Makakuha ng mga ideya sa negatibong keyword gamit ang ulat ng mga termino para sa paghahanap

Makakatulong sa iyo ang ulat ng mga termino para sa paghahanap na makakuha ng mga ideya tungkol sa mga terminong idaragdag bilang mga negatibong keyword. Ipinapakita ng ulat ang mga aktwal na terminong hinanap ng marami-raming tao at nag-trigger sa iyong ad. Habang bina-browse mo ang ulat, puwedeng makakita ka ng mga termino para sa paghahanap na may kaugnayan sa ibinebenta mo pero hindi iyon mismo.

Sa artikulong ito, malalaman mo kung paano gamitin ang ulat ng mga termino para sa paghahanap para sa mga ideya sa negatibong keyword na makakatulong sa iyong i-target nang mas mahusay ang mga customer na interesado sa produkto o serbisyo mo.

Tandaan: Bilang default, idinaragdag bilang negatibong eksaktong tugma ang mga negatibong keyword na idinagdag sa isang Search campaign mula sa ulat ng mga termino para sa paghahanap. Para baguhin ang uri ng pagtutugma, gamitin ang mga naaangkop na simbolo.

Bago ka magsimula

Tandaan na iba ang pagkilos ng mga uri ng pagtutugma ng negatibong keyword kaysa sa mga positibo nitong katumbas at hindi tumutugma ang mga ito sa mga variant. Kung ngayon ka pa lang gagamit ng mga negatibong keyword, matuto pa Tungkol sa mga negatibong keyword.

Mga Tagubilin

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Mula sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga Keyword.
  3. Para makita ang lahat ng termino para sa paghahanap para sa lahat ng keyword, i-click ang Mga termino para sa paghahanap sa itaas. Para makita ang mga termino para sa paghahanap para lang sa piling pangkat ng mga keyword, lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng mga keyword kung saan mo gustong makakita ng mga termino para sa paghahanap. Pagkatapos, i-click ang Mga termino para sa paghahanap sa menu na lalabas sa itaas ng talahanayan.

  4. Lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng mga termino para sa paghahanap na gusto mong idagdag bilang mga negatibong keyword, pagkatapos ay i-click ang Idagdag bilang negatibong keyword

Mula rito, puwede kang magdagdag ng mga negatibong keyword sa isang ad group o campaign, kasalukuyang listahan ng negatibong keyword, o bagong listahan ng negatibong keyword.

Magdagdag ng mga negatibong keyword sa isang ad group o campaign

  1. Piliin ang Ad group o Campaign. Idaragdag ang bawat negatibong keyword sa ad group o campaign na nauugnay sa mga katugmang termino para sa paghahanap.
  2. I-click ang I-save.

Magdagdag ng mga negatibong keyword sa isang kasalukuyang listahan ng negatibong keyword

  1. Piliin ang Listahan ng negatibong keyword.
  2. Pumili ng kasalukuyang listahan ng negatibong keyword mula sa drop down.
  3. Opsyonal: Ilapat ang listahan ng negatibong keyword sa lahat ng campaign na nauugnay sa mga katugmang termino para sa paghahanap sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa Idagdag sa mga campaign.
  4. I-click ang I-save.

Magdagdag ng mga negatibong keyword sa isang bagong listahan ng negatibong keyword

  1. Piliin ang Listahan ng negatibong keyword.
  2. Piliin ang I-save bilang bagong listahan at ilapat ang mga negatibong keyword. Ilalapat ang listahan sa lahat ng campaign na nauugnay sa mga katugmang termino para sa paghahanap.
  3. I-click ang I-save.

Tandaan

Tiyaking hindi nag-o-overlap ang iyong mga negatibong keyword sa mga keyword na gusto mong ihatid. Magiging dahilan ito para hindi lumabas ang iyong ad.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu