Puwede mong ilipat ang pagmamay-ari ng isang produkto ng Google sa ibang Google Account. Available ang functionality na ito para sa:
- Google Ads
- Google Analytics
- Google Merchant Center
Mga Tagubilin
Ilipat ang iyong Google Ads account
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Admin
.
- I-click ang Access at seguridad.
- I-click ang tab na Mga User.
- I-click ang plus button
.
- Ilagay ang email address ng taong magmamay-ari na ng iyong Google Ads account.
- Dapat tumugma ang email address ng taong magmamay-ari na ng iyong Google Ads account sa email address ng Google Ads account niya. Kung wala siyang Google Account, kakailanganin niyang gumawa ng account.
- Sa tabi ng "Pumili ng antas ng access sa account," i-click ang Admin.
- I-click ang Ipadala ang imbitasyon. Ang taong magmamay-ari na ng iyong Google Ads account ay makakatanggap ng email na may mga tagubilin para sa pagkumpleto ng proseso ng paglipat. Pagkatapos niyang kumpletuhin ang proseso, idaragdag siya sa page na "Mga User" sa "Access at seguridad."
- Para alisin ang iyong account, pumunta sa page na "Mga User" sa "Access at seguridad," pagkatapos ay i-click ang Alisin ang access sa tabi ng iyong email address.
Ilipat ang iyong Google Analytics account
Para ilipat ang iyong Google Analytics account sa ibang Google Account, magdagdag ng tao na may mga pahintulot na "Mag-edit" at "Mamahala ng Mga User" sa Google Analytics account mo. Pagkatapos, puwede mo nang alisin ang iyong Google Account sa Google Analytics account.
Gamitin ang mga sumusunod na hakbang para ilipat ang iyong Google Analytics account sa ibang Google Account:
- Sa iyong Google Analytics account, i-click ang icon ng Admin
.
- Sa ilalim ng “Mga setting ng account,” i-click ang Account, at pagkatapos ay i-click ang Access at pamamahala sa account.
- I-click ang asul na plus button
.
- Magdagdag ng taong may mga pahintulot na "Mag-edit" at "Mamahala ng Mga User" sa Google Analytics account mo.
- Ipa-verify sa kakadagdag lang na administrator ang pagmamay-ari sa website.
- Pagkatapos, puwede mo nang alisin sa Google Analytics account ang Google Account ng dating may-ari sa pamamagitan ng pag-click sa kahon sa tabi ng email niya at pag-click sa Alisin.
Ilipat ang iyong Google Merchant Center account
- Sa iyong Merchant Center account, i-click ang icon ng mga tool at setting
, pagkatapos ay piliin ang Mga tao at access sa ilalim ng menu na “Mga Setting.”
- I-click ang Magdagdag ng tao.
- Ilagay ang email address ng taong gusto mong imbitahin.
- I-click ang Susunod.
- Sa susunod na page, bigyan ng access ang admin ng account, at itakda ang mga preference sa email para sa taong iyon.
- I-click ang I-save.
- Sa ilalim ng “Mga Tao,” i-click ang Pamahalaan para sa may-aring gusto mong alisin.
- Sa ilalim ng “Status ng account,” i-click ang Alisin ang tao.
Sa ilang sitwasyon, baka kailangan mong makipag-ugnayan sa team ng Suporta sa User ng Google Merchant Center para sa tulong sa paglilipat ng pagmamay-ari.
