Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Gumawa at mamahala ng Mga Routine para sa mga automation ng Google Home

Ang Mga Routine sa Google Home app ay mga automation para sa iyong mga home device na makakatulong sa iyo at sa sambahayan mo na mag-automate ng mga gawain sa buong araw.

Halimbawa, puwede kang gumawa ng:

  • Mga Personal na Routine tulad ng sinisimulan mo kapag sinabi mo ang “Ok Google, good morning." Pagkatapos ay io-on ng Google Assistant ang iyong mga compatible na smart light, sasabihin nito sa iyo ang lagay ng panahon, ililista nito ang mga event sa kalendaryo mo para sa araw, at ipe-play nito ang balita.
  • Mga Routine ng Sambahayan kung saan io-on ng Google Home ang iyong nakakonektang porch light at itatakda nito ang thermostat sa 75°F araw-araw paglubog ng araw o magsisimula kapag may nag-on ng TV sa sala, at pagkatapos ay magsasagawa ang Assistant ng custom na command, tulad ng “Turn on the amplifier (I-on ang amplifier).”
Mahalaga: Makikita ng lahat ng miyembro ng sambahayan kapag ginawa ang Mga Routine na ito. Pinapadali lang ng Mga Routine ang mga bagay-bagay, ang mga ito ay hindi para sa mga sitwasyon ng paggamit na kritikal sa kaligtasan o seguridad. Huwag gumawa ng Mga Routine na puwedeng magresulta sa pinsala o kapahamakan sakaling hindi magsimula o huminto ang mga ito. Posibleng nakasalalay ang Mga Routine sa gumaganang internet, Wi-Fi, at availability ng serbisyo mula sa Google at mga third party na gumawa sa mga device na kasama sa Mga Routine. Posibleng magkaroon ng mga pagkakataong hindi gagana ang Mga Routine at hindi mananagot ang Google sa anumang pinsala o pagkawalang dulot ng anumang hindi gaganang Routine.

Available lang ang Mga Routine sa mga piling rehiyon at wika.

Alamin pa ang mga uri ng Mga Routine

Mga Personal na Routine

Nakakatulong sa iyo ang Mga Personal na Routine na i-automate ang mga gawain sa buong araw mo. Halimbawa, puwedeng i-play ng Assistant ang balita sa umaga kapag nag-dismiss ka ng alarm.

  • Ikaw lang ang puwedeng gumawa, mag-edit, at magsimula ng mga personal na Routine para sa iyong sarili.
  • Ikaw lang ang makakakita kang gumana ang iyong personal na Routine sa Aking Activity.
  • Puwede kang makatanggap ng mga personal na resulta, tulad ng mga event at paalala mula sa iyong kalendaryo.

Mga Routine ng Sambahayan

Nakakatulong ang Mga Routine ng Sambahayan na i-automate ang mga nakabahaging home device para sa lahat ng nasa iyong bahay.  Halimbawa, kung na-on mo ang pagtukoy sa presensya para sa iyong telepono, awtomatikong mag-o-off ang mga camera mo kapag nakauwi ka na, o kapag manual mong itinakda sa Kapag Nasa Bahay ang status ng iyong bahay.

  • Ang mga kwalipikadong miyembro ng bahay na may pang-manager na access lang ang puwedeng gumawa o mag-edit ng Routine ng sambahayan.
  • Masisimulan ng sinuman sa bahay, kasama ang mga bisita, ang karamihan ng Mga Routine ng sambahayan.
  • Puwedeng tingnan ng lahat ng miyembro ng bahay kung kailan magsisimula ang isang Routine ng sambahayan. Ang impormasyong ito ay nasa Google Home app, sa History ng bahay.
  • Puwede ring magsimula ang mga ito kapag nag-on o nag-off ang isang device.
  • Hindi makakapagbigay ang mga ito ng mga personal na resulta tulad ng mga event o paalala mula sa kalendaryo ng miyembro ng bahay.
  • Puwedeng magsimula ang mga ito kapag wala sa bahay ang lahat o kapag may umuwi. Matuto pa tungkol sa Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay.

