Notification

Mula Hunyo 10, 2024, hindi mo na maa-access ang Google One VPN. Matuto tungkol sa paghinto sa paggamit ng Google One VPN.

Paigtingin ang iyong online na seguridad gamit ang Google One VPN

Kung gusto mo ng higit pang proteksyon laban sa mga hacker at online na pagsubaybay, puwede mong gawing mas secure ang iyong koneksyon gamit ang isang Google One virtual private network (VPN). I-on ang Google One VPN sa Google One app para i-encrypt ang iyong online na aktibidad para sa isang karagdagang layer ng proteksyon sa tuwing nakakonekta ka.

Kapag na-on mo na ang VPN, magagawa mong:

  • Tumulong na pigilan ang mga hacker sa mga hindi secure na network, gaya ng pampublikong Wi-Fi.
  • Itago ang iyong IP address. Kapag itinago mo ang iyong IP address, hindi magagamit ng iba ang IP address mo para subaybayan ang iyong lokasyon.

Ano ang mangyayari sa Google One VPN?

  • Sa Hunyo 20, 2024, hindi na magiging available ang Google One VPN.
  • Makakakuha ng 30 araw na abiso ang mga miyembro bago ma-deactivate ang Google One VPN.
  • Patuloy na magiging available ang functionality ng VPN sa mga miyembro ng Google One sa Pixel 7, 7 Pro, 7a, at Fold device sa pamamagitan ng VPN ng Google. Magiging available sa Hunyo 3, 2024 ang built-in na VPN na ito.

Saan available ang Google One VPN

Ang Google One VPN ay available sa mga piling bansa o rehiyon, at kasama ito para sa mga kwalipikadong miyembro ng Google One. Available ang feature na ito sa mga lokasyong ito:

  • Austria
  • Australia
  • Belgium
  • Canada
  • Denmark
  • Finland
  • France
  • Germany
  • Iceland
  • Ireland
  • Italy
  • Japan
  • Mexico
  • Netherlands
  • Norway
  • South Korea
  • Spain
  • Sweden
  • Switzerland
  • Taiwan
  • United Kingdom
  • United States

Kung naka-on sa iyo ang Google One VPN, at nakalista ang bansa o rehiyon mo sa itaas, gagana pa rin ang Google One VPN kapag nagbiyahe ka sa ibang bansa o rehiyon.

Sino ang puwedeng gumamit ng Google One VPN
Ang mga miyembro ng Google One ay may access sa Google One VPN sa maraming device, kasama ang kwalipikadong Android, iOS, at mga computer sa mga lokasyong binanggit sa itaas.
Saan available ang Google One VPN kapag nagbibiyahe

Kung naka-on ang iyong Google One VPN, at nakalista ang iyong pinagmulang bansa o rehiyon, gagana pa rin ang Google One VPN kapag nagbiyahe ka sa ibang bansa o rehiyon. Kapag nagbiyahe ka sa labas ng iyong pinagmulang bansa o rehiyon, nakalista sa ibaba ang mga bansa o rehiyon kung saan gagana pa rin ang Google One VPN. Kung hindi nakalista sa ibaba ang isang bansa o rehiyon, hindi gagana ang Google One VPN kapag nagbiyahe ka sa lokasyong iyon.

Tip: Sinusuportahan din ang functionality sa pagbiyahe sa lahat ng bansa o rehiyon kung saan available ang Google One VPN, ayon sa nakalista sa seksyong “Saan available ang Google One VPN” sa itaas.

