Notification

To get the most out of Google Home, choose your Help Center: U.S. Help Center, U.K. Help Center, Canada Help Center, Australia Help Center.

Hindi na makakakonekta sa Nest Hub Max ang Nest x Yale Lock at Nest Detect

Simula sa katapusan ng Hulyo 2022, makakatanggap ang mga Nest Hub Max device ng update sa software para ihanda ang Nest Hub Max para sa compatibility sa Matter. Ang Matter ay bagong pamantayan sa smart na tahanan na makakatulong para maging mas malawakang compatible ang mga smart device. 

Dahil sa update na ito, hindi na magagamit ng mga Nest x Yale Lock at Nest Detect ang Nest Hub Max bilang bridge sa Wi-Fi sa iyong bahay o bilang pampalawak ng saklaw dahil hindi na compatible ang mga ito sa na-update na pamantayan. Kung mayroon ka nang Nest Connect o Nest Guard sa malapit, magagamit ang mga ito bilang bridge o pampalawak ng saklaw para sa iyong Nest x Yale Lock o Nest Detect, kaya wala kang kailangang gawin para patuloy na gumana gaya ng karaniwan ang mga device mo.

Nag-aalok ang Nest ng Nest Connect sa mga customer ng Nest x Yale Lock na walang pag-aaring Nest Connect o Nest Guard at umaasa lang sa Nest Hub Max bilang bridge para maka-access ng Wi-Fi ang kanilang lock. Kapag na-set up na ito, gagamitin ng iyong Nest x Yale Lock ang Nest Connect bilang bridge sa halip ng Nest Hub Max mo. Matuto pa tungkol sa Nest Connect.

Mahalaga: Kung wala kang Nest Connect o Nest Guard o hindi ka magdaragdag nito sa iyong bahay sa Nest app, mawawalan ng koneksyon at magiging offline ang lock mo at anumang Nest Detect.

Ihanda ang iyong lock o Nest Detect para manatiling nakakonekta bago ang update

Para panatilihing nakakonekta ang iyong lock o Nest Detect, kakailanganin mong mag-install ng Nest Connect o Nest Guard sa Nest app at abot ito ng saklaw ng Nest x Yale Lock o Nest Detect mo bago ma-update ang software. Kung magagawa` mo ito, mananatiling nakakonekta sa Wi-Fi at sa Nest app ang iyong lock kapag nag-update ang software ng Nest Hub Max.

Kung may kasalukuyan kang bridge tulad ng Nest Connect o Nest Guard, ilapit ang isa sa mga ito sa iyong lock o Detect. Karaniwang matatanaw mo dapat ito mula sa iyong lock o Detect. Kung hindi, kakailanganin mong kumuha ng bagong Nest Connect at i-install ito gamit ang Nest app. Kung kasalukuyang wala kang Nest Connect o Nest Guard o kailangan mo ng tulong kaugnay ng update na ito, makipag-ugnayan sa Nest support

Tandaan: Puwede mong ipuwesto ang mga Nest Detect hanggang sa 50 talampakan mula sa Nest Guard, pero posibleng mag-iba ang saklaw depende sa pagkakagawa ng bahay mo, wireless na interference, at iba pang salik. Kung hindi makakonekta sa Guard ang isa o higit pa sa iyong mga Detect pagkatapos mong i-install ang mga ito, isasaad ng app na offline ang mga ito. Puwede kang magdagdag ng Nest Connect para makatulong na maidugtong ang saklaw.

Papalawakin ng Nest Connect ang saklaw ng iyong koneksyon sa pagitan ng Guard at Detect mo. Magbibigay-daan ito sa iyo na ipuwesto ang iyong Detect nang mahigit 50 talampakan mula sa Guard mo.

I-install ang Nest Connect 

Kung mayroon ka nang iba pang produkto ng Nest sa iyong bahay, tiyaking
nasa malapit ang mga ito kapag sinubukan mong idagdag ang Nest Connect mo sa
Nest app. Kokonekta sa mga ito ang Nest Connect sa panahon ng
pagpapares at kailangang abot ng saklaw ang mga ito.

  1. Buksan ang Nest app Nest app.
  2. I-tap ang Mga Setting Nest settings icon at pagkatapos ay Magdagdag ng produkto .
  3. I-scan ang QR code Nest QR code image.  sa likod ng iyong Connect.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa app para sa pag-set up.
  5. Isaksak ang iyong Nest Connect sa saksakang napapagitnaan ng iyong mga
    produkto ng Nest para makatulong na mapalawak ang saklaw.
 Nest connect being plugged into a wall outlet

Kung mayroon kang Nest Secure at Nest × Yale Lock, puwede mong gamitin ang parehong Nest Connect para palawakin ang saklaw ng alarm system mo at mabigyang-daan ang pagkonekta sa Wi-Fi ng iyong lock. Sa ilang sitwasyon, posibleng kailangan mo ng mahigit isang Nest Connect kung naka-install sa magkalayong lugar ang iyong lock at Guard.

