Pumili ng halaga ng bid na epektibo para sa iyo

Kung nagsisimula ka pa lang sa Google Ads, gugustuhin mong magkaroon ng badyet at halaga ng bid na kumportable kang gamitin.

Nagbibigay sa iyo ang artikulong ito ng mga tip at pinakamahuhusay na kagawian upang tulungan ka sa pagpili sa una mong mga bid.

Bago ka magsimula

Kung ngayon ka pa lang magbi-bid sa Google Ads, basahin ang Tungkol sa mga basic sa pagbi-bid sa ad. Makakatulong kung alam mo kung ano ang mga layunin ng iyong campaign at kung aling mga network ang pinakamakakatulong sa iyo na abutin ang iyong mga layunin.

Piliin ang mga una mong bid

Bago ang lahat: walang iisang inirerekomendang halaga ng bid na perpektong gumagana para sa lahat. Ang tamang bid para sa iyo ay magdedepende sa:

  • Uri ng iyong campaign
  • Ang gastusin para sa iyong mga keyword
  • Ang tagumpay ng iyong mga keyword

Ang karamihan sa mga taong nagsisimula sa Google Ads ay gumagamit ng pagbi-bid na cost-per-click (CPC) upang bayaran ang bawat pag-click sa kanilang mga ad. Sa opsyong ito, magtatakda ka ng maximum cost-per-click na bid (max. CPC na bid), na tumutukoy sa pinakamalaking halagang handa mong bayaran para sa isang pag-click sa iyong ad.

Itakda ang iyong bid sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa kung magkano para sa iyo ang isang pag-click sa ad. Kung hindi ka sigurado sa kung magkanong bid ka magsisimula, subukang magtakda ng max. CPC na bid na Php50.

Halimbawa

Sabihin nating may-ari ka ng isang skateboard shop at kumikita ka ng Php500 sa bawat pagbili ng skateboard. Nakita mo na sa average, nagreresulta sa pagbili ang 1 sa 10 pagbisita sa iyong website. Kung magtatakda ka ng max. CPC na bid na PhP50, magpapantay ang mga nagastos sa advertising at mga nabenta.Upang kumita, dapat mas mababa sa PhP50 ang iyong gastusin upang makakuha ng isang pag-click sa iyong ad, na nangangahulugang gugustuhin mong itakda ang iyong max. CPC na bid sa mas mababa sa Php50.

Tip: I-automate ang iyong pagbi-bid

Kung bago ka pa lang sa Google Ads at gusto mong pataasin ang mga pag-click sa iyong website, maaari mong pag-isipang gamitin ang naka-automate na diskarte sa pag-bid na I-maximize ang Mga Pag-click. Awtomatikong itinatakda ng diskarteng ito ang iyong mga bid upang makatulong sa pagkuha ng pinakamaraming pag-click hangga't maaari na pasok sa iyong badyet. Matuto tungkol sa lahat ng uri ng naka-automate na diskarte sa pag-bid.

Kapag nagtakda ka ng isang max. CPC na bid sa isang bagong campaign, mailalapat ito sa mga keyword na pinili mo para sa iyong ad group. Maaari mong baguhin ang default na bid sa ad group na ito anumang oras. Kung mas nauugnay ang ilang partikular na keyword sa iyong negosyo kaysa sa iba, maaari mong piliing magtakda ng ibang mga bid para sa mga iyon upang mapataas ang pagkakataon mong palabasin ang iyong ad kapag naghanap ang mga tao gamit ang mga keyword na iyon. Tinatawag ang mga iyon na mga bid sa keyword.

Upang magsagawa ng mga pagbabago sa mga indibidwal na keyword, i-click ang halaga ng bid sa column ng “Max. CPC” para sa keyword na iyon.

Pagbi-bid sa Display Network

Tandaan na madalas na mas mababa ang mga clickthrough rate sa Display Network, dahil maaaring mas mahirap na makuha ang pansin ng isang mambabasa. Kung ipinapakita mo ang iyong ad sa Display Network, maaari kang magtakda ng isang Max. CPC na bid sa Display Network para sa mga pag-click na nangyayari lang sa Display Network. 

  • Isaalang-alang ang pagbi-bid sa mga impression: Sa halip na magbayad sa bawat pag-click, maaari kang magbayad sa kung ilang beses nakikita ang iyong ad. Magbi-bid ka sa pagbi-bid na cost-per-thousand viewable impressions (vCPM), at magbabayad ka para sa bawat 1,000 beses na masusukat bilang nakikita ang iyong ad. Kung mas interesado kang maipakita ang pangalan o logo ng iyong kumpanya sa maraming tao, isa itong mahusay na opsyon. Matuto nang higit pa tungkol sa pagbi-bid na vCPM
  • Bid sa mga placement: Tulad ng kung paano ka nagsusuri ng mga keyword, kung maganda ang performance ng iyong mga ad sa ilang partikular na placement, maaari mong pag-isipang taasan ang bid para sa mga placement na iyon.

Iba pang mga paraan sa pagpili ng bid

Maaari ka ring magtakda ng mga pagsasaayos ng bid upang taasan o babaan ang iyong mga bid batay sa kung may naghahanap ba mula sa isang mobile device, sa isang partikular na oras ng araw o mula sa mga partikular na lokasyon. Matuto nang higit pa Tungkol sa mga pagsasaayos ng bid.

Halimbawa

Nagpapatakbo ka ng tindahan sa Davao at nagtakda ka ng max. CPC na bid na Php50. Maaari mong gamitin ang mga pagsasaayos ng bid upang mapataas ang pagkakataon mong maipakita ang iyong ad sa mga customer sa iyong lugar. Halimbawa, maaari kang magtakda ng isang +20% na pagsasaayos para sa mga kalapit na lugar, na magreresulta sa panghuling halaga ng bid na PhP60. Ganito ang kalkulasyon:

Simulang bid: Php50
Pagsasaayos sa lokasyon: Php50 x (+20%) = Php60
Magreresultang bid para sa mga paghahanap mula sa malapit: Php60

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11741315039653445299
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false