  • Åland Islands
  • Albania
  • Algeria
  • American Samoa
  • Andorra
  • Anguilla
  • Antarctica
  • Antigua and Barbuda
  • Aruba
  • Bahamas
  • Barbados
  • Belize
  • Benin
  • Bermuda
  • Bonaire, Sint Eustatius and Saba
  • Bosnia and Herzegovina
  • Bouvet Island
  • British Indian Ocean Territory
  • Bulgaria
  • Burkina Faso
  • Cabo Verde
  • Cameroon
  • Cayman Islands
  • Chad
  • Christmas Island
  • Cocos (Keeling) Islands
  • Colombia
  • Cook Islands
  • Costa Rica
  • Côte d'Ivoire
  • Croatia
  • Curaçao
  • Cyprus
  • Czechia
  • Dominica
  • Dominican Republic
  • Ecuador
  • El Salvador
  • Equatorial Guinea
  • Eritrea
  • Estonia
  • Ethiopia
  • Falkland Islands (Islas Malvinas)
  • Faroe Islands
  • Fiji
  • French Polynesia
  • French Southern Territories
  • Gabon
  • Gambia
  • Ghana
  • Gibraltar
  • Greece
  • Guadeloupe
  • Guatemala
  • Guernsey
  • Guinea
  • Guinea-Bissau
  • Haiti
  • Heard Island and McDonald Islands
  • Holy See
  • Honduras
  • Hungary
  • Isle of Man
  • Israel
  • Jamaica
  • Jersey
  • Jordan
  • Kazakhstan
  • Kiribati
  • Kyrgyzstan
  • Latvia
  • Liberia
  • Liechtenstein
  • Lithuania
  • Luxembourg
  • Malta
  • Martinique
  • Mauritania
  • Micronesia
  • Moldova
  • Monaco
  • Montenegro
  • Montserrat
  • Morocco
  • Nauru
  • New Caledonia
  • New Zealand
  • Nicaragua
  • Niue
  • Norfolk Island
  • Panama
  • Pitcairn
  • Poland
  • Portugal
  • Puerto Rico
  • Republic of North Macedonia
  • Romania
  • Saint Barthélemy
  • Saint Helena, Ascension and Tristan da Cunha
  • Saint Martin (French)
  • Saint Pierre and Miquelon
  • Saint Vincent and the Grenadines
  • San Marino
  • Sao Tome and Principe
  • Saudi Arabia
  • Senegal
  • Serbia
  • Sierra Leone
  • Sint Maarten (Dutch)
  • Slovakia
  • Slovenia
  • Solomon Islands
  • South Georgia and the South Sandwich Islands
  • Svalbard and Jan Mayen
  • Tajikistan
  • Togo
  • Tokelau
  • Trinidad and Tobago
  • Tunisia
  • Türkiye
  • Turkmenistan
  • Turks and Caicos Islands
  • United States Minor Outlying Islands
  • Uzbekistan
  • Vanuatu
  • Virgin Islands (British)
  • Virgin Islands (US)
  • Wallis and Futuna
  • Western Sahara
Paano gumagana ang Google One VPN

Nagdaragdag ang VPN ng isang layer ng pag-encrypt sa trapiko sa network mo para ito ay “hindi makilala” ng:

  • Operator ng iyong network.
    • Puwedeng kasama sa operator ng iyong network ang internet service provider mo, ang iyong carrier, o ang provider ng pampublikong Wi-Fi.
  • Iba pang nag-oobserba sa network, gaya ng mga potensyal na hacker.

Itinatago rin ng VPN ang iyong IP address mula sa mga site at app na pinupuntahan mo. Kung hindi ito maitatago, puwedeng gamitin ng mga site at app ang iyong IP address para subaybayan ang aktibidad mo sa paglipas ng panahon o para matukoy ang iyong aktwal na lokasyon.

Kapag na-on mo ang VPN, ie-encrypt at ire-reroute ang iyong trapiko sa network sa pamamagitan ng mga proxy server ng VPN. Titiyakin nito na mananatiling pribado sa iyo ang trapiko sa network mo at magiging mas mahirap para sa mga tracker, site, at app na subaybayan ka. Para matuto pa tungkol sa kung paano ka pinoprotektahan at pinapanatiling pribado ng Google One VPN, bumisita sa g.co/vpn/howitworks.

Para tama ang maipakitang content ng mga website para sa rehiyon mo, may itatalagang IP address sa iyo ang Google One VPN, na batay sa kasalukuyan mong rehiyon. Gayunpaman, hindi magagamit ng mga website ang IP address na ito para matukoy ang iyong eksaktong lokasyon. Hindi ka magkakaroon ng opsyong baguhin ang rehiyon ng iyong IP address.

Paano naiiba ang Google One VPN sa iba pang VPN

Privacy at seguridad ang sentro ng mga produkto at serbisyong binubuo namin. Nagbibigay ang VPN ng isang mahalagang dagdag na layer ng privacy at seguridad para sa iyong online na aktibidad, pero mahalagang tiyaking ipinapatupad ito nang may mahuhusay na garantiya sa privacy at seguridad.

