Tungkol sa pagsubaybay sa conversion sa mobile app

Kung ginagamit mo ang Google Ads para mag-promote ng mga Android o iOS mobile app, puwede mong gamitin ang pagsubaybay sa conversion para matulungan kang malaman kung gaano kahusay na humahantong sa mga pag-install ng app at in-app na aktibidad ang iyong mga ad. Ipinapaliwanag sa artikulong ito ang iba't ibang uri ng conversion sa mobile at kung paano subaybayan ang mga ito.

Tandaan: May mga bagong hakbang sa privacy para sa mga user ng iOS 14. Puwede nitong maapektuhan ang iyong pagsubaybay sa conversion sa Google Ads. Inirerekomenda naming gumamit ka ng SDK ng Google Analytics para sa Firebase. Awtomatikong nag-i-integrate ang Firebase SDK sa SKAdnetwork, ang framework ng Apple para sa pagsukat ng campaign sa iOS na sumusunod sa mga bagong hakbang sa privacy na ito. Antabayanan ang mga update sa iOS para matuto pa at para malaman ang anumang hakbang na puwede mong gawin.

Mga uri ng mga conversion sa mobile app na puwede mong subaybayan

Puwede mong subaybayan ang mga sumusunod na conversion para sa iyong mga Android at iOS app:

  • Mga pag-install ng app, tulad ng unang pagbukas: Puwedeng sukatin ng pagsubaybay sa conversion kung gaano kaepektibong dinidirekta ng iyong mga ad ang mga tao para i-install ang mga mobile app mo. Bukod sa pagtingin sa kung gaano karaming tao ang nakakakita sa iyong mga ad at gumagawa ng pagkilos sa pamamagitan ng pag-install ng app mo, puwede mo ring subaybayan ang dami ng mga taong nagbukas ng iyong app pagkatapos mag-install bilang tugon sa mga ad mo. Kinukuha ito bilang default gamit ang Firebase o karamihan ng mga third-party na provider ng analytics ng app.
  • Mga in-app na pagkilos, gaya ng mga pagbili: Kung ginagamit mo ang Google Ads para humimok ng mga pagbili o iba pang mahahalagang pagkilos sa iyong app, gumamit ng pagsubaybay sa conversion para masukat kung gaano kahusay ang mga campaign mo. Puwede kang sumubaybay ng mga custom na in-app na pagkilos gamit ang Firebase o anumang third-party na provider ng analytics ng app sa pamamagitan ng pagdaragdag ng nauugnay na code sa iyong app.

Para sa mga Android app, may ilang conversion na puwede mong awtomatikong subaybayan mula sa Google Play nang hindi nagdaragdag ng tracking code sa iyong app:

  • Mga Pag-download: Awtomatikong subaybayan kapag na-download ng isang taong nag-click sa iyong ad ang app mo mula sa Google Play store.
  • Mga in-app na pagbili: Awtomatikong subaybayan kapag nagsagawa ng in-app na pagbili ang isang taong nag-click sa iyong ad para sa mga app na gumagamit ng in-app na pagsingil ng Google Play.
  • Mga Pre-registration: Awtomatikong subaybayan kapag nag-preregister ang isang taong nag-click sa iyong ad para sa app o game mo mula sa Google Play store.

Pag-uulat para sa mga App campaign sa iOS at Android

Para makapag-alok ng mas kumpletong ulat ng mga conversion sa iOS at Android app campaign, posible kaming gumamit ng data na ligtas ang privacy mula sa mga modelong nakabatay sa mga user na nag-sign in dati sa mga serbisyo ng Google. Hinuhulaan ng mga modelong ito ang mga conversion sa iOS at Android app na hindi namin direktang naoobserbahan. Nagbibigay-daan ito sa aming magbigay ng kumpletong pag-uulat sa gawi ng iOS at Android app campaign na nagsasama-sama sa mga naobserbahan at nakamodelong conversion.

Tandaan: Magiging available lang sa Google Ads ang kumpletong pag-uulat para sa mga ad ng app na inihahatid sa mga iOS at Android user.

