Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Hayaan ang iyong anak na gamitin ang Google Assistant sa mga device mo

Magagamit ng iyong anak na wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa bansa mo) ang Google Assistant sa mga nakabahaging device kung idaragdag mo ang kanyang Google Account at boses sa device. Kasama sa mga nakabahaging device ang mga Google Assistant-enabled na speaker, Smart Display, at Smart Clock.

Ang kailangan ng iyong anak

  • Account na pinapamahalaan gamit ang Family Link
  • Android device, iPhone, o iPad
  • Access sa isang speaker, Smart Display, o Smart Clock

Mahalaga: Nakadepende sa device ang mga wikang magagamit mo. Alamin kung aling mga wika ang gumagana sa iyong device.

Note: For parental controls to work correctly, your devices and apps must be up to date.

Ang magagawa ng mga bata sa Google Assistant

Puwedeng gawin ng mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) ang marami sa mga pagkilos na katulad sa mga nasa hustong gulang, gaya ng mga sumusunod:

  • Magtanong sa Google
  • Maglaro
  • Makinig ng mga kuwento
  • Mag-play ng mga video o kanta sa YouTube mula sa YouTube Music

Tip: Para makapag-play ang iyong anak ng musika at mga video gamit ang Google Assistant, dapat mong bigyan ng access ang iyong anak sa YouTube o YouTube Music.

Hindi magagawa ng mga bata ang mga sumusunod:

I-set up ang account ng iyong anak sa nakabahaging device

Hakbang 1: I-set up ang iyong speaker, Smart Display, o Smart Clock

Ang iyong device ay kailangang i-set up ng isang taong nakakatugon sa mga kinakailangan sa edad ng iyong bansa. Kung naka-set up na ang device, laktawan ang hakbang na ito.

Alamin kung paano i-set up ang iyong speaker, Smart Display, o Smart Clock.

Hakbang 2: Idagdag ang boses ng iyong anak

Mahalaga: Ang magulang na nagdaragdag ng boses ng kanyang anak sa nakabahaging device ay dapat miyembro ng bahay kung saan naka-link ang device. Alamin kung paano magbahagi ng bahay at mga device sa Google Home app.

Opsyon 1: Gamitin ang Family Link app sa iyong telepono o tablet

Para makapunta sa setting na ito nang direkta sa iyong app, i-tap ang button sa ibaba:

I-set up ang mga kontrol ng Google Assistant

Mahalaga: Puwede mo ring i-on ang Face Match para sa mga kwalipikadong device.

  1. Ikonekta ang iyong telepono o tablet sa Wi-Fi network kung saan nakakonekta ang speaker, Smart Display, o Smart Clock mo.
  2. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  3. Piliin ang iyong anak.
  4. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Idagdag ang iyong anak sa mga bagong device.
  5. Kung marami kang device, i-tap ang kahon sa tabi ng bawat nakabahaging device kung mo gustong idagdag ang boses ng iyong anak. Kung hindi, lumaktaw sa hakbang 6.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen para i-sign in ang iyong anak.
  7. Ibigay ang telepono o tablet sa iyong anak.
  8. Tulungan siyang turuan ang Google Assistant na makilala ang kanyang boses.
Opsyon 2: Gamitin ang Google Home app sa telepono o tablet ng iyong anak
  1. Ikonekta ang telepono o tablet ng iyong anak sa parehong Wi-Fi network kung saan nakakonekta ang speaker, Smart Display, o Smart Clock mo.
  2. Sa telepono o tablet ng iyong anak, buksan ang Google Home app Google Home.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Home Home.
  4. Pindutin nang matagal ang nakabahaging device kung saan mo gustong idagdag ang boses ng iyong anak.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga setting ng device Settings at pagkatapos ay I-link sa Voice Match.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
    • Tip: Para magbigay ng pahintulot, mag-sign in gamit ang iyong password.
  7. Ibigay ang telepono o tablet sa iyong anak.
  8. Tulungan siyang turuan ang Google Assistant na makilala ang kanyang boses.
Opsyon 3: Gamitin ang mga setting ng Assistant sa telepono o tablet ng iyong anak
  1. Ikonekta ang telepono o tablet ng iyong anak sa parehong Wi-Fi network kung saan nakakonekta ang speaker, Smart Display, o Smart Clock mo.
  2. Sa telepono o tablet ng iyong anak, buksan ang Google Home app Google Home.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Larawan sa profile o inisyal ng iyong anak at pagkatapos ay Mga setting ng Assistant at pagkatapos ay Voice Match at pagkatapos ay Magdagdag ng mga device.
  4. Piliin ang mga nakabahaging device kung saan mo gustong idagdag ang boses ng iyong anak.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
    • Tip: Para magbigay ng pahintulot, mag-sign in gamit ang iyong password.
  6. Ibigay ang telepono o tablet sa iyong anak.
  7. Tulungan siyang turuan ang Google Assistant na makilala ang kanyang boses.

