Isang tinantyang halaga para sa iyong average na pang-araw-araw na badyet na malamang na magbigay-daan para lumabas ang mga ad mo nang mas madalas para sa iyong kasalukuyang set ng mga keyword.
- Ang iyong inirerekomendang average na pang-araw-araw na badyet ay ang tinantyang pinakamababang halaga ng badyet kung saan hindi ka mawawalan ng anumang impression dahil sa mga limitasyon sa badyet. Halimbawa, magiging zero ang iyong kamakailang nawalang bahagi ng impression (impression share o IS) dahil sa badyet. Sa ilang sitwasyon kung saan masyadong mataas ang halaga ng badyet na ito, puwede kaming magrekomenda ng mas konserbatibong badyet para maiwasan ang biglaang pagtaas sa paggastos.
- Kung pipili ka ng average na pang-araw-araw na badyet na mas mababa kaysa sa inirerekomendang halaga, maipapakita pa rin ang iyong mga ad, pero hindi ipapakita ang mga ito sa bawat paghahanap. Sa halip, ikakalat namin ang paghahatid ng iyong ad sa buong araw para hindi ka lumampas sa badyet mo nang mahigit sa 2 beses. Alamin kung Bakit puwedeng lumampas ang mga gastusin sa iyong average na pang-araw-araw na badyet.
- Kung nililimitahan ng badyet mo ang trapiko ng iyong campaign, makikita mo ang mga inirerekomendang halaga ng badyet.