Tungkol sa mga grupo ayon sa lokasyon at pag-filter

Magdagdag ng mga grupo ayon sa lokasyon, at mag-edit sa level ng campaign o ad group"Nagbibigay-daan sa iyo ang mga grupo ayon sa lokasyon na mas madaling mapamahalaan ang mga lokasyon sa mga campaign mo mula sa Google Ads. Kapag na-sync mo ang iyong Profile ng Negosyo at mga Google Ads account, o kapag nagdagdag ka ng mga lokasyon ng Chain sa account mo, kwalipikadong ipakita ang mga address na ito sa iyong account. Puwede kang magtalaga ng mga partikular na address sa antas ng account, campaign, o ad group.

Inilalarawan ng artikulong ito ang ginagawa ng mga pangkat ayon sa lokasyon at ang mga benepisyo ng paggamit sa mga ito kapag nagse-set up ng pag-target sa lokasyon sa iyong mga campaign at nagpo-promote ng mga lokasyong iyon sa mga ad mo. Ipinapakita rin sa iyo ng artikulong ito kung paano gumamit ng mga grupo ayon sa lokasyon para mag-filter sa mga antas ng campaign o ad group, at kung paano magdagdag ng mga filter para mag-edit sa antas ng account.

About location groups UI screen

GUMAWA NG MGA PANGKAT AYON SA LOKASYON

Ano ang mga grupo ayon sa lokasyon?

Ang mga grupo ayon sa lokasyon ay mga nagagamit ulit na koleksyon ng mga pisikal na negosyo na puwedeng ilapat sa iyong campaign. Puwedeng piliin ang isang pangkat sa halip na mga indibidwal na lokasyon para mabilis at mahusay na mailapat ang bawat lokasyon sa pangkat na iyon para sa pag-target ng isang campaign. Magagamit din ang mga grupong ito para sa pag-set up ng mga local na campaign, at paggawa ng mga asset para sa lokasyon at asset para sa lokasyon ng affiliate.

Para gumamit ng mga grupo ayon sa lokasyon, kailangan mong i-enable ang mga asset para sa lokasyon o i-enable ang mga asset para sa lokasyon ng affiliate sa iyong Google Ads Account. Puwede kang gumamit ng mga pangkat ayon sa lokasyon sa ilang iba't ibang lugar sa iyong account:

Mga benepisyo ng paggamit ng mga pangkat ayon sa lokasyon

Maginhawa

Madali lang i-set up at i-parse para sa pag-edit ang mga pangkat ayon sa lokasyon. Nagbibigay-daan sa iyo ang interface ng pangkat ayon sa lokasyon na maghanap ng mga indibidwal na lokasyon sa pamamagitan ng paghahanap at pag-filter.

Muling Nagagamit

Kapag nagawa na, puwedeng piliin ang isang pangkat ayon sa lokasyon at ilapat sa maraming campaign hangga't maaari. Anumang pagbabagong gagawin mo sa isang pangkat ayon sa lokasyon ay mailalapat sa lahat ng campaign na gumagamit sa pangkat na iyon.

Sabihin nating nagpapagana ka ng Local campaign na nalalapat sa bawat lokasyon sa California. Puwede kang gumawa ng bagong pangkat ayon sa lokasyon na naglalaman ng bawat isa sa mga lokasyon ng iyong storefront sa California. Kapag na-set up mo na ang campaign na pambuong-estado, magkakaroon ka na ng pangkat ayon sa lokasyon na handang ilagay sa setup ng campaign. Pagkatapos, magagamit mo ang grupo ayon sa lokasyon na iyon para sa mga Local campaign, Performance Max na may mga layunin sa tindahan, pati na sa mga campaign at ad group (sumangguni sa mga asset para sa lokasyon, asset para sa lokasyon ng affiliate).

