Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Mag-set up at mamahala ng mga Matter-enabled na device sa Google Home app

Magagawa mong magdagdag ng mga Matter-enabled na device sa Google home app at kontrolin ang lahat ng iyong device para sa tahanan sa isang pag-tap lang.

Tandaan: Para magkonekta ng mga Google Nest device kabilang ang mga Google Nest hub para sa Matter at iba pang third-party na device na hindi Matter-enabled sa Home app, sundin na lang ang Mag-set up ng mga smart device sa Google Home app para sa partikular na device mo.

Ang kailangan mo

  • Google Account
  • Wi-Fi network sa bahay
  • Para sa mga device na gumagamit ng Thread, kailangan mo ng Thread Border Router para makumpleto ang pag-set up
  • Isa sa mga sumusunod na mobile device:
    • Android phone o tablet na may Android 8.1 o mas bago at bersyon 22.48.14 o mas bago ng mga serbisyo ng Google Play
    • iPhone o iPad na may iOS 16.5 o mas bago
  • Bluetooth Low Energy (BLE) na 4.2 o mas mataas
  • Pinakabagong bersyon ng Google Home app  mula sa Play Store o App Store.
  • Matter-enabled na device para sa smart na tahanan. Hanapin ang logo ng Matter sa package. 
  • Matter-enabled na Google hub para makontrol ang iyong device gamit ang Google Home app.

Tandaan: Kung wala kang hub, posibleng maidagdag mo ang iyong Matter-enabled na device sa Google Home app, pero hindi mo ito makokontrol.

I-set up ang iyong Matter-enabled na device

Maraming Matter-enabled na device na direktang mase-set up sa Google Home app. Bilang alternatibo, kung ise-set up mo ang iyong device gamit ang app ng manufacturer, puwede mo ring idagdag ang device mo sa Google Home app at kontrolin ang iyong device gamit ang alinmang app. Tandaan: Hindi nalalapat ang mga tagubiling ito sa mga Google Nest device.

I-set up ang iyong 3rd-party na Matter-enabled na device gamit ang Google Home app
  1. Tiyaking naka-on at nasa pairing mode ang iyong Matter-enabled na device ayon sa mga tagubilin ng manufacturer ng device.
  2. Hanapin ang pop-up na notification sa iyong telepono. Posibleng kailangan mong buksan muna ang Google Home app. I-tap ang I-scan ang QR Code
    • Kung wala kang matatanggap na pop-up na notification, buksan ang Google Home app , i-tap ang Mga Device   Magdagdag  Matter-enabled na device. Maghahanap ang app ng mga device na puwedeng idagdag, kung wala itong mahahanap, magpapakita ito ng listahan ng pagpipilian. I-tap ang Matter-enabled na device.
  3. I-scan ang Matter QR code ng iyong Matter-enabled na device.
    • Itapat ang iyong telepono nang may layong humigit-kumulang 5 in (12 cm) para i-scan ito. Matuto ng higit pang tip para sa pag-scan ng mga QR code.
    • Kung hindi mo ma-scan ang QR code, i-tap ang I-set up nang walang QR code, pagkatapos ay ilagay ang setup key. Ibinigay dapat ito kasama ng iyong produkto at kadalasang nakalagay ito mismo sa device.
  4. Kung ito ang unang pagkakataong magse-set up ka ng Matter-enabled na device, piliin ang Google Home app.
  5. I-tap ang Sumasang-ayon ako para ikonekta ang device sa iyong Google Account.
  6. Idaragdag ang device sa Bahay na huling napili. Kung gusto mo, puwede mong ilipat sa ibang bahay ang iyong Matter-enabled na device.
    Tandaan: Kung wala kang Matter-enabled na Google hub, ipo-prompt ka ng Google Home app na kinakailangan ang hub para makontrol ang iyong Matter-enabled na device sa pamamagitan ng Google Home app. Matatapos mong idagdag ang Matter-enabled na device mo sa Google Home app, pero hindi mo ito makokontrol mula sa app o gamit ang Google Assistant hanggang sa magdagdag ka ng Matter-enabled na Google hub sa Home app.
  7. Kapag nakakonekta na ang device, pumili ng kuwarto kung saan ilalagay ang iyong Matter-enabled na device at pangalanan ang device mo.

I-set up ang iyong 3rd-party na Matter-enabled na device sa app ng manufacturer at ibahagi ito sa Google Home app

  1. I-set up ang iyong Matter-enabled na device sa app ng manufacturer (kung may available na ganito). Kung hindi mo makumpleto ang pag-set up sa app ng manufacturer, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para humingi ng tulong.
  2. Kapag nakumpleto mo na ang pag-set up, sundin ang mga tagubilin ng manufacturer para sa pagbabahagi ng access sa device sa Google Home app.

Mag-ayos ng mga isyu sa pag-set up

Nagfi-freeze ang pag-set up o hindi ito natatapos

  1. I-restart ang iyong Matter-enabled na device. Sumangguni sa mga kasamang tagubilin o sa online na tulong para alamin kung paano.
  2. Isara ang Google Home app.  
  3. I-clear ang cache ng Google Home app. Posibleng iba-iba ang mga tagubilin depende sa OS. Sa karamihan ng mga Android device, pumunta sa Mga Setting Settings icon   Mga App  piliin ang Google Home app   Storage at cache  I-clear ang cache. Kung hindi mo mahanap ang mga setting ng cache ng app, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong mobile device.
  4. I-restart ang iyong telepono.
  5. Buksan ang Google Home app at simulan ulit ang proseso ng pag-set up.

Kung patuloy na nagfi-freeze o hindi natatapos ang pag-set up, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device para humingi ng tulong. Posibleng kailanganin mong i-reset ang iyong device.

Pamahalaan ang iyong Matter-enabled na device

Palitan ang nickname ng iyong Matter-enabled na device

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Device .
  3. Pindutin nang matagal ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings icon Pangalan.
  5. Maglagay ng pangalan i-tap ang I-save.

Italaga ang iyong Matter-enabled na device sa ibang kuwarto

  1. Buksan ang Google Home app  .
  2. I-tap ang Mga Device .
  3. Pindutin nang matagal ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings icon Kuwarto Pumili ng kuwarto i-tap Susunod.

Ilipat ang iyong Matter-enabled na device sa ibang bahay

Tandaan: Kapag inalis ang device, maaalis ito sa iyong kasalukuyang bahay. Ire-reset nito ang mga setting ng device at anumang Automation o Routine na na-set up mo.
  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Device .
  3. Pindutin nang matagal ang tile ng device.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings icon Alisin ang device  Alisin.
    Tandaan: I-factory reset ang iyong device bago mo ito idagdag sa isa pang bahay.
  5. I-tap ang Mga Paborito  i-tap ang pangalan ng kasalukuyang bahay expand more icon.
  6. Piliin ang bahay kung saan mo gustong ilipat ang device at i-tap ang  Mga Device    Idagdag para idagdag ang iyong device.

Alisin sa Google Home app ang iyong Matter-enabled na device

  1. Buksan ang Google Home app .
  2. I-tap ang Mga Device .
  3. Pindutin nang matagal ang tile ng iyong device.
  4. I-tap ang Mga Setting Settings icon Alisin ang device Alisin.
    Tandaan: Kung hindi mo na ginagamit ang device, tiyaking i-factory reset ito pagkatapos mong alisin ito.

Matuto tungkol sa kung paano gumagana ang mga Nest device sa Matter

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6060406568264960145
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false