Gumawa ng Routine

Mahalaga: Kung ise-set up mo ang Digital Wellness, posibleng malimitahan ng Downtime, mga filter, o Huwag istorbohin ang Mga Routine.

Puwede kang gumawa ng Routine para sa iyong sarili o para sa lahat ng tao sa bahay mo.

Gumawa ng Personal na Routine

Mahalaga: Para makakuha ng mga resultang tulad ng mga event sa kalendaryo at impormasyon sa pag-commute, dapat mong i-on ang mga personal na resulta.
  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Automation  at pagkatapos ay Magdagdag  at pagkatapos ay piliin ang Personal.
  3. Para pangalanan ang iyong Routine, i-tap ang Walang Pamagat.
    • Kung magdaragdag ka ng voice starter bago mo pangalanan ang iyong Routine, ang voice starter ang magiging pangalan.
  4. Idagdag ang mga starter at pagkilos na gusto mo. Tandaan: Kung ang iyong Routine ay nakatakdang awtomatikong magsimula at mayroon itong mga pagkilos na may audio, tukuyin ang device kung saan mo gustong mag-play ang audio. Sa ibaba, i-tap ang Device para sa audio, pumili ng device at i-tap ang I-save.
  5. I-tap ang I-save.
Makikita mo ang iyong bagong Routine sa listahan sa ilalim ng "Mga Personal na Routine." Kabilang din sa listahang ito ang ilang magagamit kaagad na Routine na puwede mong i-edit

Tandaan: Kung hindi ka makagawa o makapagpatakbo ng Mga Routine, baka kailangan mong palitan ang wika ng iyong telepono ng wikang sinusuportahan sa rehiyon mo.

Ang "Nakauwi na ako" at "Aalis na ako sa bahay" ay dalawang magagamit kaagad na Personal na Routine na hindi gumagamit ng pagtukoy sa presensya. Para gumawa ng Mga Routine ng Sambahayan na magsisimula kapag wala ang lahat sa bahay o pagkauwi ng isang tao, i-set up ang Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay.

Ilang halimbawa ng Mga Personal na Routine:

  • Starter: Sabihin ang “Ok Google, let’s go home (Ok Google, umuwi na tayo).”
  • Pagkilos: Magbibigay ang Assistant ng update sa lagay ng trapiko, babasahin nito ang iyong mga text, at magpe-play ito ng podcast.
  • Starter: Sabihin ang “Ok Google, bedtime.”
  • Pagkilos: Magtatakda ang Assistant ng alarm, io-off nito ang mga ilaw, at magpe-play ito ng mga tunog para sa pagtulog.
  • Starter: Idi-dismiss mo ang iyong alarm sa umaga.
  • Action: Sasabihin sa iyo ng Assistant ang mga event sa kalendaryo mo, ang lagay ng panahon para sa araw, at ang pag-commute mo papunta sa trabaho.

Gumawa ng Routine ng Sambahayan

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Automation   Magdagdag   piliin ang Sambahayan.
  3. Para pangalanan ang iyong Routine, i-tap ang Walang Pamagat.
    • Kung magdaragdag ka ng voice starter bago mo pangalanan ang iyong Routine, ang voice starter ang magiging pangalan.
  4. Idagdag ang mga starter at pagkilos na gusto mo. Tandaan: Kung ang iyong Routine ay nakatakdang awtomatikong magsimula at mayroon itong mga pagkilos na may audio, tukuyin ang device kung saan mo gustong mag-play ang audio. Sa ibaba, i-tap ang Walang device para sa audio, pumili ng device at i-tap ang I-save.
  5. I-tap ang I-save.

Puwede kang gumawa ng Routine sa sambahayan para:

  • Mag-on o mag-off ng ilaw, plug, camera, o switch sa isang partikular na oras araw-araw.
  • Itakda ang liwanag at kulay ng iyong mga smart light kapag na-on ang TV.
  • I-on ang ilaw sa entrance kapag may na-detect na paggalaw ang isang sensor ng paggalaw, o i-off ang iyong mga ilaw kapag walang na-detect na paggalaw sa loob ng 10 minuto.
  • Kung magri-ring ang doorbell sa gabi, i-on ang mga ilaw sa veranda at itakda ang liwanag ng ilaw sa 75%.