Ikonekta ulit ang iyong lock o Nest Detect pagkatapos ng update ng Thread-Matter

Kung nawalan ng koneksyon ang iyong Nest x Yale Lock o Nest Detect, makukumpirma mong nauugnay ang isyung ito sa update sa software sa itaas sa pamamagitan ng pagtingin kung nagsisimula sa “F7” o mas mataas ang “Bersyon ng Operating System” ng iyong Nest Hub Max. Kung ganoon nga, kakailanganin mong maglapit ng Nest Connect o Nest Guard na mayroon ka na sa iyong lock o Detect, o magdagdag ng bagong Nest Connect. Kung hindi nagsisimula sa F7 o mas mataas ang iyong Nest Hub Max, posibleng ibang isyu ang nagdulot ng nawalang koneksyon. Alamin kung paano ayusin ang mga nadiskonektang lockAlamin kung paano ayusin ang mga nadiskonektang Nest Detect.

Maglipat ng Nest Connect o Nest Guard na mayroon ka na

Kung mayroon kang na-update na bersyon ng Nest Hub Max at Nest Connect o Nest Guard na naka-set up na sa Nest app sa iisang bahay, ilapit ito sa iyong lock o Nest Detect at hintayin itong kumonekta. Karaniwan, kung matatanaw ang Nest Connect o Nest Guard mula sa iyong lock o Detect, makakakonekta ito. Kung magkakaroon ka ng mga isyu, maghanap ng mga source ng interference.

Puwede mong ipuwesto ang mga Nest Detect hanggang sa 50 talampakan mula sa Guard, pero posibleng mag-iba ang saklaw depende sa pagkakagawa ng bahay mo, wireless na interference, at iba pang salik. Kung hindi makakonekta sa Guard ang isa o higit pa sa iyong mga Detect pagkatapos mong i-install ang mga ito, isasaad ng app na offline ang mga ito.

Magdagdag ng bagong Nest Connect para sa Nest x Yale Lock

Kung wala ka pang Nest Connect o Nest Guard, sundin ang mga hakbang na ito para magdagdag ng bagong Nest Connect para makapag-online ulit ang iyong lock.

1. I-factory reset ang Nest x Yale Lock

Posibleng kailangan mong i-factory reset ang Google Nest × Yale Lock para malutas ang ilang isyu tulad ng hindi tumutugong keypad, mga isyu sa pagkakonekta, o nalimutang master passcode. Kung ililipat mo ang lock sa ibang pinto o bahay, kailangan mo ring mag-factory reset.

Kapag na-reset sa mga factory default ang lock, made-delete ang lahat ng passcode ng user kabilang ang master passcode at babalik sa mga orihinal na default na setting ang lahat ng feature sa programming.

How to reset your Nest × Yale Lock

  1. Alisin ang takip ng baterya at mga baterya.

    Para alisin ang takip ng baterya, kailangan mo ang susi ng takip ng baterya na kasama sa kahon ng iyong Nest × Yale Lock o ng thumbtack. Posibleng gumana rin ang maliit na allen o hex wrench.

    1. Ipasok ang susi o thumbtack sa butas sa itaas ng compartment ng baterya at idiin ito.
    2. Hawakan ang takip malapit sa itaas at hugutin ito habang patuloy mong idinidiin ang susi o thumbtack.
    3. Alisin lahat ng baterya.
  2. I-unscrew ang 2 bolt na nagkakabit sa mounting plate.
  3. Alisin ang mounting plate para makita ang button ng pag-reset, na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng cable connector. 
  4. Pindutin nang matagal ang button ng pag-reset habang inilalagay mo ang mga baterya.
  5. Patuloy lang na pindutin ang button ng pag-reset hanggang sa maging pula ang ilaw at sabihin ng lock ang “Just a moment, erasing all settings (Sandali lang, binubura ang lahat ng setting).”
  6. Bitawan ang button ng pag-reset.
  7. Mag-alis ng tig-isang baterya mula sa kaliwa at kanang bahagi ng lock para makita ang mga butas para sa screw.
  8. Ilapat ang mounting plate sa iyong pinto at itapat sa tamang puwesto ang mga butas para sa screw.
  9. I-screw ang 2 bolt na nagkakabit sa mounting plate.
  10. Ibalik ang 2 baterya.
  11. Sasabihin ng Nest × Yale Lock ang “Hi, from Yale and Nest (Hi, mula sa Yale at Nest)” kapag tapos na ang pag-reset.
  12. Ibalik ang takip ng baterya.