Pamahalaan ang mga setting ng Google Assistant para sa iyong anak

Mahalaga: Kapag nagbago ka ng mga setting ng Google Assistant, posibleng abutin ng ilang sandali bago malapat ang pagbabago.

Ituro ulit sa Google Assistant ang boses ng iyong anak

Kung hindi nakikilala ng Google Assistant ang boses ng iyong anak, posibleng kailanganin mong sanayin ito ulit.

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Ituro ulit sa Assistant ang boses ni [pangalan ng bata]at pagkatapos ay Sanayin Ulit.
  4. Ibigay ang iyong telepono o tablet sa anak mo.
  5. Tulungan siyang turuan ang Google Assistant na makilala ang kanyang boses. 

Tip: Kailangang magbasa nang malakas ng ilang parirala ng iyong anak. Kung kailangan ng iyong anak ng tulong sa pagbabasa, puwede mong ibulong sa kanyang tainga ang mga parirala, pero subukang bumulong nang malayo sa mikropono para matutunan ng Google Assistant ang boses ng iyong anak sa halip na ang boses mo.

Ituro ulit sa Google Assistant ang mukha ng iyong anak

Mahalaga: Available lang ang Face Match sa Nest Hub Max.

Kung hindi nakikilala ng Google Assistant ang mukha ng iyong anak, posibleng kailanganin mong sanayin ito ulit.

Sa telepono o tablet:

  1. Buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga setting at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Sanayin ulit ang face match ni [pangalan ng bata].
  4. Para turuan ang Google Assistant na makilala ang kanyang mukha, sundin ang mga tagubilin sa screen
I-on o i-off ang mga personal na resulta para sa isang nakabahaging device

Mahalaga: Puwedeng i-on o i-off ng iyong anak ang mga personal na resulta sa kanyang Google Home app o Google Assistant app. Hindi ka makakatanggap ng notification kung babaguhin ng iyong anak ang setting na ito, pero anumang oras ay puwede mong tingnan ang mga setting ng kanyang mga personal na resulta para sa mga nakabahaging device sa Family Link app.

Puwede mong hayaan ang Google Assistant na magbasa o magpakita ng mga personal na resulta para sa iyong anak, tulad ng kanyang kalendaryo at mga paalala. Matuto pa tungkol sa mga personal na resulta.

Kung io-off mo ang mga personal na resulta para sa iyong anak para sa isang nakabahaging device, hindi magbibigay ang Google Assistant ng impormasyong partikular sa anak mo sa device na iyon. Kasama rito ang mga resulta mula sa kanyang kalendaryo at mga paalala.

I-on o i-off ang mga personal na resulta para sa isang nakabahaging device

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga Device.
  4. I-tap ang device.
  5. I-on o i-off ang Mga personal na resulta
I-off ang mga personal na resulta para sa lahat ng kwalipikadong Google Assistant device

Mahalaga:

  • Puwedeng i-on o i-off ng iyong anak ang mga personal na resulta sa kanyang Google Home app o Google Assistant app. Hindi ka makakatanggap ng notification kung babaguhin ng iyong anak ang setting na ito, pero anumang oras ay puwede mong tingnan ang kanyang mga setting para sa mga nakabahaging device sa Family Link app o ang kanyang mga setting para sa mga personal na device sa kanyang personal na device.
  • Kung io-off mo ang mga personal na resulta para sa iyong anak para sa lahat ng kwalipikadong device, hindi magbibigay ang Google Assistant ng impormasyong partikular sa anak mo sa alinman sa mga device na iyon. Kasama rito ang mga resulta mula sa kanyang Google Calendar, Gmail, at Google Photos.
  • Ang setting ng mga personal na resulta sa ibaba ay nalalapat sa:
    • Mga telepono at tablet ng iyong anak
    • Mga nakabahaging speaker, Smart Display, Smart Clock, at TV

I-off ang mga personal na resulta para sa lahat ng kwalipikadong device

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay I-off ang mga personal na resulta at pagkatapos ay I-off.
I-set up ang Face Match
Mahalaga: Ang feature na ito ay available lang sa Nest Hub Max, at pagkatapos mo lang i-set up ang Voice Match para sa iyong anak sa device na iyon.
  1. Ikonekta ang telepono o tablet ng iyong anak sa parehong Wi-Fi network kung saan nakakonekta ang Nest Hub Max mo.
  2. Sa telepono o tablet ng iyong anak, buksan ang Google Home app Google Home.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Larawan sa profile o inisyal ng iyong anak at pagkatapos ay Mga setting ng Assistant at pagkatapos ay Face Match at pagkatapos ay I-set up ang Face Match.
  4. Para ma-set up ang Face Match, pagkatapos mong magbigay ng pahintulot ng magulang, sundin ang mga tagubilin sa screen.

