Kontrolin ang mga gastos sa buwanang pag-invoice

Kapag naaprubahan ka na para sa buwanang pag-invoice, bibigyan ka ng linya ng credit. Gamit ang halagang ito, makakalkula mo ang maximum na halagang iyong magagamit bilang average na pang-araw-araw na badyet mo. Isa itong mainam na paraan para maibahagi mo ang iyong mga gastos sa campaign sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon. Ganito mo ito magagamit:

Halimbawa

Sabihin nating mayroon kang Google Ads account na may dalawang campaign, at gusto mong gumastos ng PhP500,000 sa kabuuan para sa 30-araw na buwan. Para matiyak na magkakasya sa buong buwan ang Php500,000 na ito, pagpasyahan muna kung gaano kalaki ang gusto mong gastusin sa bawat campaign. Ipagpalagay na gusto mong maglaan ng Php375,000 sa campaign #1 at Php125,000 sa campaign #2. Para makuha ang iyong average na pang-araw-araw na badyet, hatiin sa 30 ang bawat halaga:

Ipinapakita ng diagram na ito kung paano ginagamit ang average na pang-araw-araw na badyet sa isang Google Ads campaign.

Gamit ang formula na ito, magtatalaga ka ng average na pang-araw-araw na badyet na Php12,500 sa campaign #1 at Php4166.50 sa campaign #2.

Tandaang kung gusto mong gumastos ng Php500,000 bawat buwan at mayroon kang 30 araw para bayaran ang iyong bill, hindi dapat bababa sa Php1,000,000 ang iyong linya ng credit. Bakit? Pagkatapos ng unang buwan, nagamit mo na ang PhP500,000 ng iyong linya ng credit. Kaya, kapag nabayaran mo na ang bill, (ibig sabihin, pagkatapos ng 30 araw), nakagastos ka na ng karagdagang PhP500,000 sa Google para sa pangalawang buwan na iyon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi dapat bumaba sa Php1,000,000 ang iyong linya ng credit.

Ang mga pang-araw-araw na gastusin ng iyong campaign ay puwedeng maging medyo mas malaki o mas maliit sa average mong pang-araw-araw na badyet, pero hindi ka magbabayad nang higit sa limitasyon sa buwanang paggastos ng iyong campaign, na ang average mong pang-araw-araw na badyet na na-multiply sa average na bilang ng mga araw sa isang buwan (30.4). Matuto pa tungkol sa mga pagsingil at sa iyong average na pang-araw-araw na badyet

Kapag itinatakda ang mga badyet ng iyong campaign, tandaan na kailangang magkasya sa iyong linya ng credit ang lahat ng gastusin sa iyong account, kasama na ang:

  • Mga gastusin na naiipon sa iyong (mga) account bawat araw na hindi pa nasisingil sa iyo.
  • Mga gastusin na na-invoice na sa iyo, pero hindi mo pa nababayaran.
  • Mga gastos na naiipon sa iyong account habang pinoproseso ang bayad mo para sa nakaraang buwan (hindi bababa sa ilang araw).

Kung hindi mo magagastos ang iyong pang-araw-araw na badyet bawat araw, posibleng mas mababa kaysa sa inaasahan ang mga buwanang gastos mo. Kaya naman magandang ideyang regular na suriin ang iyong mga gastos, kung sakaling gusto mong taasan ang iyong bid.

Puwede mong tingnan ang iyong mga naipong gastusin sa page ng Mga Campaign. Tiyaking itakda ang hanay ng petsa para sa naaangkop na panahon, pagkatapos ay hanapin ang mga naipong gastusin para sa bawat campaign sa huling column ng talahanayan.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15334604451888915092
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false