Mag-sign up para sa Google One

Ang Google One ay isang plan ng membership para sa pinalaking storage na may mga karagdagang benepisyo para matulungan kang sulitin ang Google.

Ano ang kasama sa isang Google One plan

Pinalaking storage

Mapipili mo kung gaano kalaking storage ang gusto mo sa isang listahan ng mga opsyon, at puwede kang mag-upgrade anumang oras.

Mga Benepisyo

Mahalaga: Nakadepende ang availability ng benepisyo sa iyong Google One plan. Puwede mong tingnan ang kasalukuyang listahan ng mga benepisyo sa I-claim ang mga benepisyo ng Google One.

Kapag nakasali ka na sa Google One, puwede kang makatanggap ng mga benepisyo sa Google Play at Google Store sa ilalim ng mga kwalipikadong plan. May ilang benepisyo na para lang sa miyembro ng Google One, habang nalalapat naman ang ibang benepisyo sa grupo ng pamilya ng miyembro ng Google One.

Makakakuha ang mga premium plan na may 2 TB pataas ng mga pinahusay na feature sa Google Meet at Google Calendar.

Kung mayroon kang Google One AI Premium, puwede mong i-access ang Gemini Advanced at Gemini sa Gmail, Docs, at higit pa.

Pinahusay na customer support

Makakakuha ang lahat ng miyembro ng Google One ng direktang access sa mga eksperto para sa tulong sa mga produkto at serbisyo ng Google. Makakatulong sa iyo ang mga eksperto sa iba't ibang wika.

Mga pampamilyang plan

Puwedeng ibahagi ng mga miyembro ng Google One ang mga feature ng kanilang plan (storage, mga benepisyo, suporta) sa hanggang 5 miyembro ng pamilya. Magkakaroon ang lahat ng libreng 15 GB na cloud storage sa kanilang Google Account. Ibabahagi ang matitirang binabayarang storage ng Google One sa mga miyembro ng grupo ng pamilya.

Tungkol sa mga plan ng membership sa Google One

Nagsisimula ang lahat ng may Google Account sa basic na 15 gigabyte na plan, na kasama nang libre. Kung mag-a-upgrade ka sa isang binabayarang subscription sa Google One, may 7 iba pang mapagpipiliang opsyon sa plan ng storage, depende sa iyong lokasyon.

Kung babaguhin mo ang limitasyon ng iyong storage, puwedeng abutin nang hanggang 24 na oras bago mailapat ang mga pagbabago sa account mo.

Mga opsyon sa plan ng storage sa Google One

Puwede kang pumili ng plan na naaangkop sa iyo at sa mga pang-araw-araw mong pangangailangan. Para sa ilang plan, puwede ring taun-taon ka magbayad sa halip na buwan-buwan.

Google One Plan

Payment

Availability

100 GB

Monthly or yearly

Everyone

200 GB

Monthly or yearly

Everyone

2 TB

Monthly or yearly

Everyone

5 TB

Monthly or yearly

Upgrade for existing members

10 TB

Monthly

Upgrade for existing members

20 TB

Monthly

Upgrade for existing members

30 TB

Monthly

Upgrade for existing members

Para malaman kung magkano ang Google One para sa bawat plan ng storage, i-click ang button sa ibaba:

Plan sa Google One AI Premium

Mahalaga: Ang manager ng Google One plan lang, hindi ang mga miyembro ng grupo ng pamilya, ang puwedeng gumamit sa mga feature ng Gemini na kasama sa plan sa Google One AI Premium.

  • Magagamit ng mga miyembro ng grupo ng pamilya na 18 taong gulang pataas ang mga feature ng Gemini Advanced nang walang karagdagang singil hanggang Setyembre 30, 2024.

Sa isang plan sa Google One AI Premium, puwede kang magkaroon ng:

  • Access sa mga feature ng AI na ginawa ng Google, gaya ng Gemini Advanced at Gemini sa Gmail, Docs, Slides, at higit pa
  • Lahat ng iba pang benepisyong nauugnay sa 2 TB na Premium plan ng Google One

Kunin ang Google One AI Premium.

Mag-set up ng Google One account

Kapag mayroon kang subscription sa Google One, makakabili ka ng higit pang storage para sa Google Drive, Gmail, at Google Photos, at makakatanggap ka ng mga karagdagang benepisyo. Puwede mo ring ibahagi ang iyong membership sa pamilya mo. 

Hakbang 1 (Opsyonal): Gumawa ng Google Account

Para makakuha ng membership sa Google One, naka-sign in ka dapat sa iyong personal na Google account. Kung wala ka pang account, kailangan mong gumawa nito.

Gumawa ng Google Account

Kung kailangan mo ng higit pang tulong, alamin kung paano mag-set up ng bagong Google account.

Hakbang 2: Simulang gamitin ang Google One

May libreng 15 GB na storage ang lahat ng Google Account. Kung gusto mo ng higit pa, nagsisimula ang mga plan sa 100 GB na (may binabayarang subscription).

  1. Sa iyong iPhone o iPad, i-download ang Google One app.
  2. Tiyaking naka-sign in ka sa iyong Google account.
  3. Sa Google One app, sa ibaba, i-tap ang I-upgrade.
  4. Piliin ang pagpepresyo at petsa ng pagbabayad ng bago mong plan.
  5. Kumpirmahin ang iyong pagbabayad.

Mahalaga: Kung binili mo ang iyong membership sa Google One sa labas ng Google One iPhone app, posibleng hindi ka makakita ng opsyon sa pag-upgrade.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6945413752895017056
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5044059
false
false