Gumagamit ang Google One VPN ng mga advanced na diskarte sa cryptography para matiyak na hindi magagawa ng sinuman, kahit ng Google, na iugnay ang trapiko sa network mo sa iyong account o pagkakakilanlan. Bukod pa rito, hindi kailanman ila-log ang trapiko sa network at IP address mo, at hindi kailanman gagamitin ng Google ang koneksyon sa VPN para subaybayan, i-log, o ibenta ang iyong online na aktibidad.

Para matiyak na maayos at mahusay ang koneksyon sa VPN, nangongolekta kami ng mga sukatang ganap na naalisan ng pagkakakilanlan, gaya ng pangkalahatang dami ng napoproseso ng network, uptime, o latency.

Para mapaganda ang pangkalahatang karanasan, ma-debug ang serbisyo, at maiwasan ang panloloko nang hindi nakokompromiso ang privacy ng user, posibleng kolektahin ang mga sumusunod na data para sa isang user:

  • Paggamit sa serbisyo sa nakalipas na 28 araw. Kinokolekta ng sukatang ito kung gaano kadalas ginamit ang serbisyo sa nakalipas na 28 araw pero hindi nito sinusubaybayan ang mga partikular na oras na ginamit nila ang serbisyo o ang tagal ng paggamit o ang dami ng nagamit na data.
  • Bilang ng mga kamakailang pagsubok ng user na mag-set up ng session ng VPN para matiyak na hindi lumalampas ang user sa maximum na bilang ng pinapayagang magkakasabay na session. Naka-encrypt ang mga user ID, ibig sabihin, hindi matutukoy nang personal ang mga ito ng kasabay na pagsusuri ng session.
  • Mga log ng error sa server na walang data ng kahilingan o tugon.

Bilang panghuli, para sa mga user na gustong magbahagi ng mga feedback o error sa Google, nagbibigay ang Google One application sa mga user ng opsyong magpadala ng mga log mula sa kanilang device na naglalaman ng impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan (gaya ng email) at ginagamit ito para sa pag-debug. Isa itong opsyonal na kakayahan at kailangan ng user na isumite ang ulat sa tuwing may ipapadalang anumang impormasyon.

Matuto pa tungkol sa aming teknikal na pagpapatupad at mga kagawian sa data.

Gumagamit ng maraming device at pagbabahagi sa isang grupo ng pamilya

Kung gumagamit ka ng kwalipikadong Google One plan, puwede mong gamitin ang VPN sa hanggang 6 na device kada plan. Dapat mong i-install ang Google One app sa bawat device.

Kung ibinabahagi mo ang iyong Google One plan sa isang grupo ng pamilya, puwede rin silang gumamit ng VPN. Dapat i-download ng mga miyembro ng grupo ng pamilya ang Google One app sa mga sarili nilang device at i-on ang VPN. Hindi kwalipikado ang mga sinusubaybayang pambatang account. Matuto pa tungkol sa kung paano ibahagi ang iyong plan sa grupo ng pamilya mo.

Magsimula sa Google One VPN

Sa Google One VPN, puwede mong i-encrypt ang iyong online na aktibidad para sa isang karagdagang layer ng proteksyon sa tuwing nakakonekta ka.

Windows

Mga kinakailangan sa system
  • OS: Windows 10+
  • CPU: may suporta para sa 64-bit (walang suporta para sa 32-bit o ARM)
I-download at i-install ang Google One VPN
  1. Sa iyong Windows computer, pumunta sa Google One.
  2. I-click ang Mga Benepisyo.
  3. Sa ilalim ng “VPN para sa maraming device,” i-click ang Tingnan ang mga detalye.
  4. I-click ang I-download ang app.
  5. Kumpirmahin ang download.
  6. Sa iyong computer, buksan ang file na "VPNbyGoogleOneSetup.exe."
  7. Para i-install ang Google One VPN, sundin ang mga tagubilin sa screen.
I-access ang Google One VPN mula sa desktop
Kung gumagana ang Google One VPN, mabilis mong maa-access ang mga setting ng app mula sa lugar para sa notification sa taskbar sa pamamagitan ng pag-click sa icon na .
Mga awtomatikong update
Para tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng software, awtomatikong nag-a-update ang Google One VPN kapag na-restart mo ang app.
I-uninstall ang Google One VPN

Pakisunod ang mga hakbang sa ibaba kung kailangan mong i-uninstall ang Google One VPN sa iyong Windows computer:

  1. Buksan ang Start menu at pagkataposSettings.
  2. I-click ang Apps.
  3. Sa ilalim ng Apps & features, hanapin ang Google One VPN.
  4. I-click ang Google One VPN at pagkatapos Uninstall.
  5. Kumpirmahin ang prompt sa pag-uninstall.