Tandaan: Naiiba ang mga hakbang sa pag-set up ng Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay sa iba pang Routine ng Sambahayan.

Puwede kang gumawa at mag-edit ng mga advanced na home automation na gumagamit ng mga karagdagang starter, pagkilos, at kundisyon sa pang-edit ng script. Matuto pa tungkol sa pang-edit ng script at kung paano gumawa ng mga advanced na Routine.

Alamin kung paano mag-set up ng Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay.

Pamahalaan ang Mga Routine

Mag-edit ng Routine

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Automation   piliin ang Routine na gusto mong i-edit.
  3. I-edit ang iyong Routine:
    • Para mag-edit ng starter o pagkilos: I-tap ito.
    • Para magdagdag ng starter na command gamit ang boses: I-tap ang Magdagdag ng starter Kapag sinabi ko sa Assistant ko.
    • Para magdagdag ng starter na hindi command gamit ang boses: I-tap ang Magdagdag ng starter hindi voice starter.
    • Para magdagdag ng pagkilos: I-tap ang Magdagdag ng pagkilos.
  4. I-tap ang I-save.

 

Gumawa ng shortcut para sa isang Routine

Sa Android phone o tablet, puwede kang magdagdag ng shortcut sa Home screen na puwede mong i-tap para paganahin ang iyong Routine.
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Automation .
  3. Piliin ang Routine na gusto mong gawan ng shortcut.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Gumawa ng shortcut sa Home screen .
  5. I-tap ang Idagdag sa Home screen.

Mag-pause ng Routine

Kung ayaw mong gumana ang isang Routine sa isang partikular na yugto ng panahon, puwede mo itong pansamantalang i-off sa pamamagitan ng pag-deactivate dito.

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Automation .
  3. Piliin ang Routine na gusto mong i-pause.
  4. Sa itaas, i-off ang I-activate ang Routine.
  5. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-save.

Tandaan: Hindi puwedeng i-pause ang Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay pero puwede mong i-off ang pagtukoy sa presensya para hindi awtomatikong magsimula ang mga ito.

Mag-delete ng Routine

Mahalaga: Permanente ang pag-delete ng isang Routine o automation. Para pansamantalang ihinto ang isang Routine o automation, i-pause na lang ito.
  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Automation .
  3. Piliin ang Routine na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang I-delete at pagkatapos ay I-delete ang routine.

Tandaan: Hindi made-delete ang Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay. Gayunpaman, puwede mong i-off ang pagtukoy sa presensya at alisin ang lahat ng pagkilos ng device. Alamin kung paano baguhin ang mga setting ng Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay.

Matuto tungkol sa mga starter at pagkilos para sa Mga Routine

Mahalaga: Ang mga starter at pagkilos na available para sa isang Routine ay nakadepende sa uri ng Routine, mga nakakonektang device, setting, at iba pang limitasyon.

Puwede kang gumawa at mag-edit ng mga advanced na home automation na gumagamit ng mga karagdagang starter, pagkilos, at kundisyon sa pang-edit ng script. Matuto pa tungkol sa pang-edit ng script at kung paano gumawa ng mga advanced na Routine.

Mga paraan para magsimula ng Routine

Puwede kang magsimula ng Routine kapag nagtakda ka ng “starter.” Halimbawa:

