Ang D-U-N-S (Data Universal Numbering System) ay isang sistemang kinikilala sa buong mundo na binuo ng Dun & Bradstreet (D&B) na nagtatalaga sa mga negosyo ng natatanging numero ng pagkakakilanlan na may siyam na digit:
- Posibleng hingin sa iyo ang D-U-N-S number mo kung mag-a-apply ka para sa setting ng pagbabayad na buwanang pag-invoice o sa proseso ng Pag-verify ng advertiser. Hindi ito kinakailangan sa alinmang proseso, pero posibleng makatulong ito sa aming mga team na mas mabilis na ma-assess ang iyong mga aplikasyon.
- Makikita mo ang numerong ito o puwede kang mag-apply para sa ganito nang libre sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng D&B sa www.dnb.com.