Magbago o magkansela ng mga plan ng storage

Kung magbabayad ka para sa karagdagang storage ng Drive gamit ang isang kwalipikadong account, awtomatiko kang maa-upgrade sa Google One nang libre. Matuto pa tungkol sa availability ng Google One.
Magkansela o mag-downgrade ng plan ng storage ng Drive

Hindi mare-refund ang mga plan ng storage ng Google Drive, pero puwede mong kanselahin ang iyong plan para hindi ito awtomatikong ma-renew. Para magkansela o mag-downgrade:

I-downgrade ang iyong plan

  1. Pumunta sa www.google.com/settings/storage.
  2. I-click ang rate sa plan na gusto mo.
  3. I-click ang Mag-subscribe.
  4. Makakatanggap ka ng email ng kumpirmasyon. Sa simula ng susunod na buwan ng iyong plan, kakanselahin o ida-downgrade ang plan mo.

Kanselahin ang iyong plan

  1. Pumunta sa www.google.com/settings/storage.
  2. Sa ilalim ng iyong kasalukuyang plan, i-click ang Kanselahin ang plan.
 

Hindi mare-refund ang mga kinanselang plan at hindi puwedeng ilipat sa iba mula sa isang Google Account.

Kanselahin o i-downgrade ang storage sa iyong membership sa Google One
  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google One.
  2. I-click ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Kanselahin ang membership.
  3. Para kumpirmahin, i-click ang Kanselahin ang membership.

Makakatanggap ka ng kumpirmasyong nakansela na ang iyong subscription.

Kung magsa-sign up ka sa pamamagitan ng App Store

Kung magsa-sign up ka sa Google One sa pamamagitan ng App Store sa isang iPhone o iPad at kalaunan ay lilipat ka sa isang Android device: Hindi mo maa-adjust ang iyong membership o mababago ang paraan ng pagbabayad mo sa app. Para ma-update ang iyong account at iba pang impormasyon, gamitin ang App Store sa ibang device.

Kung nag-upgrade ka sa Google One, alamin kung paano baguhin ang iyong storage

I-update ang iyong impormasyon sa pagbabayad

Puwede mong i-update ang iyong impormasyon sa pagbabayad anumang oras. Kung tinanggihan ang iyong bayad sa storage, kakailanganin mong i-update ang iyong impormasyon sa pagbabayad:

  1. Mag-sign in sa payments.google.com.
  2. I-click ang Mga paraan ng pagbabayad.
  3. I-update ang iyong impormasyon sa pagbabayad:
    • Magbayad gamit ang isa pang card sa file.
    • I-update ang billing address o expiration date ng iyong kasalukuyang card.
    • Magdagdag ng credit card.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9498889795233374548
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
5044059
false
false