  • Voice command: Magsimula ng Routine kapag may sinabi kang custom na voice command.
  • Oras: Awtomatikong magsimula ng Routine sa oras at sa mga araw na pipiliin mo.
  • Pagsikat o paglubog ng araw: Awtomatikong magsimula ng Routine sa pagsikat o paglubog ng araw para sa mga araw na pipiliin mo.
  • Kapag nag-dismiss ng alarm: Magsimula ng Personal na Routine kapag nag-dismiss ka ng alarm sa iyong speaker, Smart Display, o sa Clock app.
  • Kapag may ginawa ang isang device: Magsimula ng Routine ng Sambahayan kapag may ginawa ang isang device, halimbawa, kapag nag-on ang ilaw o kapag may na-detect na paggalaw ang motion sensor.
  • Pagtukoy sa presensya: Magsimula ng Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay kapag walang tao sa bahay, kapag may dumating sa bahay, o manual na pamahalaan ang iyong personal na status na nasa bahay o wala sa bahay. Matuto pa tungkol sa pagtukoy sa presensya.
  • Google Home app o Google Home para sa web: Magsimula ng Routine kapag na-tap mo ang I-play Play arrow sa tabi ng pangalan ng Routine sa Google Home app.

Bakit posibleng hindi available ang isang starter

Posibleng hindi available ang isang starter kung:

  • Hindi ka nagtakda ng address para sa iyong bahay. Para gumamit ng mga starter batay sa oras, pagsikat at paglubog ng araw, at kapag may dumating o umalis sa bahay, dapat kang magtakda ng address para sa iyong bahay.
  • Pumili ka na ng hindi voice starter. Isang hindi voice starter lang ang puwede mong piliin para sa bawat Routine.
  • Hindi ka nagkonekta ng device na may suporta para sa starter. Halimbawa, para magsimula ng personal na Routine kapag nag-dismiss ka ng alarm, dapat mayroon kang speaker, Smart Display, o Smart Clock kung saan mo puwedeng itakda ang alarm.
  • Hindi mo pa nase-set up ang Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay. Para magsimula ng Routine kapag walang tao sa bahay o kapag may dumating sa bahay, i-set up muna ang Mga Routine Kapag Nasa Bahay at Wala sa Bahay.
  • Nakakaapekto ito sa iyong kaligtasan o seguridad. Halimbawa, hindi po puwedeng gamitin ang “pag-unlock” para magsimula ng Routine, pero puwede mong gamitin ang “pag-lock.”

Tip: Hindi lahat ng device ay puwedeng gamitin bilang mga starter. Siguraduhing idaragdag mo ang device sa bahay na gusto mong gawan ng Routine. 

Tandaan: Iilang device lang ang puwede mong gamitin bilang starter. Tiyaking idaragdag mo ang device sa bahay na ginagawan mo ng Routine.

Mga pagkilos na puwede mong idagdag sa isang Routine

Puwede mong ipagawa sa Routine na:

  • I-adjust ang Mga Device para sa Bahay: I-on, i-off, o i-adjust ang mga device para sa smart na bahay tulad ng mga ilaw, plug, switch, o thermostat.
  • Mag-play at magkontrol ng media: Mag-play ng media tulad ng musika, balita, radyo, at mga podcast.
  • Makakuha ng impormasyon at mga paalala: Makakuha ng impormasyon tulad ng lagay ng panahon, iyong pag-commute, at mga event at paalala sa kalendaryo mo.
  • Makipag-ugnayan at mag-anunsyo: Mag-broadcast ng mga mensahe at magpadala at magbasa ng mga text.
  • I-adjust ang Volume ng Assistant: Baguhin ang volume sa iyong Google Assistant-enabled na device.
  • I-adjust ang Mga Setting ng Telepono: Para sa mga Android device, i-adjust ang volume ng telepono, makatanggap ng notification tungkol sa antas ng baterya, at i-on o i-off ang Huwag Istorbohin.
  • Mga custom na pagkilos: Maglagay ng command na gumagana sa Google Assistant. Maghanap ng mga halimbawa ng mga command:

Bakit posibleng hindi available ang isang pagkilos

Posibleng hindi available ang ilang pagkilos kung:

  • Available lang ang pagkilos para sa mga personal na Routine.
    • Mga pagkilos na kinabibilangan ng iyong mga personal na resulta, tulad ng mga event mula sa kalendaryo mo o iyong oras ng pag-commute.
    • Mga pagkilos na posibleng maglabas ng personal na impormasyon, tulad ng pag-broadcast sa iyong mga home device o pagbabasa ng text message.
    • Mga pagkilos na nag-a-adjust ng mga setting ng telepono, tulad ng volume ng telepono o mga notification sa level ng baterya.
  • Nagdagdag ka na ng pagkilos sa media. Isang pagkilos sa media lang ang puwede mong idagdag sa bawat Routine.
  • Nakakaapekto ang pagkilos sa iyong kaligtasan o seguridad. Halimbawa, hindi available na starter ang “pag-unlock,” pero puwede mong itakda ang “i-lock” bilang pagkilos.

