Mag-import ng mga conversion mula sa Zapier

Puwede mong gamitin ang Zapier, na isang third-party na partner sa integration, para awtomatikong mag-import ng mga offline na conversion mula sa iyong system ng pamamahala ng relasyon sa customer (customer relationship management o CRM) papunta sa Google Ads. Makakatulong ito sa iyo na masukat mo kung aling mga pag-click sa ad ang nagresulta sa mga offline na benta at iba pang mahalagang pagkilos ng customer.

Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin kung paano i-set up ang iyong mga account para mag-import ng mga offline na conversion mula sa Zapier. Para i-verify na puwede kang mag-set up ng mga pag-import ng offline na conversion gamit ang iyong CRM, sumangguni sa kumpletong listahan ng mga CRM na sinusuportahan ng Zapier.

Bago mo i-set up ang iyong mga pag-import ng offline na conversion, bisitahin ang Tungkol sa mga offline na pag-import ng Zapier para sa Google Ads.

Bago ka magsimula

Para makapag-import ng mga offline na conversion mula sa Zapier, kakailanganin mong matugunan ang mga sumusunod na kinakailangan:

Mga minimum na kinakailangan ng Google Ads

  • Nakakapag-sign in sa Google Ads account na gusto mong padalhan ng data ng offline na conversion.
  • Alam ang pangalan ng (mga) pagkilos na conversion mo tulad ng itinakda sa page na "Mga Conversion" sa Google Ads.
Tandaan: Ang mga pagkilos na conversion na may source na “I-import mula sa Pag-click” lang ang sinusuportahan.

Mga minimum na kinakailangan ng Zapier account

  • Nakakapag-sign in sa Zapier account.
  • Alam ang pangalan ng event ng conversion na gusto mong i-import (halimbawa, Kwalipikado sa Marketing, Kwalipikado sa Benta, o Naisara at Nakuha).
  • Ang object ng CRM kung saan sinusubaybayan ang event ng conversion na ito
    • Halimbawa, "Lead", "Contact", o "Pagkakataon"
  • Ang field sa object na ito na ina-update kapag may nangyaring conversion (halimbawa, kapag na-update sa Kwalipikado sa Marketing ang field na “Status” sa object na “Lead”)
  • Ang mga field sa object kung nasaan ang GCLID o naka-hash na impormasyon ng lead
  • Ang field ng CRM kung saan nakalagay ang timestamp ng event ng conversion (kung kailan naabot ng isang partikular na tala ang event ng conversion)
Tandaan: Opsyonal ang mga field ng CRM para sa halaga at currency ng conversion.

Paano i-set up ang pag-import ng conversion ng Zapier para sa Google Ads

Puwede mong i-set up at i-adjust ang pag-import ng conversion ng Zapier gamit ang 3 workflow sa Google Ads. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga workflow na ito na awtomatikong mag-import ng mga offline na conversion gamit ang pag-import ng offline na conversion batay sa GCLID o mga pinahusay na conversion para sa mga lead.

Puwede mong i-set up ang mga pag-import ng offline na conversion ng Zapier sa 3 konteksto:

Matuto pa tungkol sa pag-set up ng mga pag-import ng offline na conversion

Mag-set up ng pag-import ng offline na conversion pagkatapos gumawa ng pagkilos na conversion na na-convert o kwalipikadong lead

Ipinapaliwanag ng mga sumusunod na hakbang kung paano i-import ang iyong mga offline na conversion pagkatapos gumawa ng pagkilos na conversion na na-convert o kwalipikadong lead.

  1. Pumili ng isa sa 3 opsyon sa dropdown menu na “Paraan ng pagsukat ng offline na conversion.” Puwede kang pumili sa:
    • “Data ng user sa form ng lead sa website ko (Google Tag Manager)”
    • “Gumamit ng mga Google click identifier”
    • “Gumamit ng data ng user sa form ng lead”
  2. Sumang-ayon sa mga tuntunin ng serbisyo kung kinakailangan.
  3. I-configure ang iyong pangkalahatang tag ng site kung kinakailangan.
  4. Piliin ang Mag-import mula sa CRM sa dropdown menu na “Mag-import ng mga offline na conversion.”
  5. Piliin ang gusto mong CRM o app (halimbawa, Salesforce sa pamamagitan ng Zapier) gamit ang Search bar.
  6. Kapag na-prompt na mag-import ng mga conversion mula sa iyong CRM sa pamamagitan ng Zapier, i-click ang Pumunta sa Zapier.
  7. Pagkatapos gawin ang mga hakbang sa Zapier, babalik ka sa page na “Ano'ng susunod.”

