Gumamit ng mga insight sa auction para ihambing ang performance

Nagbibigay-daan sa iyo ang ulat sa mga insight sa auction na ihambing ang performance mo sa iba pang advertiser na lumalahok sa parehong mga auction na nilalahukan mo. Makakatulong sa iyo ang impormasyong ito na makagawa ng mga madiskarteng pasya tungkol sa pag-bid at pagbabadyet sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo kung saan ka nagtatagumpay at kung saan posibleng may mga napapalampas kang pagkakataon para sa mas mahusay na performance. Available ang ulat sa mga insight sa auction para sa mga Search, Shopping, at Performance Max campaign.

Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang mga istatistikang available sa ulat sa mga insight sa auction, kung paano hanapin ang ulat, at kung paano magtakda ng filter para hanapin ang mga keyword, ad group, at campaign na may available na mga ulat sa mga insight sa auction.

Tandaan: Hindi tinutukoy ang mga partner sa paghahanap ayon sa “pinakaitaas” vs. “iba pa” at hindi isasama ang mga ito sa data ng mga insight sa auction.

Mga istatistika ng mga insight sa auction

Ulat sa mga insight sa auction para sa mga Search campaign

Ang ulat sa mga insight sa auction para sa mga Search campaign ay nagbibigay ng 6 na iba't ibang istatistika: bahagi ng impression, rate ng overlap, bahagi sa outranking, rate ng mas mataas na posisyon, rate sa itaas ng page, at rate sa pinakataas ng page. Puwede kang gumawa ng ulat para sa isa o higit pang keyword, ad group, o campaign (hangga't natutugunan ng mga ito ang isang minimum na limitasyon ng aktibidad para sa napiling yugto ng panahon) at i-segment ang mga resulta ayon sa oras at device.

Ulat sa mga insight sa auction para sa mga Shopping campaign

Ang ulat sa mga insight sa auction para sa mga Shopping campaign ay nagbibigay ng 3 iba't ibang istatistika: bahagi ng impression, rate ng overlap, at bahagi ng outranking. Puwede kang gumawa ng ulat para sa isa o higit pang ad group o campaign (hangga't natutugunan ng mga ito ang isang minimum na limitasyon ng aktibidad para sa napiling yugto ng panahon) at i-segment ang mga resulta ayon sa oras at device. Available ang data ng Mga insight sa auction para sa mga Shopping campaign mula Oktubre 2014 hanggang sa kasalukuyan.
Sa Search Network lang nagmumula ang mga sukatan sa insight sa auction para sa Shopping.

Ulat sa mga insight sa auction para sa mga Performance Max campaign

Ang ulat sa mga insight sa auction para sa mga Performance Max campaign ay nagbibigay ng data ng mga insight sa auction sa mga Search at Shopping ad na inihatid sa Search Network pagkatapos ng Nobyembre 2021. Kasama sa ulat ang mga insight sa auction na naka-segment ayon sa mga Search at Shopping ad, at available ito sa level ng account at campaign.
Tandaan: Magiging available din ang data ng mga insight sa auction ng Performance Max campaign sa Editor ng Ulat.

Mga paglalarawan ng mga istatistika ng mga insight sa auction

Bahagi ng impression

Ang bahagi ng impression ay ang bilang ng mga impression na natanggap mo na hinati sa tinantyang bilang ng mga impression na kwalipikado mong tanggapin. Ang pagiging kwalipikado ay batay sa mga setting ng pag-target, status ng pag-apruba, at Marka ng Kalidad ng mga kasalukuyan mong ad. Sa ulat sa mga insight sa auction, malalaman mo rin sa bahagi ng impression ang bahagi ng impression ng iba pang advertiser bilang isang proportion ng mga auction kung saan pareho kayong kwalipikadong magpakita.

