Ang D-U-N-S (Data Universal Numbering System) ay isang sistemang kinikilala sa buong mundo na binuo ng Dun & Bradstreet (D&B) na nagtatalaga sa mga negosyo ng natatanging numero ng pagkakakilanlan na may siyam na digit:
- Posibleng hingin sa iyo ang D-U-N-S number mo kung mag-a-apply ka para sa setting ng pagbabayad na buwanang pag-invoice o sa proseso ng Pag-verify ng advertiser. Hindi ito kinakailangan sa alinmang proseso, pero posibleng makatulong ito sa aming mga team na mas mabilis na ma-assess ang iyong mga aplikasyon.
- Makikita mo ang numerong ito o puwede kang mag-apply para sa ganito nang libre sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng D&B sa www.dnb.com.
- Posibleng nagpapatakbo ang D&B ng mga website na partikular sa iyong bansa o rehiyon. Kung hindi gumagana ang link na ibinigay, subukang hanapin ang "D&B" kasama ng pangalan ng iyong bansa sa isang search engine sa web tulad ng Google.
