Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Matanggap sa speaker o display ang mga anunsyo ng doorbell kapag may bisita

Puwedeng ianunsyo ng mga Google Nest o Home speaker at display kapag may nag-ring ng iyong Google Nest doorbell, o iba pang compatible na doorbell. Sa pamamagitan ng smart display, Chromecast, o Android TV, puwede mong makita kung sino ang taong naroon.

1. I-set up ang iyong mga produkto

Kakailanganin mong i-install ang iyong mga produkto at idagdag ang mga iyon sa mga kaukulang app bago mo i-set up ang mga anunsyo kapag may bisita. 

Tandaan: Posibleng hindi available ang mga anunsyo kapag may bisita sa lahat ng 3rd party na doorbell na gumagana sa Google. Para malaman kung available ang mga iyon sa iyong mga doorbell, magtanong sa manufacturer ng doorbell mo. 

  1. I-set up ang iyong speaker o display.
  2. I-install ang iyong doorbell alinsunod sa mga tagubilin ng manufacturer. Sundin ang mga tagubiling ito para sa mga Nest doorbell:
  3. Idagdag ang iyong doorbell sa Google Home app.
    • Tiyaking nasa parehong bahay ang iyong doorbell at ang speaker o display mo. Kung hind, hindi ka makakatanggap ng mga anunsyo kapag may bisita.
    • Kung mayroon kang Nest doorbell, posibleng naidagdag ito sa Home app noong na-install mo ito. 

I-on ang mga personal na resulta para sa iyong speaker o display. Tandaan: Kung mayroon kang display, piliin ang Palaging proactive na ipakita.

2. I-on o i-off ang mga anunsyo kapag may bisita

Nest doorbell (baterya) at iba pang compatible na doorbell

  1. Buksan ang Home app .
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting  at pagkatapos ay Doorbell.
  4. I-on o i-off ang Mga anunsyo kapag may bisita.

Tandaan: Puwede mo ring gamitin ang Huwag Istorbohin para pansamantalang i-off ang mga anunsyo kapag may bisita para sa iyong Google speaker o display.

Nest doorbell (wired)

Para i-on ang mga anunsyo kapag may bisita:

  1. Buksan ang Nest app app home icon.
  2. I-tap at i-hold ang tile ng iyong device.
  3. I-tap ang Mga Setting Nest settings icon at pagkatapos ay Mga anunsyo kapag may bisita. Dadalhin ka nito sa Google Home app.
  4. Kapag tinanong, sundin ang mga prompt sa screen sa Google Home app para kumpletuhin ang pag-set up.

Para i-off ang mga anunsyo kapag may bisita, i-off ang iyong mga notification sa displayPuwede mo ring gamitin ang Huwag Istorbohin para pansamantalang i-off ang mga anunsyo kapag may bisita para sa iyong Google speaker o display.

3. Mag-stream ng video mula sa iyong doorbell sa display o TV mo

Kung nag-set up ka ng smart display sa Google Home app, puwede mo itong gamitin para manood ng video mula sa iyong doorbell. Puwede ka ring gumamit ng Chromecast o Android TV sa ilang doorbell.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12575392632158322064
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false