Paano mag-upgrade ng mga URL na may mga cross-domain na pag-redirect

Matuto tungkol sa mga final URL at template ng pagsubaybay

Ano ang aking final URL?

Ang iyong final URL ay ang page sa website mo na naaabot ng mga tao kapag nag-click sila sa iyong ad. Hindi ito kailangang maging kapareho ng iyong display URL, pero dapat magtugma ang mga domain (hal. ang “example.com” sa “www.example.com”).

Gamit ang Mga Na-upgrade na URL, na gumagamit ng mga template ng pagsubaybay, ang URL ng landing page ay ihinihiwalay sa bahagi ng pagsubaybay ng URL. Kaya hindi mo na kailangang maglagay ng anumang impormasyon sa pagsubaybay sa iyong final URL.

Ano ang template ng pagsubaybay?

Ang template ng pagsubaybay ay isang lugar kung saan mo inilalagay ang impormasyon ng pagsubaybay sa URL. Halimbawa, baka gusto mong subaybayan ang mga pag-click mula sa isang partikular na campaign o ad group.

Gumagamit ng mga parameter ng URL ang mga template ng pagsubaybay para i-customize ang iyong tracking URL o ang final URL.

Ano ang hitsura ng aking impormasyon sa pagsubaybay?

Kung may mga cross-domain na pag-redirect sa iyong mga URL, kapag may nag-click sa ad mo, daraan siya sa isang website na may ibang domain bago o pagkatapos maabot ang iyong landing page. Puwede ka ring gumamit ng mga parameter (mga bagay tulad ng “source=google” at “ad={creative}”) sa mga ito. Itinatala ng mga parameter na iyon sa URL ang ilang partikular na detalye tungkol sa ad kapag may nag-click nito.

Gamit ang Mga Na-upgrade na URL, ang impormasyon sa pagsubaybay na ito ay ililipat mula sa destination URL patungo sa bagong field na tinatawag na “Template ng pagsubaybay.”

Halimbawa

Ipagpalagay na ang URL ng iyong landing page ay "http://www.examplebusiness.com/buy."

Pero gusto mong subaybayan ang trapiko papunta sa URL ng landing page mula sa campaign A. Sa iyong template ng pagsubaybay, puwede mong isulat ang:

{lpurl}?source_campaign={_campaignA}

Matuto pa tungkol sa mga parameter ng URL

Anong URL ang makikita ng mga customer?

Kung may mag-click sa isang ad habang nakalagay ang template ng pagsubaybay at naka-on ang parallel tracking, mapupunta siya sa final URL habang nilo-load sa background ang URL ng template ng pagsubaybay.

Kung may mag-click sa isang ad habang nakalagay ang template ng pagsubaybay at naka-off ang parallel tracking, mapupunta siya sa URL ng template ng pagsubaybay. Puwedeng mag-redirect ang URL na iyon sa mga intermediate na server sa pagsubaybay bago mag-redirect sa final URL.

Kung may mag-click sa isang ad habang hindi nakalagay ang template ng pagsubaybay, mapupunta siya sa final URL.

HTTPS dapat ang URL ng template ng pagsubaybay at lahat ng URL sa pag-redirect para gumana. Kailangan ding nasa server-side ang mga pag-redirect. Bagama't walang kontrol ang Google sa mga susunod na pag-redirect, palaging gagamitin ng Google Ads ang HTTPS para sa unang tawag ng pagsubaybay kung hindi ito nailagay nang ganoon.

Kinakailangan ang parallel tracking para sa mga Search, Shopping, Display, at Video campaign. Para sa mga Hotel campaign, opsyonal ang parallel tracking.

Alerto: Pakitiyak na Google Ads Editor 12.4 o mas bago ang ginagamit mo. Kapag gumamit ka ng mas lumang bersyon, puwedeng ma-delete ang ilan sa iyong mga dating pagbabago sa URL at parallel tracking. Tingnan kung aling bersyon ng Google Ads Editor ang ginagamit mo

Ano ang cross-domain na pag-redirect?

Kung mayroon kang set up na cross-domain na pag-redirect, nangangahulugan iyong kapag may taong nag-click sa iyong ad, dadaan siya sa isang website na may ibang domain (halimbawa, ang “example.com” sa “www.example.com”) bago o pagkatapos maabot ang iyong landing page.

Maaaring i-set up ang mga pag-redirect sa isang destination URL o sa sarili mong website. Nasa ibaba ang ilang halimbawa. Itinuturing na mga “cross-domain” na pag-redirect ang mga ito dahil bibisita ang isang tao sa magkaibang mga domain sa pagitan ng pagki-click ng ad at pagbisita sa isang landing page.

Halimbawa 1

Display URL: example.com
URL ng landing page: https://example-redirect.com?url=https://example.com/somepage

Ang nangyayari: Kapag may nag-click sa ad na ito, ididirekta muna siya sa https://example-redirect.com/ bago mapunta sa https://example.com/somepage.

Halimbawa 2

Display URL: example.com
URL ng landing page: https://example-redirect.com/12345678

Ang nangyayari: Kapag may nag-click sa ad na ito, ididirekta muna siya sa https://example-redirect.com/12345678 bago mapunta sa https://example.com/somepage. Naka-store ang landing page sa https://example-redirect.com/12345678.

Halimbawa 3

Display URL: example.co.uk
URL ng landing page: https://example.com

Ang nangyayari: Kapag may nag-click sa ad na ito, ididirekta muna siya sa https://example.com bago mapunta sa https://example.co.uk/somepage. Awtomatikong ire-redirect ng server sa example.com ang mga bisita batay sa bansa kung nasaan siya.

Halimbawa 4

Display URL: example.com
URL ng landing page: https://www.example.com/yourpage

Ang nangyayari: Kapag may nag-click sa iyong ad, ididirekta muna siya sa https://www.example.com/yourpage, pagkatapos ay ididirekta sa https://example-redirect.com bago mapunta sa https://www.example.com/yourotherpage. Iti-trigger ng code sa iyong website ang mga pag-redirect na ito.

Isinasaad ng aming mga patakaran sa pag-advertise na kapareho dapat ng domain ng landing page ng ad ang domain ng display URL. Sa Mga Na-upgrade na URL, hindi pinapayagan ang mga cross-domain na pag-redirect sa field na “Final URL,” at dapat i-set up ang mga ito sa field na “Template ng pagsubaybay.”

Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Mag-sign in para sa mga opsyon sa karagdagang suporta para mabilis na malutas ang iyong isyu

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
73067
false