Tungkol sa mga solusyong Smart Bidding at Smart Creative sa Google Ads

Mag-unlock ng higit pang paglago at kahusayan

Makasulit nang hindi nahihirapan

Mas kumplikado na ang mga hakbang ng customer kaysa dati, at sumasaklaw ito sa maraming site at device. Para sa mga marketer, mahalagang maunawaan kung paano makipag-ugnayan sa mga user sa lahat ng sandaling ito, pero isang hamon kung manual itong gagawin. Diyan pumapasok ang mga AI-powered na solusyon.

Paano ito gumagana

Ang mga solusyong Smart Bidding at Smart Creative ng Google Ads ay gumagamit ng AI na real time na nagsusuri ng milyon-milyong signal para ipakita ang tamang mensahe, sa tamang customer, sa mahahalagang sandali.

Kaya sa halip na maglaan ng oras sa manual na pag-optimize ng iyong mga ad o pag-bid, posible kang makakuha ng mas magagandang resulta nang mas mabilis sa tulong ng mga solusyon mula sa Google AI.

Smart Bidding

Nagagawa ng Smart Bidding na mag-optimize ng mga bid nang real time para sa bawat isang auction. Binabawasan nito nang husto ang inilalaang oras sa pagpapanatili ng bid habang tinutulungan kang makakuha ng mas magagandang resultang pasok sa badyet mo.

Matuto pa

Mga Smart Creative

Ganap na naiimpluwensyahan ng kalidad ng creative ang epekto ng advertising. Gamit ang Mga Smart Creative, pinipili at binubuo ng Google AI ang pinakamagandang kumbinasyon ng mga asset na creative para sa bawat customer. Dahil dito, nakakatipid ka ng oras para mapagtuunan mo ang mas madiskarteng pagsisikap hinggil sa iyong mga campaign sa marketing.

Mga uri ng mga feature ng Smart Creative:

Mga tumutugong display ad

I-upload ang iyong mga asset—mga larawan, headline, logo, at paglalarawan—at bubuo ang Google Ads ng mga ad na ipapakita sa Google Display Network.

Matuto pa

Mga Dynamic na Search Ad

Ginagamit ng format na ito ang iyong website para i-target ang mga ad mo. Makakatulong din itong punan ang mga kakulangan sa iyong mga campaign na batay sa keyword.

Matuto pa

Mga responsive na search ad

Gumawa ng mga ad na nakakaangkop sa pagpapakita ng higit pang text—at mga mas nauugnay na mensahe—sa iyong mga customer.

Matuto pa

Para pahusayin ang return on investment ng kanilang mga kliyente, gumamit ng Smart Bidding at Mga Smart Creative ang ahensya sa digital na marketing na HawkSEM:

ayon sa dami ng conversion*

“Nagulat at natuwa kami sa bilis ng aming
mga kinita sa loob ng maikling yugto ng panahon. Napakahusay
ng kumbinasyon ng mga Responsive na search ad at Smart Bidding
sa pagtulong na mapataas ang ROI.”

– Sam Yadegar
Marketing Director ng HawkSEM

* Panlabas na Data ng Google, Pandaigdigan, 2018

Tingnan ang performance ng mga campaign mo sa pamamagitan ng pagsusuri sa iyong performance ng diskarte sa pag-bid, at mag-adjust sa tuwing kailangan mo.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7762128051676724577
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false