Improve with AI-powered Search

Ang iyong gabay sa mga AI-powered na Search ad

Sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga produkto ng mga AI-powered na Search ad, makakagawa ka ng mga ad na umaangkop para makapagpakita ng mga mas may kaugnayang mensahe sa mas maraming tao habang nakakamit ang mga layunin mo sa ROI. Gumagamit ang Google ng AI para itakda ang mga tamang bid, abutin ang mga tamang paghahanap, at gawin ang pinakanauugnay na ad para sa mga consumer. Bilang resulta, ang mga advertiser na makakapagpahusay ng Kalidad ng Ad ng kanilang mga responsive na search ad (na mula "Hindi Mahusay" ay magiging "Napakahusay") ay puwedeng makakita ng 12% mas maraming conversion sa average (Source: Internal na Data ng Google, 02/28/2023 hanggang 03/01/2023).

Nakakatulong sa iyo ang mga AI-powered na Search ad na maipakita ang pinakanauugnay na ad para sa bawat paghahanap ng user sa tamang presyo.

Isang animation na naglalarawan sa kung paano gumagana ang pag-automate sa paghahanap.

Makasulit nang hindi nahihirapan

Palaging nagbabago ang gusto ng mga consumer at kung paano sila naghahanap. Mas pinapahirap nito para sa iyo na hulaan ang bawat posibleng paghahanap na nauugnay sa negosyo mo. Sa pamamagitan ng pagpapares ng malawak na tugma sa Smart Bidding, puwede kang gumamit ng mga signal sa oras ng auction para maitakda ang tamang bid para sa bawat query. Pinapagaan nito ang pangangailangang hulaan at pamahalaan ang bawat potensyal na paghahanap.

Halimbawa: Sabihin nating namamahala ka ng isang Italian restaurant sa San Francisco. Makakatulong sa iyo ang Malawak na Tugma sa paghahanap ng iba't ibang interesadong tao—mula sa magkasintahang naghahanap ng "makakainan ngayong gabi" sa malapit gamit ang kanilang mga telepono, hanggang sa isang pamilyang naghahanap ng "mga pampamilyang restaurant sa SF," hanggang sa traveler na naghahanap ng "pinakamasarap na risotto sa North Beach" gamit ang kanyang laptop sa kanyang hotel. Bagama't puwedeng bisitahin ng sinuman sa mga user na ito ang iyong restaurant, mag-iiba-iba ang optimal na bid para maabot sila. Napakahirap kung manual na isasaayos ang bid sa mga indibidwal na keyword para sa bawat user at magreresulta ito sa mga napalampas na conversion.

Hindi lang iyon, hindi magiging praktikal kung gagawa ng libo-libong creative para sa bawat posibleng paghahanap na dadalhin ng malawak na tugma. Gumagana sa malawak na tugma ang paggamit ng creative ng Google AI dahil kailangan ng system ng flexibility para i-optimize ang tamang variant ng creative sa bawat query. Sa pamamagitan ng paglalagay ng maraming headline at paglalarawan sa isang responsive na search ad, matututunan ng Google Ads ang mga kumbinasyong may pinakamagandang performance sa lahat ng trapikong dala ng malawak na tugma.

Pag-aaral ng sitwasyon

Dahil sa paggamit ng mga AI-powered na Search ad, napataas ng tails.com ang mga pag-sign up gamit ang kanilang mga generic na campaign nang 182% at mga pag-click nang 258%. Tingnan kung paano nakatulong ang diskarteng nakatuon sa automation gamit ang mga Search ad na may kumbinasyon ng malawak na tugma, Smart Bidding, at mga responsive na search ad na manatiling may kaugnayan at konektado ang brand sa mga bagong customer sa Germany.

Isang icon na kumakatawan sa Smart Bidding.

Mag-optimize ng mga bid gamit ang Smart Bidding

Sinusuri ng Smart Bidding ang bilyon-bilyong kumbinasyon ng mga signal para itakda ang tamang bid para sa bawat query sa paghahanap at auction batay sa iyong mga layunin sa ROI. Sa partikular, ang mga strategy sa pag-bid na batay sa halaga gaya ng Pag-maximize ng halaga ng conversion ay makakatulong sa iyo na makuha ang mga customer na pinakamahalaga (at nagpapasok ng pinakamalaking kita) sa iyong negosyo. Alamin kung paano makakatulong ang Smart Bidding sa pag-abot mo sa tamang tao para sa tamang presyo sa pamamagitan ng pag-optimize ng iyong mga bid nang real time.

MAGSIMULA NA

Isang icon na kumakatawan sa Malawak na tugma.

Abutin ang mga tamang customer gamit ang malawak na tugma

Gumagamit ng Google AI ang malawak na tugma para mapalawak ang abot nito nang lampas sa eksaktong tugma at katugmang parirala sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga nauugnay na query para abutin ang mas maraming customer at humimok ng mas magandang performance. Pinakamahusay ang malawak na tugma kung gagamitin ito kasama ng Smart Bidding dahil tinitiyak nito na magbi-bid ka lang sa mga paghahanap na inaasahang magiging maganda ang performance para sa iyo. Alamin kung paano makakatulong sa iyo ang malawak na tugma na makasabay sa mga trend ng market at mabilis na nagbabagong demand sa pamamagitan ng pag-abot sa lahat ng paghahanap na may kaugnayan sa negosyo mo.

MAGSIMULA NA

Isang icon na kumakatawan sa Mga Responsive na Search Ad.

Pataasin ang engagement gamit ang mga responsive na search ad

Gumawa ng mga ad na umaangkop para magpakita ng mga mas nauugnay na mensahe sa iyong mga customer. Ang Kalidad ng Ad para sa mga responsive na search ad ay nagbibigay sa iyo ng feedback para tulungan kang pagtuunan ang pagpapakita ng mga tamang mensahe sa mga customer mo. Alamin kung paano gumamit ng maraming headline at paglalarawan para bumuo at maghatid ng mga kaugnay na ad para sa bawat query batay sa mga signal sa oras ng auction.

MAGSIMULA NA

Tip

Puwede kang gumamit ng mga built-in na feature sa paggabay para panatilihin sa tamang posisyon ang mga partikular na creative, pagtutugma ng keyword, at mga strategy sa pag-bid. Puwede kang gumamit ng iba't ibang strategy, gaya ng pag-pin at mga negatibong keyword, para matiyak na natutugunan mo ang mga partikular na kinakailangan sa mga campaign na gumagamit ng Google AI. Tingnan ang Paano gabayan ang mga AI-powered na Search ad para sa mga detalye.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10389291176147633111
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false