Tungkol sa mga layunin sa conversion sa mga Shopping campaign

Tinatalakay ng artikulong ito ang mga Standard Shopping na campaign. Para masulit ang AI ng Google Ads at makapaghatid ng mga ad sa lahat ng property ng Google, puwede mong subukan na lang ang mga Performance Max campaign.

Nag-o-optimize ang mga Shopping campaign para sa mga online na benta. Para i-optimize ang iyong campaign para sa mga kargdagang layunin, gumamit ng mga layunin sa conversion. Sa lahat ng Shopping campaign, makakakuha ka ng pag-uulat sa mga layuning pipiliin mo.

Sa Smart Bidding (Target na ROAS at mga Smart Shopping na campaign), bukod sa pag-uulat sa mga layuning pinili mo, makokontrol mo ang iyong mga bid sa pamamagitan ng pagtatakda ng halaga para sa bawat layunin. Dahil mina-maximize ng mga Smart Bidding campaign ang halaga ng conversion, ginagamit ng Google ang halaga ng conversion mo para tukuyin ang iyong bid. Hindi makakaapekto ang mga karagdagang halagang ito sa kakayahan mong mag-ulat ng mga benta (mga conversion sa pagbili).

Aling mga pagsukat ang puwede mong subaybayan gamit ang mga layunin sa conversion?

  • Mga online na benta sa mga bago at kasalukuyang customer: anumang pagkilos na conversion na napili mong isama sa “Isama sa mga conversion’” sa page na "Mga Conversion" (sa ilalim ng “Pagsukat” sa “Mga Tool at Setting”). Binibilang nito ang mga benta bago man ang isang customer sa iyong negosyo o nakabili na siya dati sa negosyo mo.
  • Mga pagbisita sa tindahan (pisikal na tindahan): mga pagbisita ng mga tao sa iyong pisikal na tindahan pagkatapos nilang mag-click sa mga ad mo. Itatakda mo ang value para sa pagbisita sa tindahan, na puwedeng ibatay sa tinantyang kita sa tindahan.
  • Mga bagong customer: mga pagbili sa unang pagkakataon sa iyong website o app. Available ang layuning ito para lang sa mga Smart Shopping na campaign. Itatakda mo ang halaga para sa pagkuha ng bagong customer, na puwedeng ibatay sa inaasahang panghabambuhay na halaga ng customer. Matuto pa tungkol sa layunin sa conversion na bagong customer

Paano mag-set up ng mga layunin sa conversion

Kung magdaragdag ka ng mga layunin sa conversion sa bagong campaign, magsimula sa pamamagitan ng paggawa ng iyong campaign:

Sa “Mga setting ng campaign,” pagkatapos mong matukoy ang iyong mga kagustuhan sa “Pag-bid,” makakakita ka ng mga selector para sa “Mga layunin sa conversion” at puwede mong sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Sa ilalim ng “Piliin ang mga setting ng conversion na gusto mong gamitin para sa campaign na ito,” piliin ang Mga layunin sa conversion sa antas ng campaign.
  2. Sa ilalim ng “Piliin ang mga layuning gusto mong pagtuunan sa campaign na ito," makikita mo ang mga sumusunod na mapagpipiliang layunin:
    1. “Mga online na benta sa mga bago at kasalukuyang customer.”
    2. “Mga pagbisita sa store (pisikal na tindahan).” Para sa layuning ito, puwede kang magtalaga ng halaga sa bawat pagbisita. Pagkatapos, ima-maximize ng iyong campaign ang kabuuang halaga ng conversion, kasama ang halaga ng mga pagbisita sa tindahan. Mas pagtutuunan ng iyong campaign ang mga pagbisita sa tindahan.
    3. “Pagkuha ng bagong customer” (sa mga Smart Shopping na campaign lang ginagamit). Para sa layuning ito, puwede kang magtalaga ng karagdagang halaga para sa bawat pagkuha ng bagong customer. Pagkatapos, ima-maximize ng iyong campaign ang kabuuang halaga ng conversion, kasama ang halaga ng bagong customer. Mas pagtutuunan ng iyong campaign ang mga bagong customer kaysa sa mga kasalukuyang customer.
Mga tip sa pagtatalaga ng halaga sa layunin

Ang halagang itatalaga mo para sa mga pagbisita sa tindahan o para sa pagkuha ng bagong customer ay magsisilbing halaga para sa lahat ng campaign sa iyong account. Matuto pa tungkol sa kung paano magtalaga ng halaga sa iyong mga conversion na pagbisita sa tindahan, at tungkol sa layunin sa conversion na pagkuha ng bagong customer para sa mga Smart Shopping na campaign.