Mga Tala:

  • Para sa mga Shopping campaign:
    • Hindi gumagamit ng Marka ng Kalidad ang mga Shopping campaign. Gayunpaman, isinasaalang-alang ang pangkalahatang kalidad at kaugnayan ng iyong mga alok na mga Shopping ad sa pagiging kwalipikado ng mga iyon. Matuto pa tungkol sa bahagi ng impression
    • Kung minsan, posibleng magkaroon ng kaunting pagkakaiba sa bahagi ng impression sa antas ng campaign at pangkat ng produkto, at sa bahagi ng impression mula sa mga ulat sa mga insight sa auction. Malamang na ang bahagyang pagkakaiba ay dahil fini-filter out ng mga insight sa auction ang mga auction na may napakababang impression, na hindi ginagawa sa antas ng campaign (ginagawa ito para mabawasan ang latency sa mga insight sa auction).
    • Magpapakita lang ang tab na Mga “Pangkat ng Produkto” ng bahagi ng impression para sa mga pangkat ng produktong may volume na sapat sa kinakailangan para sa pag-uulat sa bahagi ng impression, pagkatapos ay pagsasama-samahin ang mga impression sa antas na iyon. Kaya, posibleng maging iba ito sa antas ng campaign kung maraming pangkat ng produkto na mababa ang volume.
    • Asahan mong malapit na tutugma ang mga insight sa campaign at auction, at gamitin ang tab na “Mga Pangkat ng Produkto” para sa mga mas granular na view.
    • Ang bahagi ng impression na ipinapakita para sa isang kakumpitensya sa ulat sa mga insight sa auction ay posibleng iba sa bahagi ng impression na makikita ng kakumpitensya sa sarili niyang ulat. Puwede lang mag-overlap sa isang porsyento ng iyong mga kwalipikadong impression ang mga kwalipikadong impression ng mga kakumpitensyang advertiser. Halimbawa, kahit na 100% ang ipinapakita sa column na "Bahagi ng impression" sa iyong ulat, posibleng may 50% bahagi ng impression ang kakumpitensya mong advertiser sa kanyang mga kwalipikadong auction.
    • Hindi nagpapakita ng mga insight ang ulat sa mga insight sa auction kapag wala pang 10% ang bahagi ng impression.
  • Para sa mga Performance Max campaign:
    • Ang Mga ad impression ng Performance Max (at ang napapailalim na data ng mga insight sa auction) sa buong Search network ay ise-segment ayon sa mga opsyong “Search” at “Shopping.”

Rate ng overlap

Ang rate ng overlap ay kung gaano kadalas nakatanggap ng impression ang ad ng isa pang advertiser kapag nakatanggap din ng impression ang iyong ad.

Halimbawa, kung “60%” ang nakalagay sa column na “Rate ng overlap” ng isa sa iba pang advertiser sa iyong ulat sa mga insight sa auction, ibig sabihin, sa 6 sa bawat 10 beses na lumabas ang ad mo, may lumabas ding ad mula sa advertiser na ito.

Bahagi sa outranking

Ipinapaalam sa iyo ng bahagi sa outranking kung gaano kadalas na-rank ang iyong ad nang mas mataas kaysa sa ad ng isa pang advertiser sa auction, o kung ipinakita ang ad mo habang ang sa kanya naman ay hindi.

Halimbawa, kung nagpapakita ng “20%” sa column na “Rate ng overlap” ang isa sa iba pang advertiser sa iyong ulat sa mga insight sa auction, ibig sabihin, nanalo ang iyong ad laban sa ad ng isa pang advertiser nang 2 beses kada 10 beses na ipinakita ang inyong ad nang magkasama, o nang 20% ng mga auction na magkasama ninyong sinalihan.

Rate ng mas mataas na posisyon (mga Search campaign lang)

Ang rate ng mas mataas na posisyon ay kung gaano kadalas lumabas ang ad ng iba pang advertiser sa mas mataas na posisyon kaysa sa iyo, noong parehong lumabas ang inyong mga ad sa parehong pagkakataon.

Halimbawa, kung nagpapakita ng “5%” sa column ng “Rate ng mas mataas na posisyon” ang isa sa iba pang advertiser sa iyong ulat sa mga insight sa auction, ibig sabihin, lumabas ang ad ng iba pang advertiser sa isang posisyong mas mataas sa iyo nang 5 sa bawat 100 beses na lumabas ang inyong mga ad sa parehong pagkakataon.

