ng kalendaryong iyon.

Halimbawa, kung may app ang developer account sa Grupo ng Account A na kumita ng $100,000 (USD) sa taong ito at pagkatapos ay inilipat sa isa pang developer account sa Grupo ng Account B, isasama ang mga kitang $100,000 (USD) sa kabuuang kita ng parehong Grupo ng Account A at Grupo ng Account B para sa mga layunin ng pagkalkula sa 15% tier na kabayaran sa serbisyo para sa taong ito.

Makakagawa ba ako ng mga pagbabago sa aking Grupo ng Account sa ibang pagkakataon?

Oo. Puwede kang magdagdag o mag-alis ng Mga Developer Account sa iyong grupo para ipakita ang mga pagbabago sa pagmamay-ari ng account. 

Tandaan na kapag inilipat ang isang Developer Account sa pagitan ng magkahiwalay na Grupo ng Account, isasama ang mga kita ng account na iyon sa mga kabuuan ng parehong Grupo ng Account para sa taon ng kalendaryong iyon.

Sa anong batayan sa kalendaryo tutukuyin ang taunang $1M (USD) ng mga kita ng developer?

Kakalkulahin ang mga kita sa batayang taon ng kalendaryo (Enero 1–Disyembre31). Dahil magsisimula ang programa sa kalagitnaan ng taon (Hulyo 1, 2021), ang limitasyon para sa pangalawang bahagi ng 2021 ay magiging prorated sa $500,000 (USD).

Tandaan: Magkakabisa ang 15% tier na kabayaran sa serbisyo sa Hulyo 1, 2021 para sa lahat ng developer na nakakumpleto ng pag-enroll bago ang petsang ito. Kung makumpleto ng isang developer ang pag-enroll pagkatapos ng ika-1 ng Hulyo, ilalapat ang 15% simula sa petsa noong makumpleto ang pag-enroll.

Paano maisasaalang-alang ang mga currency na hindi USD?

Tinukoyt ang $1M na kita ng developer sa USD. Iko-convert ang mga transaksyon sa ibang currency gamit ang naaangkop na mga foreign exchange rate na ina-update sa buong araw.

Kailan matatanggap ng mga developer ang 15% kabayaran sa serbisyo?

Ilalapat ang 15% tier na kabayaran sa serbisyo ilang sandali pagkatapos makumpleto ng developer ang mga kinakailangang hakbang sa pag-enroll sa Play Console at makikita ito sa susunod na buwanang yugto ng pagbabayad.

Nagmamay-ari ang kumpanya ko ng dalawang magkahiwalay na developer account na may magkakaibang feature ng brand. Puwede ba akong gumawa ng dalawang Grupo ng Account?

Dahil pagmamay-ari mo ang parehong developer account, dapat kang gumawa ng iisang Grupo ng Account. Dapat nasa Mga Grupo ng Account ang bawat developer account na pagmamay-ari mo, pati na rin ang anupamang developer account na pagmamay-ari ng mga subsidiary o affiliate na gumagamit ng iyong mga feature ng brand.

Nakuha ang kumpanya ko, pero hiwalay pa rin kaming tumatakbo. Kailangan ko bang maging bahagi ng Grupo ng Account ng kumpanyang namamay-ari na ngayon sa kumpanya ko?

Hindi, hangga't hindi mo ibinabahagi ang mga feature ng brand sa iyong parent na kumpanya o pina-publish ang mga app o laro nila. Para mag-enroll, gumawa ng Grupo ng Account na hiwalay sa Grupo ng Account ng iyong parent na kumpanya. Tandaang isama ang anupamang developer account na pagmamay-ari mo, pati na rin anumang subsidiary o affiliate account na nakikibahagi sa iyong mga feature ng brand.

  • Halimbawa A: Nakakuha ang iyong kumpanya ng developer bilang subsidiary, at papanatihiling hiwalay ng developer na iyon ang kanyang catalog ng brand at app/laro sa catalog ng kumpanya mo. Sa ganitong sitwasyon, puwedeng gumawa ang developer ng hiwalay na Grupo ng Account.
  • Halimbawa B: Nakakuha ang iyong kumpanya ng developer na pinalitan ang kanilang pangalan ng publisher para tumukoy sa pangalan ng kumpanya mo, mag-publish ng ilan sa iyong IP, o gumamit ng iba pang feature ng brand mula sa kumpanya o catalog ng app/laro mo. Sa ganitong sitwasyon, dapat makibahagi ang developer sa Grupo ng Account ng iyong kumpanya.
Nagmamay-ari ang kumpanya ko ng maraming subsidiary na may mga developer account sa Google Play. Dapat ba akong gumawa ng Grupo ng Account na kinabibilangan ng lahat ng subsidiary ko?

Kung hind nagpa-publish ang iyong subsidiary ng mga app o laro na nakikibahagi sa mga feature ng brand, puwede silang hiwalay na mag-enroll sa programang ito at gumawa ng sarili nilang Mga Grupo ng Account. Gayunpaman, dapat nasa iisang Grupo ng Account ang anumang subsidiary na nakikibahagi sa mga feature ng brand. Pakitandaang kung mayroon kang mga subsidiary na nagpa-publish ng mga na-localize o na-rebrand na bersyon ng iyong mga app o laro sa mga partikular na rehiyon, ituturing na mga app mo ang mga app na ito, at ang mga developer account na nagpa-publish sa mga ito ay ituturing na iyong mga nauugnay na developer account at kailangang bahagi ang mga ito ng grupo mo.

Halimbawa: Nagmamay-ari ang iyong kumpanya ng subsidiary na nagpa-publish ng mga app o laro mo sa mga partikular na rehiyon, o nakikibahagi sa iyo sa iba pang feature ng brand. Nilo-localize ng iyong subsidiary ang ilan sa mga app o larong ito. Sa ganitong sitwasyon, dapat kang makibahagi ng Grupo ng Account kasama ng iyong subsidiary.

Naglilisensya ang kumpanya ko ng mga app at larong may mga feature ng brand na pagmamay-ari ng iba pang kumpanya. Kailangan ko bang makigrupo sa kanila?

Hangga't walang ugnayan sa pagmamay-ari o interes sa pagkontrol sa pagitan ng dalawang kumpanya, puwedeng gumawa ang bawat kumpanya ng kani-kanilang Grupo ng Account. Dapat nasa Mga Grupo ng Account na ito ang mga developer account na pagmamay-ari ng bawat kumpanya, pati na rin ang mga subsidiary at affiliate na kabahagi nila sa mga feature ng brand.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2365657996602443461
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
92637
false
false