Gumawa ng iskedyul ng ad

Nagbibigay-daan sa iyo ang isang iskedyul ng ad na magpakita ng mga ad o magbago ng mga bid sa loob ng mga partikular na panahon. Puwede kang gumawa ng maximum na 6 na iskedyul ng ad bawat araw para sa bawat campaign sa iyong account.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano gumawa ng iskedyul para sa isang ad.

Mga Tagubilin

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang +Magpakita pa, at pagkatapos ay i-click ang Iskedyul ng ad.
  3. I-click ang icon na lapis I-edit, pagkatapos ay pumili ng campaign kung para saan ka gagawa ng iskedyul ng ad.
  4. Pumili ng mga partikular na araw at oras.
  5. I-click ang I-save. Makikita mo ang iyong mga pagbabago sa page na "Iskedyul ng ad."

Tandaan

  • Itinatakda ang mga iskedyul ng ad batay sa time zone ng iyong account, kaya dapat mong isaayos ang iskedyul ng ad mo para isaalang-alang ang anumang pagkakaiba sa time zone ng iyong mga target na customer. Matuto pa tungkol sa iyong time zone
  • Para mag-iskedyul ng ad na gagana mula sa pagtatapos ng isang araw hanggang sa isang bahagi ng susunod na araw, kakailanganin mong gumawa ng iskedyul ng ad para sa bawat araw. Halimbawa, para magpagana ng ad mula Lunes 11:00 p.m. hanggang Martes 7:00 a.m.:
    • Kung gumagamit ka ng 12 oras na orasan, dapat 11:00 p.m. hanggang 12:00 a.m. ang iskedyul ng iyong ad para sa Lunes, habang 12:00 a.m. hanggang 7:00 a.m. naman dapat gumana ang iskedyul ng ad mo para sa Martes.
    • Kung gumagamit ka ng 24 na oras na orasan, dapat 23:00 hanggang 00:00 ang iskedyul ng iyong ad para sa Lunes, habang 00:00 hanggang 7:00 naman dapat gumana ang iskedyul ng ad mo para sa Martes.

Paano suriin ang iyong iskedyul ng ad

Kapag gumawa ka ng iskedyul ng ad, magiging kwalipikado lang na lumabas ang iyong mga ad sa mga oras na tinukoy mo. Hindi magpapakita ang iyong ad sa mga petsa at oras na hindi nakalista sa iskedyul ng ad mo. Tiyaking kasama sa iyong iskedyul ng ad ang lahat ng araw at oras na gusto mong maging kwalipikadong ipakita ang iyong ad Narito kung paano suriin ang iyong iskedyul ng ad:

  1. Sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang +Magpakita pa, at pagkatapos ay i-click ang Iskedyul ng ad.
  2. Sa talahanayan, pumili ng campaign para makita ang iskedyul ng ad, performance, at mga gastos nito sa panahon ng mga nakaiskedyul na time slot nito.
  3. Makakakita ka ng chart na nagpapakita sa mga oras na ipinakita ang mga ad ng iyong campaign. Bilang default, ipapakita ng chart ang bilang ng mga pag-click na natanggap ng iyong mga ad.
    • Para makita ang mga impression, CTR, average na CPC, o gastos ng iyong campaign, piliin ang sukatan na gusto mong makita mula sa drop-down ng "Mga Pag-click" sa kanang sulok sa itaas.
  4. Pumili ng subtab para suriin ang iyong iskedyul ng ad at performance ayon sa "Araw at Oras," "Araw," o "Oras."

Paano i-edit ang iyong iskedyul ng ad

  1. Sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang +Magpakita pa, at pagkatapos ay i-click ang Iskedyul ng ad.
  2. Sa talahanayan, pumili ng campaign.
  3. Para i-edit ang iyong iskedyul ng ad, i-click ang icon na lapis I-edit.
    • Para alisin ang isang yugto ng panahon, mag-hover sa yugto ng panahong iyon at i-click ang “x.”
    • Para isaayos ang mga petsa at oras, i-click ang mga petsa o oras na gusto mong baguhin at pumili ng mga bago.
    • Para magdagdag ng bagong petsa at oras sa iyong iskedyul ng ad, i-click ang Magdagdag.
  4. I-click ang I-save.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7098011771701482279
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false