Puwede kang proactive na tulungan ng Nest Wifi at Google Wifi sa pagtukoy at pagmumungkahi ng mga pag-aayos para sa maraming posibleng problema sa network. Kung may made-detect na problema, makakatanggap ka ng insight sa network bilang notification sa Google Home app o sa pamamagitan ng iyong Aktibidad sa Google Home. Makikita rin sa iyong Aktibidad ang mga nakaraang event sa insight sa network, pati ang mga nalutas na.
Tinutukoy ng mga insight sa Nest Wifi at Google Wifi network ang mga isyu gaya ng:
- Nagbago ang password ng iyong network kamakailan at hindi makakonekta ang isang device
- Nagkakaproblema sa pagpapanatili ng koneksyon ang iyong device
- May mga lugar na may mahinang coverage sa iyong mesh network
- Pagtukoy sa sanhi ng iyong mabagal na internet (Modem, Koneksyon sa Ethernet, Dami ng gumagamit sa network, ISP)
- May hindi kilalang device na idinagdag sa iyong network
- Mga notification sa bagong device
- Offline o online na ulit ang network
- Offline o online na ulit ang Wifi point
- Pag-detect ng rogue na DHCP server
Mga Notification at Aktibidad sa Home
Iba't iba ang ginagamit na paraan ng Nest Wifi at Google Wifi para abisuhan ka tungkol sa mga posibleng isyu depende sa kahalagahan ng mga ito sa iyong network.
- Pangunahing ginagamit ang mga notification sa app para sa mga alertong nangangailangan ng iyong agarang pansin, gaya ng kapag offline ang network o mesh point mo, idinagdag ang isang bagong device sa iyong network, o hindi makakonekta sa network ang device. Puwede mong piliing makatanggap o hindi makatanggap ng mga notification sa Wifi network sa Google Home app.
- Ipinapakita ng mga event sa Aktibidad sa Home ang mga aktibo at kamakailang isyu.
- Puwede mong suriin ang mga nakaraang insight sa network na natanggap mo sa pamamagitan ng pagpunta sa seksyon ng aktibidad sa Google Home app at pag-tap sa I-filter. Kasama rito ang mga nalutas nang event.
Kung nagkakaproblema ka sa isang device sa iyong network, pumunta sa Google Home app at tingnan ang Aktibidad mo para malaman kung may available na inirerekomendang pag-aayos. Pagkatapos, puwede mong sundan ang link sa insight para matuto pa tungkol sa sanhi ng isyu at sa kung paano ito ayusin.