Tungkol sa mga setting na "Pag-target" at "Obserbasyon"

May iba't ibang paraan ng pag-target ng campaign at ad group na available para matulungan kang abutin ang mga potensyal na customer. Puwede mong i-target ang iyong mga ad sa pamamagitan ng pagpili ng pamantayan, gaya ng mga audience na gusto mong abutin, o content kung saan mo gustong lumabas ang mga ad.

Sa ilang sitwasyon, puwede mong obserbahan ang performance ng mga ad kapag may tumugmang customer sa partikular na pamantayan, pero puwedeng ayaw mong limitahan ang iyong mga ad na magpakita lang sa pamantayan na iyon. Nagbibigay-daan sa iyo ang feature na “Obserbasyon” na sumubaybay at magtakda ng mga custom na bid para sa pamantayan nang hindi pinaghihigpitan ang abot mo.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumagana ang mga setting na pag-target at obserbasyon. Para sa step-by-step na mga tagubilin sa pag-set up ng feature na ito, tingnan ang Piliin ang pag-target at obserbasyon.

Tungkol sa setting na "Pag-target"

Kapag ginagamit mo ang setting na “Pag-target” para sa iyong mga campaign o ad group (gaya ng mga affinity audience, placement, o remarketing), sinasabi mo sa Google Ads kung sino ang gusto mong abutin gamit ang iyong mga ad o kung saan mo gustong lumabas ang iyong mga ad sa internet.

Para sa mga Display campaign, kung hindi ka magdaragdag ng paraan ng pag-target sa isang ad group, ang mga tanging paghihigpit kung saan maaaring lumabas ang iyong mga ad ay nasa mga setting ng campaign at account, gaya ng mga pagbubukod ng content, lokasyon, at wika. Nangangahulugan ito na maaaring gumana ang iyong mga ad kahit saan sa web, sa buong Display Network at YouTube, sa mga setting ng campaign at account mo.

Kailan ito gagamitin

Gamitin ang setting na “Pag-target” sa iyong mga ad group o campaign, kapag gusto mong paliitin ang iyong ad group para maipakita lang ito sa mga partikular na audience o sa partikular na content na napili mo. Inirerekomenda ang pag-target para sa lahat ng advertiser sa kanilang mga Display campaign.

Tandaan
  • Nililimitahan ng pag-target ang abot ng iyong ad group.
  • Bukod pa sa paglilimita sa iyong abot, may opsyon kang gumamit ng mga custom na bid o mga adjustment ng bid sa mga partikular na pamantayan na nasa iyong pag-target. Matuto pa Tungkol sa mga feature ng pag-bid sa mga Display campaign.

Tungkol sa setting na "Obserbasyon"

Kapag ginamit mo ang setting na "Obserbasyon," hindi maaapektuhan ang abot ng iyong campaign o ad group. Sa madaling salita, hindi mababago ng setting na "Obserbasyon" kung sino ang makakakita sa iyong mga ad o kung saan puwedeng lumabas ang mga ito. Gayunpaman, nagbibigay-daan sa iyo ang setting na "Obserbasyon" na subaybayan ang performance ng mga ad para sa mga napili mong placement, paksa, o audience habang gumagana ang iyong campaign. Tandaang ipinapakita sa iyo ng "obserbasyon" ang performance ng mga karagdagang pamantayan kapag napapailalim ang mga ito sa saklaw ng kaslaukuyan mong pag-target.

Pagkatapos ay magagamit mo na ang data na ito para gabayan ang iba pang pagkilos sa iyong campaign, gaya ng paggawa ng mga pagsasaayos ng bid sa ilang partikular na pamantayan. Maaari ka ring magpasyang gumawa ng mga bagong ad group na may pamantayan sa pag-target na nakabatay sa iyong mga obserbasyon.

Maaari mong ilapat ang setting na "Obserbasyon" sa pamamagitan ng pagpunta sa page na “I-edit ang lahat ng pag-target.” Maaari ka ring magdagdag ng paraan ng obserbasyon mula sa page ng pag-uulat ng paraang iyon, kung hindi ginagamit ang paraang iyon para sa pag-target sa ad group. Tandaan: Hindi ka makakapagdagdag ng paraan ng obserbasyon sa unang pagkakataon na gumawa ka ng ad group.

Kailan ito gagamitin

Gamitin ang setting na "Obserbasyon" kung ayaw mo nang limitahan pa ang pag-target ng iyong campaign o ad group, pero gusto mong subaybayan ang performance ng ilang partikular na pamantayan sa iyong mga ad. Inirerekomenda ang setting na "Obserbasyon" para sa lahat ng Search campaign pati na rin sa mga Display campaign ng mga mas advanced na advertiser.