Tip: Puwede mo ring i-set up ang Face Match kapag idinagdag mo ang boses ng iyong anak sa isang Nest Hub Max. Alamin kung paano idagdag ang boses ng iyong anak sa isang device.

I-disable ang Face Match

Mahalaga:

  • Para ma-delete ang face model ng iyong anak sa Nest Hub Max mo, i-disable ang Face Match sa iyong Family Link app.
  • Kung aalisin mo ang Voice Match para sa iyong anak, madi-disable din ang Face Match.
  • Kapag naka-disable ang Face Match, made-delete ang face model ng iyong anak sa Nest Hub Max. Hindi nito made-delete ang mga larawan sa pag-enroll na ginamit mo sa paggawa ng kanyang face model. Para i-delete ang mga larawan sa pag-enroll sa Face Match, mag-sign in sa account ng iyong anak at pumunta sa g.co/assistant/match.

I-disable ang Face Match sa Family Link app

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga Device at pagkatapos ay Nest Hub Max at pagkatapos ay Alisin ang Face Match.
Alisin ang account at boses ng iyong anak sa nakabahaging device

Mahalaga: Kung aalisin mo ang Voice Match para sa iyong anak:

  • Hindi na magagawa ng Google Assistant na kilalanin ang boses ng iyong anak o ibigay ang kanyang mga naka-personalize na resulta sa nakabahaging device. Ibig sabihin, hindi magkakaroon ang iyong anak ng naka-personalize na karanasan at posibleng maka-access siya ng pinaghihigpitang content.
    • Para alisin ang Voice Match sa telepono o tablet ng iyong anak, pumunta sa mga setting ng Assistant sa device na iyon.
  • Made-delete ang voice model ng iyong anak sa nakabahaging device. Hindi nito made-delete mga clip ng kanyang boses sa pag-enroll na ginamit para magawa ang kanyang voice model. Para ma-delete ang mga clip sa pag-enroll sa Voice Match, mag-sign in gamit ang account ng iyong anak at pumunta sa g.co/assistant/match.
  • Kung naka-set up ang Face Match sa isang Nest Hub Max, madi-disable din ang Face Match at made-delete ang face model ng iyong anak sa device na iyon. Hindi nito made-delete ang mga larawan sa pag-enroll na ginamit para magawa ang kanyang face model. Para i-delete ang mga larawan sa pag-enroll sa Face Match, mag-sign in sa account ng iyong anak at pumunta sa g.co/assistant/match.
  • Maalis ang account ng iyong anak sa nakabahaging device.

Alisin ang Voice Match

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga Device.
  4. Piliin ang nakabahaging device at i-tap ang Alisin ang Voice Match at pagkatapos ay Alisin.

Tip: Puwede ring ang anak mo mismo ang mag-unlink ng kanyang boses.

Alisin ang boses at mukha ng iyong anak sa lahat ng Google Assistant device

Mahalaga: Kung aalisin mo ang Voice Match at Face Match para sa iyong anak:

  • Hindi na magagawa ng Google Assistant na kilalanin ang kanyang boses at mukha sa anumang device.
    • Para alisin ang Voice at Face Match mula sa isang partikular na nakabahaging device, pumunta sa mga setting ng device na iyon sa Family Link app.
    • Para alisin ang Voice Match sa telepono o tablet lang ng iyong anak, pumunta sa mga setting ng Assistant sa device na iyon.
  • Hindi na magagawa ng Google Assistant na ibigay ang kanyang mga personal na resulta sa mga nakabahaging device.
  • Maalis ang account ng iyong anak sa mga nakabahaging Google Assistant device.
  • Sa ilang device tulad ng mga telepono, posibleng hindi na tumugon ang Google Assistant sa “Ok Google.”
  • Made-delete ang voice at face model ng iyong anak sa mga device na naka-enable ang Google Assistant. Posibleng hindi ma-delete ang mga voice at face model sa isang device kung hindi ito nakakonekta sa internet, hindi ginagamit ang pinakabagong bersyon ng Google Assistant, o isang mas lumang device. Sa mga sitwasyong tulad ng mga ito, para maalis ang mga voice at face model, i-factory reset ang device.
  • Ide-delete ang mga clip sa Voice Match at larawan sa Face Match sa pag-enroll sa g.co/assistant/match sa account ng iyong anak.
  • Pagkatapos alisin ang voice at face model ng iyong anak sa lahat ng device na naka-enable ang Google Assistant, puwede mong idagdag pabalik sa mga device ang mga ito sa ibang pagkakataon. Para gawin ito, sundin ang mga hakbang para “I-set up ang Voice Match” at “I-set up ang Face Match.”