Tip: Hindi available ang ilang pagkilos dahil kailangan ang two-factor authentication.

Pag-troubleshoot

Hindi makagawa o makapagpagana ng Mga Routine sa Google Home app

Available lang ang Mga Routine sa mga piling rehiyon at wika. Para magamit ang Mga Routine sa isang sinusuportahang rehiyon, ilipat ang default na wika ng iyong telepono sa isang sinusuportahang wika sa rehiyong iyon.

  • Sa karamihan ng mga telepono, mababago mo ang wika sa app na Mga Setting ng telepono. Para sa higit pang detalyadong tagubilin, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong telepono.
  • Posibleng abutin nang hanggang 12 oras bago ma-update ang Google Home pagkatapos mong baguhin ang wika.

Hindi makita ang isang device sa mga starter at pagkilos sa Mga Routine

Kung hindi mo makita ang isang device sa mga available na starter at pagkilos para sa isang Routine, tiyaking nasa bahay na ginagamit mo para sa Routine ang nasabing device:

  1. Buksan ang Google Home app Google Home app.
  2. I-tap ang Mga Paborito . Sa itaas, tingnan kung ginagamit mo ang gusto mong bahay para sa Routine.
  3. I-tap ang Mga Device . Kung nasa "Mga lokal na device" sa halip na sa isang kuwarto ang device, posibleng nasa ibang bahay ang device.
    1. Para ilipat ang device sa ibang bahay, pindutin nang matagal ang tile ng device at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting .
    2. I-tap ang Impormasyon ng device at pagkatapos ay Bahay at pagkatapos ay ang pangalan ng bahay na ginagamit mo para sa Routine.
Tandaan: Kung nasa tamang bahay at wala sa mga starter at pagkilos ang iyong device, posibleng hindi sinusuportahan ang device para sa Mga Routine sa ngayon.
Mga available na wika ayon sa rehiyon

Mga Personal na Routine

Bansa o rehiyon

Mga sinusuportahang wika

Argentina Spanish
Australia English
Austria German
Belgium English, French, German, Dutch
Brazil Portuguese (Brazil)
Canada English, French (Canada)
Chile Spanish
Colombia Spanish
Denmark Danish
Egypt Arabic
France French
Germany German
India English, Hindi
Indonesia Indonesian
Italy Italian
Japan Japanese
Korea Korean
Mexico Spanish
Netherlands Dutch
Norway Norwegian, Norwegian Bokmal
Peru Spanish
Poland Polish
Saudi Arabia Arabic
Singapore English
Spain Spanish
Sweden Swedish
Switzerland French, German, Italian
Taiwan Mandarin (Taiwan)
United Kingdom English
United States English, Spanish

Mga Routine sa Sambahayan

Bansa o rehiyon

Mga sinusuportahang wika

Argentina Spanish
Australia English
Austria German
Belgium English, French, German, Dutch
Brazil Portuguese (Brazil)
Canada English, French (Canada)
Chile Spanish
Colombia Spanish
Denmark Danish
France French
Germany German
India English, Hindi
Indonesia Indonesian
Italy Italian
Japan Japanese
Korea Korean
Mexico Spanish
Netherlands Dutch
Norway Norwegian, Norwegian Bokmal
Peru Spanish
Singapore English
Spain Spanish
Sweden Swedish
Switzerland French, German, Italian
Taiwan Mandarin (Taiwan)
United Kingdom English
United States English, Spanish

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18316916772760410370
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false