Mga Tagubilin

Paano mag-set up ng pagsubaybay sa conversion sa mobile app

Puwede kang sumubaybay ng mga event ng conversion sa mobile app tulad ng mga unang pagbukas at in-app na pagkilos sa pamamagitan ng pag-import ng mga event mula sa Firebase, mga third-party na provider ng analytics ng app, at Google Play.

Tandaan: Kung gumagamit ka ng mga hotel campaign, alamin kung paano magsama ng mga hotel parameter.

Paano tingnan ang mga conversion

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

"Lahat ng conversion" at "mga view-through na conversion"

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign o Mga ad group.
  4. I-click ang icon ng “Mga Column” Isang larawan ng icon na mga column ng Google Ads sa kanang bahagi sa itaas ng listahan ng mga campaign.
  5. I-click ang Baguhin ang mga column.
  6. I-click ang pababang arrow para sa “Mga Conversion” para makita ang lahat ng opsyon sa sukatan mula sa mga conversion.
  7. Lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng “View-through na conv.” at “Lahat ng conv. (ayon sa oras ng conv.)”
  8. I-click ang Ilapat.
  9. Ngayon, kapag tiningnan mo ang mga campaign o ad group, makikita mo ang lahat ng conversion at view-through na conversion bilang mga column ng mga sukatan.

Para sa mga piling account: "Mga engaged-view na conversion," "mga pag-click," at "mga engagement"(gamitin ang mga ito para sukatin ang mga conversion para sa mga video ad sa iyong mga app campaign)

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign o Mga ad group.
  4. I-click ang icon ng “Mga Segment” Segment sa kanang bahagi sa itaas ng listahan ng mga campaign
  5. Piliin ang “Mga Conversion”
  6. Mula sa menu na “Mga Conversion,” piliin ang Uri ng ad interaction.
  7. Makikita mo ang bilang ng mga conversion na resulta ng “Mga Pag-click,” “Mga nakatuong panonood,” at “Mga Engagement.”

Target na CPA na pag-bid para sa mga app

Dahil naka-optimize ang mga campaign na ito para bilangin ang mga pag-download ng app, hindi mo na kailangang maghintay para sa Target na CPA. Kapag na-set up mo na ang pagsubaybay sa conversion, magagamit mo na ang Target na CPA na pag-bid para makatulong na makakuha ng mas maraming pag-install sa iyong layunin sa cost-per-install.


Pagsubaybay sa conversion ng video ad para sa mga app

Natatangi ang pagsubaybay sa conversion para sa mga video ad. Binibilang ang Engaged-view na conversion kapag may nanood nang hindi bababa sa 10 segundo ng iyong video ad sa YouTube o Display Network. Kasama sa mga pag-uulat ng conversion para sa mga video ang mga click-through na conversion at palugit sa Engaged-view na conversion. Bibilangin lang ang mga conversion sa pag-download ng app kung nangyari ang pag-install sa loob ng 2 araw mula sa engagement. Para sa mga taong nag-click sa iyong ad, bibilangin ang mga conversion kung ii-install nila ang app mo sa loob ng 30 araw.

Mag-iiba ang pagsingil ng iyong video ad depende sa kung saan ito ipinapakita. Kung nasa YouTube ito, sisingilin ka para sa bawat impression. Kung nasa Display Network ito, sisingilin ka para sa bawat engagement.


Seguridad at privacy para sa pagsubaybay sa conversion

May mahihigpit na pamantayan sa seguridad ang Google. Nangongolekta lang ng data ang Google Ads sa mga site at app kung saan mo na-configure ang pagsubaybay.

Siguraduhing bibigyan mo ang mga user ng malinaw at komprehensibong impormasyon tungkol sa data na kinokolekta mo sa iyong mga site, app, at iba pang property. Siguraduhin ding kukuha ka ng pahintulot para sa pangongolektang iyon kapag kinakailangan ayon sa batas o anumang naaangkop na patakaran ng Google na sumasaklaw sa pahintulot ng user, kasama ang Patakaran sa Pagpapahintulot ng User sa EU ng Google.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12150412754028193009
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false