Malalaman mo kung ano ang ginagawa ng iyong speaker o ang status nito sa pamamagitan ng mga LED na ilaw nito.
Piliin ang iyong device
Nakadepende sa device ang mga kulay ng mga LED na ilaw at kung paano gagalaw ang mga ito. Para malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga ilaw sa iyong device, piliin ang device mo sa ibaba.
Google Home | Google Home Mini o Nest Mini |
Google Home Max |
Google Nest Audio |
Iba pang speaker na gumagana sa "Hey Google" |
---|
Google Home
Google Assistant
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Umiikot nang clockwise at nagpapatay-sindi ang mga ilaw na may iba't ibang kulay |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" at naghihintay ito ng iyong tanong o command. Alamin kung ano ang puwede mong itanong sa Google Assistant. |
Tuloy-tuloy na umiikot nang clockwise ang mga ilaw na may iba't ibang kulay |
Nag-iisip ang Google Assistant. |
Tuloy-tuloy na nagpapatay-sindi ang mga ilaw na may iba't ibang kulay |
Tumutugon ang Google Assistant. |
May 4 na solid na orange na ilaw |
Naka-off ang mikropono. Hindi ma-detect ng Google Assistant ang "Hey Google" o hindi ito makatugon. Para i-on o i-off ang mikropono, sa likod ng Google Home, pindutin ang button na i-mute ng mikropono. Alamin kung paano kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng pagpindot. |
Tandaan: Narito ang higit pa tungkol sa Seguridad at privacy ng data sa mga Google Nest at Home device.
Setup
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Mabagal na nagpapatay-sindi ang 4 na puting ilaw |
Handa nang i-set up ang Google Home. |
Mabagal na nagpapatay-sindi ang 4 na asul na ilaw |
Kailangan mong i-verify ang Google Home. |
Umiikot nang clockwise ang 4 na puting ilaw |
Kumokonekta ang Google Home sa Wi-Fi. |
Lumiliwanag ang mga puting ilaw mula sa itaas pababa |
Nagda-download ang Google Home ng update. |
Umiikot nang clockwise ang 6 na puting ilaw |
Nag-i-install ang Google Home ng update. |
System
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Umiikot at nagbi-blink ang mga puting ilaw at mga ilaw na may iba't ibang kulay |
Nagbu-boot ang Google Home. |
Nagka-countdown ang mga orange na ilaw |
Kinukumpirma ng Google Home na gusto mong magsagawa ng pag-factory reset. |
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
May nagri-ring na alarm. |
Umiikot ang mga puting ilaw |
May nagri-ring na timer. |
May isang solid na puting ilaw na nakasindi nang humigit-kumulang 10 minuto |
Ipinapaalala sa iyo ng Google Home na may available na notification. Para pakinggan ang notification, sabihin ang "Hey Google, ano'ng mayroon?" |
Volume
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May sumisinding isang nakagitnang puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Naka-mute ang volume. Alamin kung paano kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng pagpindot. |
May sumisinding 1 hanggang 10 puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Ang lakas ng volume ay mula 1 hanggang 10. |
Error
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May 6 na solid na orange na ilaw |
May update na mas nagtatagal kaysa sa inaasahan. |
Google Assistant
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May 4 na puting ilaw |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" at naghihintay ito ng iyong tanong o command. Alamin kung ano ang puwede mong itanong sa Google Assistant. |
Kumikislap at pagkatapos ay nawawala ang 4 na puting ilaw |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" pero hindi nito nakilala ang isang tanong o command. Kung gusto mo sanang gumawa ng kahilingan, subukan ulit. |
Tuloy-tuloy na tumatakbo ang mga puting ilaw mula kaliwa pakanan |
Nag-iisip ang Google Assistant. |
Tuloy-tuloy na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Tumutugon ang Google Assistant. |
Kumikislap nang dalawang beses at pagkatapos ay nawawala ang 4 na puting ilaw |
Nauunawaan ng Google Assistant ang iyong kahilingan pero hindi ito tumugon nang verbal. Halimbawa, pagkatapos mong sabihin ang "Susunod" habang may nagpe-play na kanta. |
May 4 na solid na orange na ilaw |
Naka-off ang mikropono. Hindi ma-detect ng Google Assistant ang "Hey Google" o hindi ito makatugon. Para i-on o i-off ang mikropono, sa tabi ng power cord, i-slide ang switch ng mikropono. Alamin kung paano kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng pagpindot. |
Tandaan: Narito ang higit pa tungkol sa Seguridad at privacy ng data sa mga Google Nest at Home device.
Setup
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Handa nang i-set up ang iyong speaker. |
May 4 na solid na asul na ilaw |
Kailangan mong i-verify ang iyong speaker. |
Pabalik-balik na tumatakbo ang mga ilaw |
Kumokonekta ang iyong speaker sa Wi-Fi. |
Sumisindi ang mga puting ilaw mula kaliwa pakanan |
Nagda-download o nag-i-install ng update ang iyong speaker. |

Nest Mini: Depende sa kulay ng iyong device, may sumisinding mga ilaw na may iba't ibang kulay o puti mula kaliwa pakanan Google Home Mini: May sumisinding mga ilaw na may iba't ibang kulay mula kaliwa pakanan |
Nagbu-boot ang iyong speaker. |
Google Home Mini lang: Nagka-countdown ang orange na ilaw |
Kinukumpirma ng iyong speaker na gusto mong magsagawa ng pag-factory reset. Nakukumpirma ang pag-reset kapag may 4 na orange na ilaw. Alamin kung paano i-factory reset ang iyong device. |
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
May nagri-ring na alarm o timer. Alamin kung paano: |
May isang solid na puting ilaw na nakasindi nang humigit-kumulang 10 minuto |
Ipinapaalala sa iyo ng speaker mong may available na notification. Para pakinggan ang notification, sabihin ang "Hey Google, ano'ng mayroon?" |
Volume
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Kumikislap ang 4 na madilim na puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Naka-mute ang volume. Alamin kung paano kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng pagpindot. |
May sumisinding 1 hanggang 4 na puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Ang lakas ng volume ay mula 1 hanggang 10. |
Nest Mini lang: Umiilaw habang lumalapit ang iyong kamay sa device kapag may nagpe-play na musika |
May na-detect na kamay ang Nest Mini. |
Error
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May 2 solid na pulang ilaw |
May update na mas nagtatagal kaysa sa inaasahan. |
Google Assistant
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May 4 na puting ilaw |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" at naghihintay ito ng iyong tanong o command. Alamin kung ano ang puwede mong itanong sa Google Assistant. |
Kumikislap at pagkatapos ay nawawala ang 4 na puting ilaw |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" pero hindi nito nakilala ang isang tanong o command. Kung gusto mo sanang gumawa ng kahilingan, subukan ulit. |
Tuloy-tuloy na tumatakbo ang mga puting ilaw mula kaliwa pakanan |
Nag-iisip ang Google Assistant. |
Tuloy-tuloy na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Tumutugon ang Google Assistant. |
Kumikislap nang dalawang beses at pagkatapos ay nawawala ang 4 na puting ilaw |
Nauunawaan ng Google Assistant ang iyong kahilingan pero hindi ito tumugon nang verbal. Halimbawa, pagkatapos mong sabihin ang "Susunod" habang may nagpe-play na kanta. |
May 4 na solid na orange na ilaw |
Naka-off ang mikropono. Hindi ma-detect ng Google Assistant ang "Hey Google" o hindi ito makatugon. Para i-on o i-off ang mikropono, sa likod ng Google Home Max, i-slide ang switch ng mikropono. Alamin kung paano kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng pagpindot. |
Tandaan: Narito ang higit pa tungkol sa Seguridad at privacy ng data sa mga Google Nest at Home device.
Setup
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Handa nang i-set up ang Google Home Max. |
May 4 na solid na asul na ilaw |
Kailangan mong i-verify ang Google Home Max. |
Pabalik-balik na tumatakbo ang mga ilaw |
Kumokonekta ang Google Home Max sa Wi-Fi. |
Sumisindi ang mga puting ilaw mula kaliwa pakanan |
Nagda-download o nag-i-install ang Google Home Max ng update. |
System
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May sumisinding mga ilaw na may iba't ibang kulay mula kaliwa pakanan |
Nagbu-boot ang Google Home Max. |
Nagka-countdown ang mga orange na ilaw |
Kinukumpirma ng Google Home Max na gusto mong magsagawa ng pag-factory reset. Nakukumpirma ang pag-reset kapag may 4 na orange na ilaw. Alamin kung paano i-factory reset ang iyong device. |
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
May nagri-ring na alarm o timer. Alamin kung paano: |
May isang solid na puting ilaw na nakasindi nang humigit-kumulang 10 minuto |
Ipinapaalala sa iyo ng Google Home Max na may available na notification. Para pakinggan ang notification, sabihin ang "Hey Google, ano'ng mayroon?" |
Mabilis na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
May nilalaktawang track ang Google Home Max. |
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Ipinapares ang Google Home Max sa isa pang speaker para sa stereo na tunog. Alamin kung paano magpares ng dalawang speaker para sa stereo na tunog. |
Volume
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Kumikislap ang 4 na madilim na puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Naka-mute ang volume. Alamin kung paano kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng pagpindot. |