  • Para pumili ng halaga ng mga pagbisita sa tindahan, karaniwan ang pag-multiply ng iyong average na in-store na rate ng conversion sa average na in-store na halaga ng order mo. Idinadagdag ang halagang ito sa column na halaga ng conversion sa pag-uulat ng Google Ads. Kung magtatakda ka ng Target na ROAS, tiyaking isasaalang-alang sa iyong target ang halaga ng pagbisita sa tindahan para maiwasan ang mga hindi gustong pagbabago sa gastos.
  • Pinakamahusay na kagawian ang isaalang-alang ang inaasahang panghabambuhay na halaga ng customer kapag nagpapasya ka kung magkanong halaga ang idaragdag para sa pagkuha ng bagong customer.
Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Kung nagdaragdag ka ng mga layunin sa conversion sa dati nang campaign, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Sa iyong Google Ads account, mula sa bar ng workspace sa itaas, piliin ang Mga Shopping campaign.
  2. I-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon mula sa menu ng navigation sa kaliwa.
  3. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  4. I-click ang Mga Campaign.
  5. Sa ibaba ng header ng page na "Mga Campaign," makakakita ka ng 3 tab. I-click ang tab na Mga Setting.
  6. Piliin ang campaign na gusto mong i-opt in sa pag-bid sa mga pagbisita sa tindahan.
  7. Sa “Pag-bid at badyet,” makikita mo ang “Mga layunin sa conversion.”
  8. Sa ilalim ng “Piliin ang mga setting ng conversion na gusto mong gamitin para sa campaign na ito,” piliin ang Mga layunin sa conversion sa antas ng campaign.
  9. Sa ilalim ng “Piliin ang mga layuning gusto mong pagtuunan sa campaign na ito,” makikita mong naka-preselect ang Mga online na benta sa mga bago at kasalukuyang customer bilang kinakailangan para sa paglulunsad ng mga layunin sa conversion, at may opsyon kang piliin ang Mga pagbisita sa tindahan. Sa mga Smart Shopping na campaign, magkakaroon ka rin ng opsyong piliin ang layuning pagkuha ng bagong customer.
    1. Para sa Mga pagbisita sa tindahan, kailangan mong i-set up ang pag-uulat sa conversion na Pagbisita sa tindahan. Puwede kang magtalaga ng halaga sa bawat pagbisita. Pagkatapos, mag-o-optimize ang iyong campaign para sa mga pagbisita sa iyong pisikal na tindahan sa pamamagitan ng pag-automate sa pag-bid na magpapataas ng halaga ng conversion batay sa mga pagbisita sa tindahan. Matuto pa tungkol sa kung paano magtalaga ng halaga sa iyong mga conversion na pagbisita sa tindahan
    2. Para sa mga bagong customer, kailangan mong magkaroon ng pagkilos na conversion na pagbili na “Kasama sa mga conversion” (gagawin nitong nabi-bid ang pagkilos na conversion), at sa ilang sitwasyon, kakailanganin mong magbigay ng karagdagang impormasyon kung aling mga customer ang mga kasalukuyang customer. Matuto pa tungkol sa pag-set up ng pag-uulat ng bagong customer at tungkol sa layunin sa conversion na bagong customer.

Pagsama-samahin ang mga layunin sa conversion para sa mga Smart Shopping na campaign

May ilang sinusuportahang kumbinasyon ng mga layunin sa conversion na magagamit mo batay sa mga pangkalahatang layunin ng iyong Smart Shopping na campaign. Pagsama-samahin ang mga layunin kapag gumagawa o nag-e-edit ng mga campaign.

  • Benta lang - i-click ang kahon sa tabi ng “Mga online na benta sa mga bago at kasalukuyang customer” at tiyaking may check at kulay asul ito.
  • Mga Benta at Pagbisita sa tindahan - i-click ang kahon sa tabi ng “Pagbisita sa tindahan (pisikal na tindahan)" at tiyaking may check at kulay asul ito. Awtomatikong mapipili ang layunin sa mga benta gamit ang gray na check box.
  • Mga layunin sa mga benta at bagong customer - i-click ang mga kahon sa tabi ng “Pagkuha ng bagong customer” at “Mga online na benta sa mga bago at kasalukuyang customer” at tiyaking may check at kulay asul ang mga ito.
  • Mga layunin para sa mga benta, bagong customer, at pagbisita sa tindahan - i-click ang mga kahon sa tabi ng “Pagkuha ng bagong customer” at “Pagbisita sa tindahan (pisikal na tindahan)” at tiyaking may check at kulay asul ang mga ito. Awtomatikong mapipili ang layunin sa mga benta gamit ang gray na check box.
Tandaan: Umaayon kaagad ang naka-automate na pag-bid para sa mga Smart Shopping na campaign sa iyong mga layunin sa conversion kapag napili mo ang mga ito.

Pinakamahuhusay na Kagawian kapag nagbabago ng mga layunin o halaga

  • Pag-update ng mga target na ROAS: Kasama sa halaga ng conversion ang halaga ng lahat ng layunin sa conversion na pipiliin mo. Kapag binago mo ang mga napili mong layunin, nagpalipat-lipat ka sa mga campaign sa antas ng account at antas ng campaign, o nagbago ka ng mga halaga ng pagbisita sa tindahan at/o pagkuha ng bagong customer, ipapakita sa iyong pag-uulat ng halaga ng conversion ang mga pagbabagong ito. Gugustuhin mong i-update ang iyong mga target na ROAS para ipakita ang mga pagbabagong ito at maiwasan ang mga biglaang pagbabago sa pag-bid.
    • Kung hindi ka sigurado kung paano maisasaayos ang iyong target na ROAS sa epektibong paraan, pansamantala itong alisin. Puwede mo pa ring gabayan ang campaign sa pamamagitan ng pagbago sa badyet. Subaybayan ang performance gamit ang mga bagong napiling layunin sa conversion at gamitin iyon bilang batayan ng pipiliin mong bagong target na ROAS.
  • Mga halaga ng conversion: Puwede mong subaybayan ang mga halaga ng conversion para sa mga pagbisita sa tindahan, at para sa mga bagong customer sa iyong page na “Mga Campaign.” Idagdag ang mga naaangkop na column sa pamamagitan ng pagpili sa icon na “Mga Column” sa kanang bahagi sa itaas ng mga column ng mga sukatan. Pagkatapos ay piliin ang Mga Conversion para buksan ang selector ng sukatan ng conversion. I-click ang kahon sa tabi ng “Halaga ng pagbisita sa tindahan” at/o “Halaga ng bagong customer,” at “Ilapat.”

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9862956673505660138
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false