Mag-set up ng pag-import ng offline na conversion sa page na “Mga pagkilos na conversion”

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Puwede mo ring i-set up ang iyong pag-import ng offline na conversion sa page na “Mga pagkilos na conversion” sa Google Ads.

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Layunin Goals Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Conversion sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Buod.
  4. Mag-navigate papunta sa seksyong “Mga kwalipikadong lead” o “Mga na-convert na lead.”
  5. I-click ang Tapusin ang Pag-set Up.
  6. Sa page na “Mga Setting,” i-click ang Tingnan ang Mga Tuntunin at sumang-ayon sa mga tuntunin ng serbisyo.
  7. Sa page na “Buod,” mag-navigate papunta sa seksyong “Mga kwalipikadong lead” o “Mga na-convert na lead.”
  8. I-click ang I-set up ang pag-import.
  9. Piliin ang Mag-import mula sa CRM sa dropdown menu na “Mag-import ng mga offline na conversion.”
  10. Piliin ang gusto mong CRM o app (halimbawa, “Salesforce sa pamamagitan ng Zapier”) gamit ang Search bar.
  11. Kapag na-prompt na mag-import ng mga conversion mula sa iyong CRM sa pamamagitan ng Zapier, i-click ang Pumunta sa Zapier.
  12. I-click ang Tapos na.

Mag-set up ng pag-import ng offline na conversion mula sa asset para sa form ng lead

Kung hindi mo pa nase-set up ang iyong mga asset para sa form ng lead, sundin ang mga hakbang sa Gumamit ng mga asset para sa form ng lead bago mag-export ng mga lead mula sa Google Ads. Pagkatapos gumawa o mag-edit ng bagong asset para sa form ng lead sa bagong campaign, puwede kang mag-export ng mga lead mula sa Google Ads sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba.

Tip: Bago mo i-set up ang iyong pag-import ng conversion sa Google Ads, kumpirmahing napili ang gusto mong CRM o app sa page na “Magdagdag ng asset para sa form ng lead” sa seksyong “Mag-export ng mga lead mula sa Google Ads.”
  1. Sa page na “Magdagdag ng asset para sa form ng lead,” mag-navigate papunta sa seksyong “Mag-export ng mga lead mula sa Google Ads.”
  2. Sa “Mag-import ng mga offline na conversion,” i-click ang I-set Up para i-set up ang iyong Pag-import ng conversion.
    • Tandaan: Puwede kang mag-set up ng mga pag-import para sa mga kwalipikado o na-convert na lead.
  3. Piliin ang gusto mong CRM o app (halimbawa, “Salesforce sa pamamagitan ng Zapier”) gamit ang Search bar.
  4. Kapag na-prompt na mag-import ng mga conversion mula sa iyong CRM sa pamamagitan ng Zapier, i-click ang Pumunta sa Zapier.
  5. Bubukas ang Zapier sa bagong window at mapi-preload ito ng napiling form ng lead at ng napiling CRM.
  6. Pagkatapos gawin ang mga hakbang sa Zapier, babalik ka sa page na “Bagong pagkilos na conversion na kwalipikadong lead.”

Paano suriin ang iyong mga conversion

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Layunin Goals Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Conversion sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Buod.
  4. I-click ang Zapier sa menu sa kaliwa.
  5. I-click ang Pagkilos na Conversion sa menu sa itaas. Para makita ang iyong conversion, gamitin ang column na Lahat ng conv. (ayon sa oras ng conv.).
    • Kung ang tanging dahilan ng paggamit mo ng Zapier ay para mag-upload ng mga conversion sa pagkilos na conversion na iyon, makukumpara mo ang bilang ng mga matagumpay na pag-upload mula sa “History ng Gawain sa Zapier” sa kung ano ang nakita mo sa ulat sa attribution. Dahil may "oras ng conversion" ang iyong pag-upload, makukumpara mo ang dalawang ulat at dapat parehong bilang ng mga conversion ang makikita mo para sa itinakdang hanay ng oras.
    • Kung nag-a-upload ka rin ng mga conversion sa Pagkilos na Conversation na iyon sa pamamagitan ng ibang source (halimbawa, pag-upload ng CSV), kapareho dapat ng kabuuang bilang ng mga conversion sa "Ulat sa Mga Campaign" ang kabuuang bilang ng mga pag-upload ng Zapier at pag-upload ng CSV.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17742325378943655642
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false