Tungkol sa attribution na batay sa data

Bago bumili o kumumpleto ng isa pang mahalagang pagkilos sa iyong website, puwedeng mag-click o makipag-ugnayan ang mga tao sa ilan sa mga ad mo. Sa karaniwan, ibinibigay ang lahat ng credit para sa conversion sa huling ad kung saan nakipag-interact ang mga customer. Pero talaga bang ang ad na iyon ang naging dahilan kung bakit sila nagpasyang piliin ang iyong negosyo?

Nagbibigay ang attribution na batay sa data ng credit para sa mga conversion batay sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa iyong iba't ibang ad at kung paano sila nagpapasyang maging mga customer mo. Gumagamit ito ng data mula sa iyong account para malaman kung aling mga keyword, ad, at campaign ang may pinakamalaking epekto sa mga layunin ng negosyo mo. Tinitingnan ng attribution na batay sa data ang mga conversion sa website, conversion na pagbisita sa tindahan, at conversion sa Google Analytics mula sa mga Search (kasama ang Shopping), YouTube, Display, at Demand Gen ad.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang attribution na batay sa data. Para matuto pa tungkol sa mga modelo ng attribution sa pangkalahatan, o para matutunan kung paano pumili ng modelo ng attribution para sa iyong mga pagkilos na conversion, basahin ang Tungkol sa mga modelo ng attribution.


Mga Pakinabang

  • Alamin kung aling mga keyword, ad, ad group, at campaign ang may pinakamalaking papel sa pagtulong sa iyong abutin ang mga layunin mo sa negosyo.
  • I-optimize ang iyong pag-bid batay sa data ng performance ng partikular mong account.
  • Piliin ang tamang modelo ng attribution para sa iyong negosyo nang hindi kailangang manghula.

Paano ito gumagana

Naiiba ang attribution na batay sa data kaysa sa iba pang modelo ng attribution dahil ginagamit nito ang iyong data ng conversion para kalkulahin ang aktwal na kontribusyon ng bawat keyword sa buong conversion path. Partikular sa bawat advertiser ang bawat modelo na batay sa data.

Tinitingnan ng attribution na batay sa data ang lahat ng interaction—kasama ang mga pag-click at engagement sa video—sa iyong ad sa Search (kasama ang Shopping), YouTube, Display, at Demand Gen ad sa Google Ads. Sa pamamagitan ng paghahambing ng mga path ng mga customer na nagko-convert sa mga path ng mga customer na hindi nagko-convert, tumutukoy ang modelo ng mga pattern sa mga interaction sa ad na humahantong sa mga conversion. Posibleng may ilang partikular na hakbang sa proseso na may mas malaking posibilidad na himukin ang isang customer para kumumpleto ng conversion. Pagkatapos, magbibigay ang modelo ng mas maraming credit sa mahahalagang ad interaction na iyon sa path ng customer.

Ibig sabihin nito, kapag nagsusuri ka ng data ng conversion, makikita mo kung aling mga ad ang may pinakamalaking epekto sa iyong mga layunin sa negosyo. At kung gumagamit ka ng naka-automate na diskarte sa pag-bid para makahimok ng mas maraming conversion, gagamitin ng pag-bid mo ang mahalagang impormasyong ito para makatulong sa iyong makakuha ng mas maraming conversion.

Halimbawa

Nagmamay-ari ka ng isang tour company sa Metro Manila, at gumagamit ka ng pagsubaybay sa conversion para subaybayan kung kailan bumibili ng mga ticket ang mga customer sa iyong website. Halimbawa, may isa kang pagkilos na conversion para subaybayan ang mga pagbili para sa isang bike tour sa Manila. Kadalasan, nagki-click muna ang mga customer sa ilan sa iyong mga ad bago sila magpasyang bumili ng ticket.

Malalaman ng iyong modelo ng attribution na "Batay sa data" na ang mga customer mong nagki-click muna sa iyong ad na "Bike tour sa Metro Manila" at pagkatapos ay nagki-click sa "Bike tour sa Baywalk, Manila" ay mas malamang na bumili ng ticket kaysa sa mga user na sa "Bike tour sa Baywalk, Manila" lang nagki-click. Kaya ipapamahagi ulit ng modelo ang credit para sa ad na "Bike tour Metro Manila" at sa mga keyword, ad group at campaign na nauugnay dito.

Ngayon, kapag tiningnan mo ang iyong mga ulat, magkakaroon ka ng mas kumpletong impormasyon tungkol sa kung aling mga ad ang pinakamahalaga sa negosyo mo.

Depende sa availability ng data, posibleng maging pareho ang mga resulta ng mga modelo ng attribution na huling pag-click at batay sa data sa ilang partikular na sitwasyon.

Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang attribution na batay sa data, i-download ang Data-driven attribution methodologyPDF (na available lang sa English).


Mga kinakailangan sa data

Kwalipikado ang karamihang pagkilos na conversion para sa attribution na batay sa data, gaano man karami ang conversion o interaction. Ang mga kwalipikadong pagkilos na conversion lang ang puwedeng i-upgrade sa attribution na batay sa data.

Kailangan ng ilang uri ng pagkilos na conversion ng kahit man lang 300 conversion at 3,000 interaction sa ad sa mga sinusuportahang network sa loob ng 30 araw para maging kwalipikado. Kapag gumagamit ka ng attribution na batay sa data para sa mga ganitong uri ng pagkilos na conversion, hindi mo patuloy na magagamit ang modelong ito kapag bumaba ang iyong data sa 2,000 ad interaction sa mga sinusuportahang network o mas mababa sa 200 conversion para sa pagkilos na conversion sa loob ng 30 araw. Makakatanggap ka ng alerto kapag bumaba sa antas na ito ang iyong data. Pagkalipas ng 30 araw na tuloy-tuloy na mababang data, ililipat sa modelo ng attribution na "Huling pag-click" ang pagkilos na conversion mo. Kung hindi inaasahan ang pagbaba sa data, puwede mong suriin ang iyong tag ng pagsubaybay sa conversion, ang status sa page mong “Mga pagkilos na conversion,” ang mga setting ng iyong pagkilos na conversion, at iba pang setting ng account para matiyak na gumagana nang tama ang lahat.

Kung hindi available ang attribution na batay sa data para sa isang partikular na pagkilos na conversion, pumili ng isa sa iba pang modelo ng attribution.


Paano mag-set up ng attribution na batay sa data para sa iyong mga conversion

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Ang attribution na batay sa data ay ang default na modelo ng attribution para sa karamihan ng mga pagkilos na conversion. Sundin ang mga tagubilin sa ibaba para i-update ang modelo ng attribution ng isang kasalukuyang pagkilos na conversion at gawin itong "Batay sa data":

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Layunin Goals Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Conversion sa menu ng seksyon, pagkatapos ay i-click ang Buod.
  3. Sa talahanayan, i-click ang pagkilos na conversion na gusto mong i-edit, pagkatapos ay i-click ang I-edit ang mga setting.
  4. Piliin ang Batay sa data mula sa drop-down na menu na "Modelo ng attribution."
  5. I-click ang I-save, pagkatapos ay i-click ang Tapos na.
Tip: Puwede mo ring i-update ang iyong modelo ng attribution mula sa ulat sa attribution na "Pangkalahatang-ideya," na nasa Mga Tool > Attribution. I-click ang banner na "Mag-upgrade sa attribution na batay sa data" sa itaas ng page, at sundin ang mga tagubilin. Matuto pa tungkol sa pinakamahuhusay na kagawian kapag lumilipat sa attribution na batay sa data.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13905801052942933137
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false