    Para ibalik ang baterya, ipasok ang 2 tab sa ibaba ng takip sa mga butas sa lock, pagkatapos ay idiin ang takip hanggang sa ma-lock ito ng tab sa itaas.

Tandaan: Pagkatapos mong i-reset ang lock, dapat kang gumawa ng master passcode sa lock bago mo ito i-set up gamit ang Nest app.

Mga deafult na setting kapag hindi nakakonekta sa nest app

Feature

Default na setting

Mga available na setting

Master passcode

Kinakailangan

N/A

Auto-Lock

Naka-disable

I-enable, I-disable

Io-Auto Lock ang pinto pagkalipas ng

30 segundo

N/A

Isang pindot para ma-lock

Naka-enable

I-enable, I-disable

Setting ng volume

Mahina

Naka-silent, Mahina, Malakas

Limitasyon sa paglalagay ng maling code

5 beses

N/A

Tagal bago mag-shutdown

90 segundo

N/A

Mga deafult na setting kapag nakakonekta sa nest app

Feature

Default na setting

Mga available na setting

Master passcode

N/A

N/A

Auto-Lock

Naka-disable

Tulong kapag Nasa Bahay/Wala sa Bahay: I-on, I-off
Nasa Bahay: I-on o i-off ang Auto-Lock
Wala sa Bahay: I-on ang Auto-Lock

Io-Auto Lock ang pinto pagkalipas ng

1 minuto

10 segundo, 1 minuto,
5 minuto

Isang pindot para ma-lock

Naka-enable

I-enable, I-disable

Setting ng volume

Mahina

Naka-silent, Mahina, Malakas

Limitasyon sa paglalagay ng maling code

5 beses

N/A

Tagal bago mag-shutdown

90 segundo

N/A

Paano mo makukumpirmang naalis na ang lock sa Nest app pagkatapos i-reset ang lock?

Sa lock, pindutin ang button ng puting indicator light sa loob ng bahay mo. Kung magpa-pulse na asul ang ilaw at sasabihin ng lock ang “Ready. Use your Nest app to add the lock to your account (Handa na. Gamitin ang iyong Nest app para idagdag ang lock sa account mo),” ibig sabihin, naalis na ito sa iyong account. Kung sasabihin ng lock ang “Privacy mode is on (naka-on ang privacy mode)” o “Privacy mode is off (Naka-off ang privacy mode),” ibig sabihin, nakapares pa rin ang lock sa iyong account.

Para alisin ang lock sa iyong account, sa home screen ng Nest app, piliin ang lock mo at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting Nest settings icon at pagkatapos ayAlisin ang lock.

2. I-install ang Nest Connect gamit ang Nest app

Kung mayroon ka nang iba pang produkto ng Nest sa iyong bahay, tiyaking
nasa malapit ang mga ito kapag sinubukan mong idagdag ang Nest Connect mo sa
Nest app. Kokonekta sa mga ito ang Nest Connect sa panahon ng
pagpapares at kailangang abot ng saklaw ang mga ito.

  1. Buksan ang Nest app Nest app.
  2. I-tap ang Mga Setting Nest settings icon at pagkatapos ay Magdagdag ng produkto .
  3. I-scan ang QR code Nest QR code image.  sa likod ng iyong Connect.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa app para sa pag-set up.
  5. Isaksak ang iyong Nest Connect sa saksakang napapagitnaan ng iyong mga
    produkto ng Nest para makatulong na mapalawak ang saklaw.
 Nest connect being plugged into a wall outlet

Kung mayroon kang Nest Secure at Nest × Yale Lock, puwede mong gamitin ang parehong Nest Connect para palawakin ang saklaw ng alarm system mo at mabigyang-daan ang pagkonekta sa Wi-Fi ng iyong lock. Sa ilang sitwasyon, posibleng kailangan mo ng mahigit isang Nest Connect kung naka-install sa magkalayong lugar ang iyong lock at Guard.

3. Ikonekta ang iyong lock sa Nest app

1. Mag-sign in sa iyong account

Kung ngayon ka lang gagamit ng Nest, pumunta sa Apple App Store o Google Play para i-download ang Nest app at gumawa ng account.

Kung mayroon ka nang produkto ng Nest, mag-sign in sa iyong account sa app kung hindi mo pa ito nagagawa.

Tandaan: Kung mayroon kang mahigit sa isang bahay sa iyong account, tiyaking pipiliin mo muna ang Nest home kung saan mo gustong i-install ang iyong camera. I-tap ang Menu sa kaliwang bahagi sa itaas ng home screen para magpalit ng bahay.

