Mag-bid sa mga natitingnang impression gamit ang viewable CPM

Hindi na available ang max. CPM bilang diskarte sa pag-bid.

Kung gusto mong magbayad para lang sa mga ad impression na masusukat bilang natitingnan, magagawa mo ito sa viewable CPM (cost-per-thousand impressions). Binibilang na "natitingnan" ang isang ad kapag lumabas sa screen ang 50 porsyento ng iyong ad sa loob ng 1 segundo o mas matagal para sa mga Display ad, o tuloy-tuloy na nag-play sa loob ng 2 segundo o mas matagal para sa mga video ad. Puwede mong piliin ang viewable CPM bilang diskarte sa pag-bid kapag pinili mo ang pag-bid na CPM para sa iyong campaign na "Display Network lang."

Paano ito gumagana

Sa viewable CPM, magbi-bid ka sa 1,000 natitingnang impression at babayaran mo ang mga impression na masusukat bilang natitingnan. Nagbibigay-daan sa iyo ang viewable CPM na mag-bid sa aktwal na halaga ng ad mong lumalabas sa isang natitingnang posisyon sa isang partikular na placement. Tandaan na karaniwang mas mabisa ang paggamit ng mas mataas na vCPM na bid kaysa sa iyong CPM na bid para makuha ang mas mahahalagang uri ng mga impression na ito. Matutulungan ka nitong mapanatiling nakakasabay sa kumpetisyon ang iyong mga bid at patuloy na matugunan ang average mong pang-araw-araw na badyet. Matuto pa tungkol sa viewable CPM.

Mga Benepisyo

  • Magbayad lang para sa mga impression na masusukat bilang natitingnan.
  • Naka-optimize ang iyong mga bid para paboran ang mga ad slot na mas malamang na maging matitingnan.

Kung interesado kang manual na magtakda ng mga bid para sa mga natitingnang impression, sa halip na mga pag-click, posibleng mas matutulungan ka ng diskarte sa pag-bid na ito na abutin ang layuning ito kaysa sa iba pang uri ng diskarte sa pag-bid.

Tandaan:
  • Sa viewable CPM, magbi-bid ka sa 1,000 natitingnang impression at babayaran mo ang mga impression na masusukat bilang natitingnan.
  • Sa pangkalahatan, para mapanatili ang iyong mga gastos at trapiko sa antas na kapantay ng isang CPM na campaign, puwedeng kailangang mas mataas ang bid mo para sa iyong viewable CPM kaysa sa iyong bid para sa isang karaniwang CPM na campaign; gayunpaman, dapat kang mag-eksperimento sa isang bid na angkop sa mga layunin mo sa campaign.
  • Hindi available ang diskarte sa pag-bid na viewable CPM para sa mga campaign na Search Network lang.
  • Kung gagawa ka ng campaign gamit ang diskarte sa pag-bid na viewable CPM, at pagkatapos ay gagawa ka ng mga ad na hindi tumutugma, hindi gagana ang iyong mga ad.
  • Baka singilin ang isang maliit na bahagi ng mga inihahatid na impression.

Paano subaybayan ang iyong mga natitingnang impression

Ipinapakita ang bilang ng mga natitingnang impression sa iyong pag-uulat sa campaign. Para makita ang mga impression at natitingnang impression para sa iyong campaign ng viewable CPM, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign o i-click ang Mga Ad.
  4. Mula sa bar ng Mga View sa itaas, piliin ang Mga Display campaign o Mga video campaign, depende kung ano ang gusto mong tingnan.
  5. I-click ang drop-down na menu na Mga Column Isang larawan ng icon na mga column ng Google Ads sa itaas ng talahanayan ng mga istatistika, at pagkatapos ay piliin ang Baguhin ang mga column.
  6. I-click ang drop-down na menu na Viewability.
  7. Para magdagdag ng mga partikular na column, lagyan ng check ang kahon sa kaliwa ng bawat column na gusto mong makita sa iyong ulat.
  8. Maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng bawat opsyon sa column na “Viewability”:
    • Natitingnang impr.: Ang bilang ng mga natitingnang impression
    • Avg. na viewable CPM: Ang average na gastusin para sa 1,000 natitingnang impression
    • Nasusukat na rate: Nagpapakita ng porsyento ng iyong kabuuang mga impression na nasukat.
    • Rate ng natitingnan: Nagpapakita ng porsyento ng iyong mga nasusukat na impression na natitingnan, na tumatantya kung ilang impression ang talagang nakita ng mga customer.
    • Pamamahagi ng hindi nasusukat na impr.: Nagpapakita ng porsyento ng iyong kabuuang mga impression na lumabas sa mga lokasyon kung saan hindi nasusukat ang viewability.
    • Pamamahagi ng hindi natitingnang impr.: Nagpapakita ng porsyento ng lahat ng iyong ad impression na itinuring na hindi natitingnan.
    • Pamamahagi ng natitingnang impr.: Nagpapakita ng porsyento ng lahat ng iyong ad impression na itinuring na natitingnan.
    • Nasusukat na gastusin: Nagpapakita ng kabuuang gastusin ng mga nasukat na impression.
    • Nasusukat na impr.: Nagpapakita ng bilang ng mga nasukat na impression; hindi nasusukat ang lahat ng naihahatid na impression.
    • Hindi nasusukat na impr.: Nagpapakita ng dami ng beses na lumabas ang iyong ad sa mga lokasyon kung saan hindi nasusukat ang viewability.
    • Hindi natitingnang impr.: Nagpapakita ng dami ng beses na itinuring na hindi natitingnan ang iyong ad.

Tip

Ipinapakita ang iyong mga default na bid sa ad group sa talahanayan ng mga istatistika sa tabi ng label na "(natitingnan)." Makakatulong ito sa iyo na matukoy nang mas mabilis ang mga viewable CPM na bid mo sa iyong talahanayan ng mga istatistika.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16241272486718789352
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false