Tungkol sa mga awtomatikong petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng campaign

Kapag gumawa ka ng isang bagong Google Ads campaign, makokontrol mo kung gaano ito katagal na gagana. Kapaki-pakinabang ang feature na ito kapag alam mo na ang petsa kung kailan mo gustong magtapos ang iyong campaign—halimbawa, pagkatapos mag-expire ng isang promosyon o alok. Magtakda lang ng petsa ng pagtatapos nang mas maaga, at kapag dumating na ang araw na iyon, hindi mo na ito kakailanganing baguhin nang manual. Maaari ka ring magtakda ng petsa ng pagsisimula para sa isang campaign na inilaan para sa isang papalapit na holiday, halimbawa. Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumagana ang mga awtomatikong petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng campaign at kung kailan mo maaaring gustong gamitin ang mga ito.

Halimbawa

Sabihin nating nagmamay-ari ka ng isang online store ng party supply at gusto mong magkaroon ng campaign na nakatuon sa pagbebenta ng mga torotot na may diskwento para sa Bagong Taon. Alam mong gusto mong magsimula ang iyong campaign eksaktong dalawang linggo bago ang Bisperas ng Bagong Taon, sa Disyembre 18. Sa Google Ads, maitatakda mo ang petsang ito para sa pagsisimula ng iyong campaign. Maaari mo rin itong itakda na magtapos kapag tapos na ang promosyon, sa Enero 1.

Paano gumagana ang mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng campaign

Kapag gumawa ka ng bagong campaign, itatakda sa "ngayong araw" ang iyong petsa ng pagsisimula maliban na lang kung may iba kang tinukoy. Kung hahayaan mong "ngayong araw" ang petsa ng pagsisimula, magsisimula ang iyong campaign sa sandaling maaprubahan na ang mga una mong ad.

Kapag tapos ka nang magtakda ng petsa ng pagsisimula, mae-edit mo ang petsang iyon anumang oras hanggang sa magsimula ang iyong campaign. Kapag lumipas na ang petsa ng pagsisimula, imposible nang i-edit ang petsang iyon. Halimbawa, kung Pebrero 1 ang iyong petsa ng pagsisimula, hindi mo mae-edit ang iyong petsa ng pagsisimula sa Pebrero 2. Gayunpaman, maaari mo pa ring i-pause, ipagpatuloy o alisin ang iyong campaign.

Ang default na setting para sa bawat ad campaign ay ang hindi pagkakaroon ng petsa ng pagtatapos, upang gumana nang tuluy-tuloy ang iyong mga ad. Gayunpaman, maaari mong baguhin ang setting na iyon anumang oras upang pahintuin ang iyong campaign sa isang partikular na petsa. Kapag pumili ka ng petsa ng pagtatapos, magtatapos ang iyong campaign sa petsang iyon nang 11:59 p.m. (o 23:59) sa time zone na pinili mo para sa iyong account. 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2078829822864564205
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false