Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Tungkol sa Pampamilyang Wi-Fi

Ang pampamilyang Wi-Fi ay isang grupo ng mga feature ng parental control na magagamit mo sa mga Nest Wifi Pro, Nest Wifi, at Google Wifi network. Nagbibigay-daan sa iyo ang parental controls ng Google Nest Wifi na i-pause ang internet sa anumang device sa iyong network pati na rin i-block ang pang-adult na content.

Tandaan: Hindi magagamit ang mga feature ng Family Wi-Fi sa mga device na gumagamit ng Pribagong Address o Naka-randomize na MAC Address. Pinipigilan ng setting na ito sa iyong telepono, tablet, computer, o ibang device na matukoy ang mga ito. Kung makakaranas ka ng mga problema sa pagsubok na gamitin ang Family Wi-Fi, baguhin o i-disable ang Naka-randomize na MAC setting ng iyong device.

I-pause ang access sa Wi-Fi on demand

Sa pamamagitan ng pag-pause ng Wi-Fi, ikaw ang magpapasya kung kailan puwedeng magkaroon ng access sa internet ang iyong mga anak sa kanilang mga device. Panatilihing nakatuon ang iyong mga anak sa mga gawain nila sa pamamagitan ng pag-pause ng Wi-Fi para sa mga device sa Google Home app o gamit ang boses mo sa pamamagitan ng Google Assistant. Matuto pa.

Mag-iskedyul ng mga pag-time out sa internet

Huwag nang alalahanin kung ang iyong mga anak ay nagsasayang ng oras online sa halip na sumunod sa regular nilang routine. Gumamit ng mga grupo sa Pampamilyang Wi-Fi para mag-iskedyul ng mga pag-pause ng internet sa mga panahong abala tulad ng oras ng pagtulog o paggawa ng homework. Matuto pa.

Awtomatikong mag-block ng milyon-milyong website na para sa nasa hustong gulang

Maging mas panatag gamit ang pag-block ng site. Gumamit ng mga grupo para mag-set up ng pag-block ng site, na gumagamit ng teknolohiyang SafeSearch ng Google para pigilang maipakita ang milyon-milyong website na para sa nasa hustong gulang sa mga device ng iyong mga anak. Matuto pa.

Kontrolin ang maraming device gamit ang mga pangkat

Sa pamamagitan ng mga pangkat, mapapamahalaan mo ang ilang device nang sama-sama kaya magagawa mong mag-pause, ma-on ang pag-block ng site, o gumawa ng mga iskedyul sa ilang pag-tap lang. Matuto pa.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13220939594968125588
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false