Alisin ang Voice Match at Face Match

Mahalaga:
  • Hindi available ang mga hakbang na ito sa Google Pixel Tablet. Kakailanganin mong sundin ang mga hakbang na ito sa ibang compatible na mobile device.
  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga paghihigpit sa content at pagkatapos ay Google Assistant at pagkatapos ay Alisin ang Voice Match o  Alisin ang Voice Match at Face Match at pagkatapos ay Alisin.

Tip: Puwede mo ring alisin ang Voice Match sa lahat ng device. Para alisin ang Voice Match, i-tap ang Alisin ang Voice Match sa lahat ng aking device.

Pamahalaan ang impormasyon ng contact at app na naka-save sa mga device ng iyong anak

Makokontrol mo kung mase-save sa Google Account ng iyong anak ang impormasyon tungkol sa mga contact at app ng anak mo mula sa kanyang mga naka-sign in na device. Naaapektuhan ng data na ito ang karanasan ng iyong anak sa lahat ng serbisyo ng Google, kasama ang Search at Assistant.

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. I-tap ang Mga Kontrol at pagkatapos ay Mga setting ng account at pagkatapos ay Mga setting ng privacy at pagkatapos ay Mga setting ng data ng account.
  4. Sa seksyong ”Iba pang setting ng account,” pamahalaan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan at impormasyon ng app mula sa mga device.

Gumamit ng mga pagkilos na hindi Google sa Google Assistant

Puwede lang gumamit ang iyong anak na wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa bansa mo) ng mga pagkilos na partikular na hindi Google na may bagde na "Para sa mga pamilya" kapag naka-sign in sa kanyang account.

Mahalaga: Ang mga pagkilos na Hindi Google sa Google Assistant, na may badge na "Para sa mga pamilya", ay available sa lahat ng bansa kung saan available ang Google Assistant.

Tingnan kung para sa mga pamilya ang isang pagkilos
  1. Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Hey Google, buksan ang mga setting ng Assistant." 
  2. Sa ilalim ng "Lahat ng setting," i-tap ang I-explore.
  3. I-tap ang icon ng app.
  4. Sa seksyong "Mga Detalye," hanapin ang badge na "Para sa mga pamilya" Para sa mga pamilya.
Alamin kung para sa mga pamilya ang isang pagkilos sa web
  1. Pumunta sa assistant.google.com/explore.
  2. Pumili ng app.
  3. Sa seksyong “Mga Detalye,” hanapin ang badge na “Para sa mga pamilya” Para sa mga pamilya.
Pigilan ang iyong anak na gumamit ng anumang pagkilos na hindi Google
  1. Sa iyong device, buksan ang Family Link app Family Link.
  2. Piliin ang iyong anak.
  3. Mga setting ng account at pagkatapos ay Mga kontrol para sa mga third party app at pagkatapos ay Pamahalaan ang access ng third party app. 
  4. Kung may mga third party app ka, puwede mong i-tap ang mga ito para baguhin ang access.
Unawain ang privacy ng iyong anak sa mga pagkilos na partikular na hindi Google

Kung papayagan mo ang iyong anak na gumamit ng mga pagkilos na hindi Google:

  • Hindi magbabahagi ang Google ng mga recording ng boses ng iyong anak sa mga app na ito.
  • Isang transcript ng sinabi ng iyong anak ang puwedeng ipadala sa mga app na ito.
  • Hindi ibabagi ng Google ang mga personal na impormasyon ng iyong anak sa mga app na ito, tulad ng pangalan, email address, o tumpak na lokasyon ng anak mo.
  • Kung kailangang mag-save ng impormasyon ng isang app, tulad ng mga sagot ng iyong anak sa mga trivia na tanong, ise-save ito sa isang natatanging code sa halip na sa kanyang Google Account.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12726162098310191255
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false