Suriin at i-optimize ang iyong mga bid

Kapag matagal-tagal nang gumagana ang iyong mga ad, panahon na para alamin kung gaano kaepektibo ang mga ito. Kung layunin mong humimok ng mga benta at trapiko sa website, itanong sa iyong sarili ang mga ito:

  • Anong mga keyword ang nagdadala ng pinakamaraming pag-click sa iyong mga ad?
  • Saang mga lokasyon at anong mga device ang pinaghahanapan ng iyong mga customer?
  • Sa anong mga araw at oras pinakamataas ang mga benta sa negosyo?

Para sagutin ang mga tanong na ito, tingnan ang mga ulat sa iyong account. Matuto pa Tungkol sa performance ng account, campaign, at ad group.

Suriin ang iyong mga gastos at kita

Para makatulong sa pagsukat sa performance ng isang campaign, baka gusto mong malaman kung gaano kadalas aktwal na na-click ng mga tao ang ad na nakita nila. Para gawin ito, subukang pagbukud-bukurin ang iyong mga keyword ayon sa clickthrough rate (CTR) para malaman kung aling mga keyword ang nakapagbigay sa iyo ng maraming impression ngunit kaunting pag-click. Kung layunin mong magkaroon ng mga benta, baka gusto mong I-edit ang iyong mga bid sa mga keyword na ito.

Mga Tip

  • Para maunawaan kung humahantong ang mga pag-click sa mga aktwal na benta, inirerekomenda naming mag-set up ng pagsubaybay sa conversion para sa iyong account. Ipinapakita sa iyo ng libreng tool na ito kung ano ang nangyayari pagkatapos mag-click ng mga tao sa iyong ad, binili man nila ang iyong produkto o nag-sign up para sa iyong newsletter. Gamit ang impormasyong ito, makakalkula mo ang iyong aktwal na return on investment (ROI).

  • Wala ka bang oras na suriin ang iyong mga bid? Hayaan ang Google na gawin iyon para sa iyo. Sa pamamagitan ng Pag-maximize sa Mga Pag-click, magtatakda ka ng average na pang-araw-araw na badyet, at tutulong kami sa pagsasaayos sa iyong mga cost-per-click na bid para makatanggap ka ng pinakamaraming pag-click hangga't puwede na pasok sa badyet mo. Kung may mga partikular ka namang naiisip na layunin, subukan ang naka-automate na diskarte sa pag-bid para magsaayos ng mga bid batay sa iyong mga layunin.

Isaayos ang iyong mga bid para pataasin ang return on investment mo

Kapag natukoy mo na kung aling mga keyword, lokasyon, oras at device ang nakakakuha ng magagandang resulta, puwede mong isaayos ang iyong mga bid nang naaayon dito.

Narito ang ilang sitwasyon kung saan mo puwedeng baguhin ang iyong mga bid:

  • Mababang average na cost-per-click (CPC) na may mataas na rate ng conversion: Halimbawa, kung mababa ang average na CPC ng isang keyword pero maganda ang pag-convert ng bawat pag-click, puwede mong subukang pataasin ang max. CPC na bid.
  • Mataas na average na CPC na may mababang rate ng conversion: Kung may mataas na average na CPC ang isang keyword pero bihirang humantong sa mga conversion ang mga pag-click, puwede mong subukang pababain ang max. CPC na bid. Puwedeng mapataas ng diskarteng ito ang iyong ROI para sa mga keyword na mababa ang performance at puwede ka nitong bigyang-daan na mailaan ang bahagi ng iyong badyet sa mas mahahalagang keyword.
  • Mababang trapiko sa ilang partikular na oras: Pag-isipang taasan ang iyong mga bid sa mga lokasyon kung saan mas mahusay ang iyong performance. O kaya, kung mas kaunti ang nakikita mong pagbisita sa iyong tindahan sa ilang partikular na oras, puwede mong taasan ang mga bid para sa panahong iyon at paganahin ang mga ad na may mga pampromosyong alok para humikayat ng mas maraming tao na pumunta sa iyong negosyo.

Ilang bagay na dapat tandaan kapag pinag-iisipan ang tungkol sa mga pagbabago sa pag-bid:

  • Unti-unting baguhin ang iyong mga bid: Pagkatapos, tingnan ang mga pagbabago sa mga pag-click at conversion sa iyong mga keyword bago mag-edit ulit. Palaging nagbabago ang trapiko sa Internet, kaya mahalagang regular na suriin ulit ang iyong mga bid.
  • Pataasin ang iyong Marka ng kalidad: Puwede mong mapataas ang posisyon ng iyong ad nang hindi nagdaragdag ng mga gastos. Kung mas mataas ang Marka ng Kalidad ng iyong keyword, mas mababa ang babayaran mo para sa isang partikular na posisyon ng ad.

Mga tool na makakatulong sa pag-optimize sa iyong mga bid

Bukod pa sa mga diskarte sa naka-automate na pag-bid, nag-aalok ang Google ng ilan pang tool para gabayan ka sa pagpili ng bid na magiging epektibo para sa iyong mga layunin.

Pagkatapos gumana ng iyong mga campaign sa loob ng ilang linggo, magkakaroon na ang aming mga tool ng sapat na impormasyon para bigyan ka ng higit pang naka-personalize na rekomendasyon:

  • Bid Simulator: Magkaroon ng mga sagot sa mga "paano kung" na sitwasyon, gaya ng "Gaano karaming impression pa ang puwede kong makuha kung tataasan ko nang Php5 ang aking bid?" Makakatulong sa iyo ang tool na ito na isaayos ang iyong mga bid sa antas na tama para sa iyo. Matuto pa tungkol sa Bid Simulator.
  • Mga tinantyang bid sa unang page: Alamin kung magkano ang malamang na kailangan mong i-bid para mailagay ang iyong mga ad sa itaas, o sa unang page ng mga resulta ng paghahanap sa Google.
  • Page na mga rekomendasyon: Bisitahin ang bahaging ito ng iyong account para makakita ng mga rekomendasyon para mapahusay ang mga CPC na bid mo, na makakatulong sa iyong makakuha ng higit pang trapiko, mapahusay ang Ad Rank mo, o kaya ay mapahusay ang iyong performance.

    BISITAHIN ANG PAGE NA MGA REKOMENDASYON NGAYON

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3320890097741839189
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false