May sumisinding 1 hanggang 4 na puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Ang lakas ng volume ay mula 1 hanggang 10. |
Error
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May 2 solid na pulang ilaw |
May update na mas nagtatagal kaysa sa inaasahan. |
Google Assistant
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May 4 na puting ilaw |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" at naghihintay ito ng iyong tanong o command. Alamin kung ano ang puwede mong itanong sa Google Assistant. |
Kumikislap at pagkatapos ay nawawala ang 4 na puting ilaw |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" pero hindi nito nakilala ang isang tanong o command. Kung gusto mo sanang gumawa ng kahilingan, subukan ulit. |
Mabilis na nagpapatay-sindi ang 4 na puting ilaw |
Nakikinig ang Google Assistant. |
Tuloy-tuloy na tumatakbo ang mga puting ilaw mula kaliwa pakanan |
Nag-iisip ang Google Assistant. |
Tuloy-tuloy na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Tumutugon ang Google Assistant. |
Kumikislap nang dalawang beses at pagkatapos ay nawawala ang 4 na puting ilaw |
Nauunawaan ng Google Assistant ang iyong kahilingan pero hindi ito tumugon nang verbal. Halimbawa, pagkatapos mong sabihin ang "Susunod" habang may nagpe-play na kanta. |
May 4 na solid na orange na ilaw |
Naka-off ang mikropono. Hindi ma-detect ng Google Assistant ang "Hey Google" o hindi ito makatugon. Para i-on o i-off ang mikropono, sa tabi ng power cord, i-slide ang switch ng mikropono. Alamin kung paano kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng pagpindot. |
Tandaan: Narito ang higit pa tungkol sa Seguridad at privacy ng data sa mga Google Nest at Home device.
Setup
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Handa nang i-set up ang iyong speaker. |
May 4 na solid na asul na ilaw |
Kailangan mong i-verify ang iyong speaker. |
Pabalik-balik na tumatakbo ang mga ilaw |
Kumokonekta ang iyong speaker sa Wi-Fi. |
Sumisindi ang mga puting ilaw mula kaliwa pakanan |
Nagda-download o nag-i-install ng update ang iyong speaker. |
System
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Sumisindi ang mga puting ilaw mula kaliwa pakanan
|
Nagbu-boot ang iyong speaker. |
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
May nagri-ring na alarm o timer. Alamin kung paano: |
May isang solid na puting ilaw na nakasindi nang humigit-kumulang 10 minuto |
Ipinapaalala sa iyo ng speaker mong may available na notification. Para pakinggan ang notification, sabihin ang "Hey Google, ano'ng mayroon?" |
Volume
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Kumikislap ang 4 na madilim na puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Naka-mute ang volume. Alamin kung paano kontrolin ang iyong device sa pamamagitan ng pagpindot. |
May sumisinding 1 hanggang 4 na puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Ang lakas ng volume ay mula 1 hanggang 20. |
Error
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May 2 solid na pulang ilaw |
May update na mas nagtatagal kaysa sa inaasahan. |
Google Assistant
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
May 4 na puting ilaw |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" at naghihintay ito ng iyong tanong o command. Alamin kung ano ang puwede mong itanong sa Google Assistant. |
Kumikislap at pagkatapos ay nawawala ang 4 na puting ilaw |
Na-detect ng Google Assistant ang "Hey, Google" pero hindi nito nakilala ang isang tanong o command. Kung gusto mo sanang gumawa ng kahilingan, subukan ulit. |
Tuloy-tuloy na tumatakbo ang mga puting ilaw mula kaliwa pakanan |
Nag-iisip ang Google Assistant. |
Tuloy-tuloy na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Tumutugon ang Google Assistant. |
Kumikislap nang dalawang beses at pagkatapos ay nawawala ang 4 na puting ilaw |
Nauunawaan ng Google Assistant ang iyong kahilingan pero hindi ito tumugon nang verbal. Halimbawa, pagkatapos mong sabihin ang "Susunod" habang may nagpe-play na kanta. |
May 4 na solid na orange na ilaw |
Naka-off ang mikropono. Hindi ma-detect ng Google Assistant ang "Hey Google" o hindi ito makatugon. |
System
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
Handa nang i-set up ang iyong speaker. |
Nagka-countdown ang mga orange na ilaw |
Kinukumpirma ng iyong speaker na gusto mong magsagawa ng pag-factory reset. Nakukumpirma ang pag-reset kapag may 4 na orange na ilaw. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano i-factory reset ang iyong speaker, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device. |
Mabagal na nagpapatay-sindi ang mga puting ilaw |
May nagri-ring na alarm o timer. Alamin kung paano: |
Volume
Paglalarawan ng mga LED na ilaw | Ano ang ibig sabihin nito |
---|---|
Kumikislap ang 4 na madilim na puting ilaw kapag nagsasagawa ka ng galaw sa pagkontrol ng volume |
Naka-mute ang volume. |