2. I-set up ang Nest Connect

Hindi direktang kumokonekta sa Wi-Fi ang iyong Nest × Yale Lock. Para maikonekta ito sa internet at maidagdag ito sa Nest app, i-set up muna ang iyong Nest Connect. Pagkatapos, magpatuloy sa pag-set up ng iyong lock.

3. I-scan ang QR code

QR code lock

Para magsimula, buksan ang Nest app at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting Nest settings icon at pagkatapos ay piliin ang Magdagdag ng produkto.

  1. Dapat hilingin sa iyo ng app na i-scan ang QR code sa iyong produkto para malaman nito kung anong device ang gusto mong i-install. Nasa compartment ng baterya ang code ng Nest × Yale Lock.

  2. Magsimula nang may layong isang talampakan ang iyong telepono at unti-unti itong ilapit sa code. Hindi kailangang sumakto ito sa mga gilid ng kahon sa app para ma-scan.

Tip: Habang sina-scan mo ang code, tiyaking maliwanag at walang aninong tumatakip sa code.

  1. Kung hindi mo pa rin ma-scan ang code, i-tap ang Magpatuloy Nang Hindi Nagsa-scan at i-type ang mga numero sa itaas ng QR code.

  2. Kapag alam na ng app ang device na sinusubukan mong i-install, gagabayan ka nito sa lahat ng hakbang.

4. Ikonekta sa app ang iyong lock

  1. Ipaalam sa app kung saan naka-install ang iyong lock. Gagamitin ng app ang lokasyong ito kapag nagpadala ito sa iyo ng mga notification, kaya pumili ng naaangkop na lokasyon.

  2. Sisimulan na ng app na hanapin ang iyong Nest Connect.

  3. Sa oras na makita ito ng app, pindutin nang matagal ang puting button sa itaas ng thumb turn ng iyong lock para maikonekta ang lock at Nest Connect mo.

Tip sa pag-troubleshoot: Kung hindi makakonekta ang iyong lock, ilapit ang Connect mo sa iyong lock. Posibleng makatulong ang kahit ilang pulgada o talampakan lang.

5. Gumawa ng mga passcode sa Nest

Gumawa ng passcode sa Nest gamit ang app. Papalitan ng passcode na ito ang master passcode na ginawa mo sa lock.

Dapat itanong ng app kung gusto mong gumawa ng mga passcode para sa ibang taong nakikibahagi sa access sa iyong Nest home. Puwede ka ring mag-imbita ng mga bagong tao na makikibahagi sa access, at puwede kang magtakda ng iskedyul na naglilimita kung kailan puwedeng pumasok sa bahay mo ang isang tao.

Ngayong naka-install at naka-set up na ang lock mo, puwede mo nang simulang gamitin ang iyong Nest × Yale Lock.

Magdagdag ng bagong Nest Connect para sa Nest Detect

Kung mag-o-offline ang iyong Nest Detect pagkatapos mag-update ng Nest Hub Max at hindi mo magagawang maglapit ng Nest Guard o Nest Connect, puwede kang mag-install ng bagong Nest Connect gamit ang Nest app sa parehong bahay kung nasaan ang Nest Detect at Nest Guard mo. 

I-install ang Nest Connect 

Kung mayroon ka nang iba pang produkto ng Nest sa iyong bahay, tiyaking
nasa malapit ang mga ito kapag sinubukan mong idagdag ang Nest Connect mo sa
Nest app. Kokonekta sa mga ito ang Nest Connect sa panahon ng
pagpapares at kailangang abot ng saklaw ang mga ito.

  1. Buksan ang Nest app Nest app.
  2. I-tap ang Mga Setting Nest settings icon at pagkatapos ay Magdagdag ng produkto .
  3. I-scan ang QR code Nest QR code image.  sa likod ng iyong Connect.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa app para sa pag-set up.
  5. Isaksak ang iyong Nest Connect sa saksakang napapagitnaan ng iyong mga
    produkto ng Nest para makatulong na mapalawak ang saklaw.
 Nest connect being plugged into a wall outlet

Kung mayroon kang Nest Secure at Nest × Yale Lock, puwede mong gamitin ang parehong Nest Connect para palawakin ang saklaw ng alarm system mo at mabigyang-daan ang pagkonekta sa Wi-Fi ng iyong lock. Sa ilang sitwasyon, posibleng kailangan mo ng mahigit isang Nest Connect kung naka-install sa magkalayong lugar ang iyong lock at Guard.

Para sa karagdagang tulong, alamin kung paano ayusin ang mga nadiskonektang Nest Detect.


 

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14419671218754603392
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633396
false
false