Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Mga kinakailangan para sa mga Google Nest at Chromecast device

Tiyaking nakakatugon ang iyong telepono o tablet sa mga kinakailangan sa ibaba. Tiyakin ding parehong updated ang app at ang OS ng iyong device. Kung hindi updated ang mga ito, posibleng makaranas ka ng mga isyu sa paggamit ng alinmang app.

Mga kinakailangan sa Home app

  • Google account
  • Wi-Fi network sa bahay
  • Isa sa mga sumusunod na mobile device:
    • Android phone o tablet na may Android 9.0 o mas bago
    • iPhone o iPad na may iOS 15.0 o mas bago
Puwede mong i-download ang Google Home app sa Google Play Store o sa App store.
 
Tandaan: Hindi ka makakapag-set up ng mga device o makakagamit ng Google Home app saon a computer.
 

Mga kinakailangan sa Nest app

Tandaan: Hindi available sa lahat ng rehiyon at wika ang Nest app.

Nakabalangkas sa talahanayan sa ibaba ang mga minimum na kinakailangan para ma-install at magamit ang Nest app sa iba't ibang device.

Mga Android phone at tablet

Android TV

Kinakailangan para sa Bluetooth LE sa mga Android phone at tablet

Kinakailangan ng ilang function ng Nest app ang Bluetooth Low Energy (BLE), na unang lumabas sa Bluetooth 4.0.

Maraming Android phone at tablet ang may BLE. Kung binili mo ang iyong device sa loob ng nakaraang ilang taon, malamang na may BLE ito. Para tingnan, pumunta sa mga teknikal na detalye sa website ng manufacturer ng iyong telepono o tablet para malaman kung gumagamit ang device mo ng Bluetooth 4.0 o mas bago.

Puwede mong gamitin ang Nest app sa isang device na walang BLE. Marami sa mga feature ng app ang gagana nang walang BLE. Pero kung gusto mong gamitin ang mga sumusunod na feature, kailangang may BLE ang iyong device.

  • Google Nest Protect
    • Kailangan ng 2nd gen na Nest Protect ang BLE para sa Pagpapatahimik sa App at Checkup sa Kaligtasan sa app. Kung gusto mong gamitin ang Pagpapatahimik sa App at Checkup sa Kaligtasan sa iyong Android device, kailangan mo rin ng Android 5.0 o mas bago.
    • Walang BLE ang 1st gen na Nest Protect at hindi ito nangangailangan nito.
  • Google Nest Thermostat: Hindi kailangan ang BLE (nalalapat sa lahat ng thermostat).

  • Google Nest Cam

Mga Tuntunin ng Serbisyo at Privacy

Nalalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google at karagdagang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Nest sa paggamit ng Google Home app at ng mga device na na-set up sa pamamagitan ng app.

Tandaan: Inilalarawan sa Patakaran sa Privacy kung paano pinapangasiwaan ng app at mga device na ito ang data; makakakita ng higit pang detalye sa artikulong ito tungkol sa Privacy ng Nest sa Help Center. Alamin ang tungkol sa aming dedikasyon sa pagpapanatili ng privacy sa bahay.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1609530290026496914
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false