GUMAWA NG MGA PANGKAT AYON SA LOKASYON

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
Magdagdag ng mga grupo ayon sa lokasyon, at mag-edit sa level ng campaign o ad group
Tandaan: Tiyaking naka-link ang iyong Google Ads account sa Profile ng Negosyo mo, at nagsi-sync sa Google Ads ang iyong mga lokasyon. Matuto pa tungkol sa kung paano Gamitin ang mga asset para sa lokasyon

Bago gawin ang mga hakbang sa ibaba, sundin ang mga tagubilin kung paano gumawa ng mga grupo ayon sa lokasyon.

I-filter ang iyong mga address mula sa Profile ng Negosyo

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Asset sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Asset.
  4. Mag-click sa plus button at piliin ang Mga asset para sa lokasyon.
  5. Piliin ang “Campaign” o “Ad group” depende kung sa campaign ba o sa ad group mo gustong mag-filter ng mga address. Kung nagdaragdag ka ng asset para sa lokasyon sa antas ng ad group, piliin din ang gusto mong ad group.
Halimbawa
Sabihin nating nagmamay-ari ka ng 2 restaurant: Inasal ni Juan at Kakanin ni Juan. Gusto mong magpatakbo ng campaign na para lang sa iyong restaurant ng inasal. Para magawa ito, gagawa ka ng filter at isasama mo lang ang restaurant na ang pangalan ng negosyo ay “Inasal ni Juan.”

Magdagdag ng grupo ayon sa lokasyon sa Google Ads

  1. Pumili ng isa sa sumusunod:
    • Lahat ng naka-sync na lokasyon
    • Mga pangkat ayon sa lokasyon: Sa menu, piliin ang checkbox sa tabi ng pangkat ayon sa lokasyon na ginawa mo para sa restaurant na “Bob’s Barbecue.”
    • Walang lokasyon
  2. I-click ang I-save.

I-edit ang grupo ayon sa lokasyon sa level ng ad group o campaign

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Asset sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Asset.
  4. Piliin ang Pag-uugnay sa drop-down na menu na "View ng talahanayan."
  5. Piliin ang Lokasyon mula sa listahan sa itaas ng toolbar ng talahanayan.
  6. Ililista sa iyong Profile ng Negosyo ang bawat asset para sa lokasyon na na-filter mo sa level ng ad group o campaign. Hanapin ang asset na gusto mong i-edit at i-click ang icon na lapis Icon na lapis / icon sa pag-edit kapag lumabas ito sa tabi nito.
  7. Gawin ang iyong mga pagbabago at i-click ang I-save.

Magdagdag ng mga filter at mag-edit sa antas ng account

Tandaan: Available lang ang opsyong ito para sa mga asset para sa lokasyon na gumagamit ng Profile ng Negosyo. Hindi ito available para sa mga asset para sa lokasyon na may mga chain na lokasyon.
  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Asset sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Asset.
  4. Piliin ang Pag-uugnay mula sa drop-down na menu na “View ng talahanayan.”
  5. Piliin ang iyong Profile ng Negosyo kung saan mo gustong magdagdag ng mga filter.
  6. Sa asul na bar sa itaas ng talahanayan, i-click ang Idagdag sa.
  7. Piliin ang Account mula sa drop-down na menu.
  8. Mag-hover sa account kung saan mo gustong gumawa ng mga pagbabago at i-click ang icon na lapis Icon na lapis / icon sa pag-edit kapag lumabas ito.
  9. Sa ilalim ng seksyong “Limitahan ang mga lokasyong naka-sync sa Google Ads”:
    • Ilagay ang pangalan ng iyong negosyo. Gagana lang ang mga filter kung naglagay ka ng impormasyong eksaktong tumutugma sa napili mong salita. Halimbawa, kung naglagay ka ng filter para sa pangalan ng negosyong "Juan," hindi mo mafi-filter ang mga negosyong may pangalang "Inasal ni Juan."
    • Mas malilimitahan mo pa ang mga lokasyon gamit ang mga partikular na label. Dapat idagdag ang mga label sa mga lokasyon sa Google My Business bago maglapat ng mga filter sa Google Ads. Idagdag ang pangalan ng label at i-click ang + O para mapalawak ang iyong listahan ng mga address.
  10. I-click ang Tapusin.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6710166823938678959
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false