Gamitin ang Google One VPN sa Windows

Mag-sign in sa iyong Google Account

Para mabuksan ang Google One VPN, dapat kang mag-sign in sa iyong Google Account. Kung mayroon kang maraming Google Account, tiyaking mag-sign in sa iyong membership sa Google One.

  1. Buksan ang Google One VPN.
  2. I-click ang Magsimula.
  3. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  4. May bubukas na bagong page para ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in.
    • Dapat mong payagan ang Google One VPN na i-access ang iyong account. Para ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in, i-click ang Kumpirmahin.
  5. Kapag isinara mo ang page, naka-sign in ka na.
I-on o i-off ang VPN
  1. Sa iyong device, buksan ang Google One VPN.
  2. I-on o i-off ang Gamitin ang VPN.
    • Naa-update ang icon ng Google One VPN sa lugar para sa notification ng taskbar batay sa status ng koneksyon.
Umalis sa Google One VPN

Para isara ang Google One VPN application:

  1. Buksan ang Google One VPN.
  2. I-click ang Tingnan ang Mga Setting.
  3. I-click ang Isara ang VPN.
Error na “Walang koneksyon sa internet”

Kung walang made-detect na koneksyon sa internet, makakatanggap ka ng mensahe ng error na “Walang koneksyon sa internet. Kokonekta ulit ang VPN kapag online ka na ulit.” 

Awtomatikong kokonekta ulit ang Google One VPN kapag online na ulit ang device mo.

Visibility ng IP address para sa mga website na gumagamit ng WebRTC

Kahit na habang nakakonekta ang VPN, magagawa ng mga website na gumagamit ng WebRTC para mag-request ng mga pahintulot sa media tulad ng access sa mikropono o camera na gamitin ang pahintulot na ito para i-access ang orihinal na IP address na itinalaga ng operator ng iyong network. Tiyaking magbigay lang ng mga pahintulot sa media sa mga website na pinagkakatiwalaan mo o i-off ang WebRTC sa iyong browser.

Google One VPN at maraming Windows Account
Sa kasalukuyan, hindi namin sinusuportahan ang magkakasabay na account.
Para magamit ang Google One VPN sa maraming Windows account:
  1. Sa nakabahaging computer, mag-sign in sa Windows account na unang gumamit sa VPN app.
  2. Mag-sign out sa VPN app, o ihinto ang app.
  3. Mag-sign in sa ibang Windows account na gusto mong gamitin.
  4. Mag-sign in sa VPN app.
Mga status ng icon ng Google One VPN
  •  Nakakonekta
  • Nadiskonekta
  • Error

macOS

Mga kinakailangan sa system
  • OS: macOS 11+
  • CPU: Susuportahan ang Intel x86 at Apple M series ARM chipset
I-download at i-install ang Google One VPN
  1. Sa iyong macOS computer, pumunta sa Google One.
  2. I-click ang card na Mga Benepisyo.
  3. Sa ilalim ng “VPN para sa maraming device,” i-click ang Tingnan ang mga detalye.
  4. I-click ang I-download ang app.
  5. Kumpirmahin ang download.
  6. Sa iyong computer, buksan ang file na “VpnByGoogleOne.dmg.”
  7. Sundin ang mga tagubilin sa screen para i-install ang Google One VPN.

Tip: Kung hindi mo magamit ang mga button sa app, tingnan kung naka-on ang “Bawasan ang Transparency.” Para i-off ito, pumunta sa Mga Kagustuhan sa System at pagkatapos Accessibility. Sa ilalim ng “Bawasan ang Transparency,” i-click ang I-disable.