Rate sa itaas ng page (mga Search campaign lang)

Ipinapaalam sa iyo ng Rate sa itaas ng page kung gaano kadalas lumabas ang iyong ad (o ang ad ng isa pang advertiser, depende sa kung aling row ang iyong tinitingnan) sa itaas ng page, sa itaas ng mga hindi bayad na resulta ng paghahanap.
Halimbawa, kung mayroon kang 100 impression kung saan 20 impression ang lumabas sa alinmang posisyon sa itaas ng mga organic na resulta ng paghahanap, magiging 20% ang rate sa itaas ng page.

Rate sa pinakataas ng page (mga Search campaign lang)

Ipinapaalam sa iyo ng rate sa pinakataas ng page kung gaano kadalas ipinakita ang ad mo (o ang ad ng isa pang advertiser, depende kung aling row ang iyong tinitingnan) sa pinakataas ng page bilang pinakaunang ad sa itaas ng mga organic na resulta ng paghahanap.

Halimbawa, kung sa 100 impression, may 10 impression ang isang ad kung saan lumabas ito bilang unang ad sa itaas ng mga organic na resulta ng paghahanap, magiging 10% ang rate sa pinakataas ng page.

Hanapin ang ulat sa mga insight sa auction

Available ang data ng mga insight sa auction para sa mga Search, Shopping, at Performance Max campaign na nakakatugon sa minimum na threshold ng aktibidad. Para sa mga Search campaign, puwede kang gumawa ng ulat para sa mga keyword, ad group, at campaign. Para sa mga Shopping campaign, puwede kang gumawa ng ulat para sa mga ad group at campaign. Para sa Performance Max, puwede kang gumawa ng ulat para sa mga campaign.

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.
  1. Sa iyong Google Ads account, pumunta sa page na Mga Campaign, Mga ad group, o Mga keyword sa paghahanap batay sa kung anong impormasyon ang gusto mong tingnan sa ulat.
  2. Pumili ng partikular na campaign, ad group, o keyword sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa kahon sa tabi ng bawat item.
    Tandaan: Puwede ka lang pumili ng mga keyword sa iisang page sa isang pagkakataon (maliban na lang kung magpapatakbo ka ng ulat para sa “Lahat”).
  3. I-click ang Mga insight sa auction.
  4. Dadalhin ka na ngayon sa iyong ulat sa mga insight sa auction.
    • Kung pumili ka ng mga campaign o ad group sa Search lang o sa Shopping lang, makikita mo ang katumbas na ulat sa mga insight sa auction.
    • Kung pumili ka ng kumbinasyon ng mga Search, Shopping, o Performance Max campaign, kakailanganin mong piliin ang “Mga Search campaign” o “Mga Shopping campaign” sa dropdown na menu. Ang mga ad impression ng Performance Max (at ang napapailalim na data ng mga insight sa auction) para sa bawat isa sa mga channel ay ise-segment ayon sa mga opsyong “Search” o “Shopping.”
Tandaan: Ang mga keyword at ad group lang na nakakatugon sa minimum na threshold ng aktibidad ang magkakaroon ng ulat sa mga insight sa auction.

I-filter ang iyong mga insight sa auction

Para matulungan kang maghanap ng mga keyword, ad group, at campaign na may available na mga ulat sa mga insight sa auction, puwede kang gumawa ng filter. Nagbibigay-daan sa iyo ang filter ng mga insight sa auction na makita sa isang sulyap kung alin sa mga keyword, ad group, o campaign mo ang may mga ulat sa mga insight sa auction na available na tingnan.

  1. I-click ang icon na filter Filter sa itaas ng iyong talahanayan ng mga istatistika.
  2. Pumili ng isa sa mga filter na lalabas para makakita ng listahan ng mga kundisyon para sa mga bagong filter.
  3. Ilagay ang kundisyon, pagkatapos ay i-click ang Ilapat. Awtomatikong nag-a-update ang talahanayan para ipakita sa iyo ang mga keyword o ad group mo na may mga available na ulat sa mga insight sa auction.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7242866281332123415
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false