Para sa mga campaign na gumagamit ng Smart Bidding, gagamitin bilang mga signal para sa mga strategy sa Smart Bidding ang mga first-party na segment ng audience na idinagdag sa setting na “Obserbasyon.” Matuto pa Tungkol sa mga segment ng audience.

Tandaan
  • Hindi pinaghihigpitan ng setting na "Obserbasyon" ang abot ng iyong campaign o ad group.
  • Iniuulat ang data para sa mga ad na nakakatugon sa mga pamantayang napili para sa mga obserbasyon at pag-target.
  • Bukod pa sa pag-obserba sa performance ng mga pamantayan, may opsyon kang gumamit ng mga custom na bid o mga adjustment ng bid sa mga partikular na pamantayan na nasa iyong mga obserbasyon. Matuto pa Tungkol sa mga feature ng pag-bid sa mga Display campaign.

Mga Halimbawa

Pag-target

Nagmamay-ari si Abbey ng tindahang nagbebenta ng mga motorcycle jacket para sa mga babae. Para sa kanyang ad group na “Mga Babaeng Motorista,” pinili ni Abbey ang kasariang “Babae” sa ilalim ng demograpiko at ang affinity audience na “Mga Mahilig sa Motorsiklo.” Lilimitahan ng mga napiling ito sa "Pag-target" ang abot ng ad group niya, kaya ipapakita lang ang kanyang mga ad sa mga babaeng interesado sa mga motorsiklo.

Mga Obserbasyon

Iniisip ni Abbey kung marami ba sa kanyang mga customer ang interesadong bumili ng activewear. Gusto niyang malaman ang higit pa, pero ayaw na niyang limitahan pa ang abot ng kanyang ad group. Na-click niya ang icon na lapis sa page na Audience, pinili niya ang kanyang mga campaign, pumili siya ng mga audience batay sa "Kung ano ang aktibo nilang sinasaliksik o pinaplano," pinili niya ang Damit at Mga Accessory at pagkatapos ay Activewear para sa mga pamantayan ng obserbasyon.

Gamit ang setting na ito ng obserbasyon, puwedeng tumingin si Abbey ng mga ulat tungkol sa kung ilang ad impression ang ipinakita sa mga user na nasa market din para sa activewear. Tandaan, iniuulat ang mga obserbasyon kapag nag-o-overlap ang mga ito sa kasalukuyang pag-target (sa sitwasyong ito, "Pambabaeng Activewear at Mahihilig sa Motorsiklo").

Kaya, kung iba ang performance ng mga ad na ipinakita sa mga user na interesado rin sa Activewear kaysa sa ibang ad, maaaring taasan o babaan ni Abbey ang mga bid niya para sa audience na ito. Puwede rin siyang gumawa ng bagong ad group na magta-target sa mga user na interesado sa Activewear, kung gusto niyang gumamit ng espesyal na landing page o alok para sa kanila.

Availability ng Pag-target at Obserbasyon

Sa mga Display Network campaign

Inirerekomendang paggamit: “Pag-target” at “Obserbasyon”

Magagamit mo ang mga sumusunod na paraan ng pag-target para sa iyong campaign o ad group:

  • Mga keyword sa display/video
  • Mga Placement
  • Mga Paksa
Tandaan: Ang ginagamit lang ng Demograpiko at Mga keyword sa display/video ay ang karaniwang setting na “Pag-target.” Bilang default, naka-target ang lahat ng grupo ng demograpiko, maliban na lang kung gagawa ka ng anumang pagbabago.

Puwede mong gamitin ang mga sumusunod na paraan ng obserbasyon para sa iyong campaign o ad group:

  • Mga Placement
  • Mga Paksa
Tandaan: Hindi magagamit ang Mga keyword sa display/video sa mode ng Obserbasyon.

Ang mga paksa, placement, at keyword sa display/video ay puwedeng i-target o maobserbahan.

Inirerekomenda naming i-set up mo ang iyong pag-target batay sa mga resulta ng obserbasyon mo, para ma-maximize mo ang mga resulta ng iyong aktwal na pag-target. Halimbawa:

  • Pag-target sa Mga paksa at pag-target sa Mga Placement
  • Pag-target sa Mga keyword sa display/video at pag-target sa Mga Placement o Mga Paksa

Sa mga Search Network at Shopping campaign

Inirerekomendang paggamit: “Obserbasyon”

Puwede mong gamitin ang “Obserbasyon” para sa Mga Audience, kung saan kasama ang mga segment ng data para sa mga Search ad. Matuto pa Tungkol sa iyong mga segment ng data para sa mga Search ad.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7989323164770318805
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false