I-access ang Google One VPN mula sa desktop
Kung gumagana ang Google One VPN, mabilis mong maa-access ang mga setting ng app sa may bahagi ng menu bar sa pamamagitan ng pag-click sa icon na .
Mga awtomatikong update
Para tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng software, awtomatikong nag-a-update ang Google One VPN kapag na-restart mo ang app.
I-uninstall ang Google One VPN

Pakisunod ang mga hakbang sa ibaba kung kailangan mong i-uninstall ang Google One VPN sa iyong macOS computer:

  1. Buksan ang Finder.
  2. Sa sidebar, i-click ang Applications.
    • Puwede mo ring gamitin ang Spotlight para hanapin ang Google One VPN
  3. I-drag ang "Google One VPN" papunta sa Trash.
    • Puwede ka ring mag-right-click sa "Google One VPN" at piliin ang Ilipat sa Trash.
    • Kung hihingian ka ng username at password, ilagay ang pangalan at password ng isang administrator account sa iyong Mac. Posibleng ito ang pangalan at password na ginagamit mo para mag-log in sa iyong Mac.

Gamitin ang Google One VPN sa macOS

Mag-sign in sa iyong Google Account

Para mabuksan ang Google One VPN, dapat kang mag-sign in sa iyong Google Account. Kung mayroon kang maraming Google Account, tiyaking mag-sign in sa iyong membership sa Google One.

  1. Buksan ang Google One VPN.
  2. I-click ang Magsimula.
  3. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  4. May bubukas na bagong page para ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in.
    • Dapat mong payagan ang Google One VPN na i-access ang iyong account. Para ipagpatuloy ang proseso ng pag-sign in, i-click ang Kumpirmahin.
  5. Kapag isinara mo ang page, naka-sign in ka na.
I-on o i-off ang VPN
  1. Sa iyong device, buksan ang Google One VPN.
    • Para mag-set up sa unang pagkakataon:
      • macOS 11 at 12:
        1. Sa "Na-block ang Extension ng System," piliin ang Buksan ang Mga Kagustuhan sa System at pagkatapos Seguridad at Privacy.
          • Makikita mo rin ang "Seguridad at Privacy" sa ilalim ng "Mga Kagustuhan sa System.”
        2. Para i-unlock at gumawa ng mga pagbabago, piliin ang lock at pagkatapos Payagan.
        3. Para idagdag ang configuration ng VPN, piliin ang Payagan.
      • macOS 13:
        1. Sa "Na-block ang Extension ng System," piliin ang Buksan ang Mga Kagustuhan sa System at pagkatapos Seguridad at Privacy.
          • Makikita mo rin ang "Privacy at Seguridad" sa ilalim ng "Mga Kagustuhan sa System.”
        2. Mag-scroll papunta sa “Seguridad.”
        3. Sa tabi ng “Google One VPN,” i-click ang Payagan.
  2. I-on o i-off ang Gamitin ang VPN.
    • Naa-update ang icon ng Google One VPN sa menu bar batay sa status ng koneksyon.
Umalis sa Google One VPN

Para isara ang Google One VPN application:

  1. Buksan ang Google One VPN.
  2. I-click ang Tingnan ang Mga Setting.
  3. I-click ang Isara ang VPN.
Error na “Walang koneksyon sa internet”

Kung walang made-detect na koneksyon sa internet, makakatanggap ka ng mensahe ng error na “Walang koneksyon sa internet. Kokonekta ulit ang VPN kapag online ka na ulit.” 

Awtomatikong kokonekta ulit ang Google One VPN kapag online na ulit ang device mo.

Paggamit ng Google One VPN at maraming macOS Account
Sa kasalukuyan, hindi namin sinusuportahan ang magkakasabay na account.
Para magamit ang Google One VPN sa maraming macOS account:
  1. Sa nakabahaging computer, mag-sign in sa macOS account na unang gumamit sa VPN app.
  2. Mag-sign out sa VPN app, o ihinto ang app.
  3. Mag-sign in sa ibang macOS account na gusto mong gamitin.
  4. Mag-sign in sa VPN app.
Mga status ng icon ng Google One VPN
  •  Nakakonekta
  • Nadiskonekta
  • Error

Baguhin ang Mga Setting ng Google One VPN

Awtomatikong buksan ang Google One VPN

Puwede mong i-set up na bumukas at kumonekta ang Google One VPN kapag na-on ang iyong computer:

  1. Buksan ang Google One VPN.
  2. I-click ang Tingnan ang Mga Setting.
  3. I-on ang Ilunsad ang app pagkatapos buksan ang computer.
Lumipat ng account

Para mag-sign in sa ibang Google Account:

  1. Buksan ang Google One VPN.
  2. I-click ang Tingnan ang Mga Setting.
  3. I-click ang Mag-sign out.
  4. Para mag-sign in sa ibang Google Account, i-click ang Magsimula.
Gumamit ng mas malawak na rehiyon ng IP address

Mahalaga: Para sa higit pang privacy, i-on para gumamit ng mas malawak na rehiyon, gaya ng iyong bansa sa halip na lokal na rehiyon mo. Posible itong makaapekto sa mga experience batay sa lokasyon sa mga app at website na binibisita mo.

  1. Sa iyong Windows o macOS computer, buksan ang Google One VPN.
  2. I-click ang Tingnan ang Mga Setting.
  3. I-on o i-off ang Gumamit ng mas malawak na rehiyon ng IP address.

Mga Tip:

  • Kung nakakonekta na ang VPN, awtomatiko itong madidiskonekta at kokonekta ulit para magkaroon ng bisa ang bagong setting.
  • Kung madidiskonekta ang VPN, magkakaroon ng bisa ang pagbabago kapag ikinonekta mo ang VPN. Hindi magsisimula ang setting ng bagong koneksyon sa VPN.

Mga madalas itanong

Pinipigilan ba nito ang Google o iba sa pag-save ng aking history?

Hindi. Puwede pa ring ma-save ng mga site at app ng third-party ang impormasyon tungkol sa iyong pag-browse o puwede pa rin nitong ma-personalize ang karanasan mo sa iba pang paraan. Kasama sa ilang halimbawa ang cookies o iba pang teknolohiya, o mga sandali kapag nag-sign in ka sa isang account sa website ng ibang kumpanya.

Gayundin, bagama't sine-secure ng VPN ng Google ang koneksyon ng iyong device, hindi nito naaapektuhan kung paano nangongolekta ng data ang Google kapag gumamit ka ng iba naming produkto at serbisyo. Halimbawa, depende sa mga setting ng pag-sync mo, patuloy na iso-store ng Chrome sa iyong Google Account ang history ng pag-browse mo sa Chrome. Para pamahalaan ang mga uri ng data na nase-save sa iyong account, puwede mong suriin ang mga kontrol sa privacy ng iyong Google Account.

Alamin kung mayroon kang dagdag na binabayaran para sa VPN bilang miyembro ng Google One

Kung isa kang miyembro ng Google One na may 100 GB, 200 GB, o Premium plan, kasama sa mga ito ang libreng VPN. Alamin kung paano tingnan ang iyong storage o baguhin ang plan mo.

Kung interesado ka sa isang upgrade sa iyong membership sa Google One, puwede mong i-upgrade ang plan mo.

Puwedeng gamitin ng mga user ng Pixel 7 at Pixel 7 Pro ang Google One VPN nang libre sa mga device na iyon sa pamamagitan ng Google One app nang walang subscription sa Google One.

Tingnan kung may mga isyu sa Google One VPN

Posibleng hindi gumana ang iyong Google One VPN kung:

  • Walang available na koneksyon sa internet sa iyong device. Tingnan ang mga setting ng iyong network at i-troubleshoot ang mga isyu sa koneksyon.
  • Ikaw ay nasa isang bansa o rehiyon na hindi namin sinusuportahan. Alamin kung saan available ang Google One VPN.
  • Hindi kwalipikado ang iyong Google Account para sa Google One VPN. Hindi kwalipikado ang Workspace at ang ilang partikular na sinusubaybayang account, gaya ng account ng bata.
  • Hindi up to date ang iyong Google One app o Google One VPN app. Para makuha ang pinakabagong bersyon, i-update ang iyong app.
  • Hindi naka-root o hindi up to date ang iyong device sa mga update sa seguridad.
  • Naka-unlock ang iyong bootloader.
  • Gumagamit ka ng Android 8.1 o mas luma.
  • Nagpapatakbo ka ng beta o iba pang hindi opisyal na bersyon ng Android.
Tingnan ang mga setting ng secure na DNS sa iyong Windows browser

Para sa pinaigting na privacy, tiyaking naka-on ang setting ng secure na DNS ng iyong browser at gumagamit ito ng DNS provider na sumusuporta ng DNS-over-HTTPS. Para mag-configure para sa Chrome:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-click ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay Seguridad.
  4. I-click ang Pamahalaan ang secure na DNS.
  5. I-on ang Gamitin ang secure na DNS.
  6. Para sa provider, piliin ang Pampublikong DNS ng Google.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15634116239561781866
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5044059
false
false