Tungkol sa Pinahusay na CPC (ECPC)

Gaya ng inanunsyo noong Setyembre 5, 2024, ang strategy sa pag-bid na Pinahusay na CPC (Enhanced CPC o ECPC) ay hindi na magiging available para sa mga Search at Display campaign.

Ano ang mangyayari sa Oktubre 2024?

  • Hindi magiging available para sa Search o Display ang kakayahang mag-opt in sa strategy sa pag-bid na ECPC.
  • Aalisin ang opsyong ECPC para sa mga kasalukuyang campaign na lumipat mula sa ECPC.
  • Patuloy itong magagamit ng mga kasalukuyang campaign na gumagamit ng ECPC hanggang Marso 2025.

Tandaan ang mga sumusunod:

  • Habang nagta-transition sa bagong strategy sa pag-bid, mahalagang subaybayan nang mabuti ang performance at i-minimize ang mga pagbabago-bago dahil unti-unting nag-a-adjust ang pag-bid sa bago mong strategy.
  • Pamahalaan ang paggastos at performance sa pamamagitan ng pag-adjust ng mga badyet at target kung kinakailangan
  • Pagkalipas ng Marso 15, 2025, awtomatikong mama-migrate sa Manual na Cost-Per-Click (CPC) ang mga Search at Display campaign na gumagamit pa rin sa strategy sa pag-bid na ECPC.

Pag-isipan ang mga sumusunod na strategy sa pag-bid at layunin:

  • Pag-maximize ng mga conversion o Target na CPA: Kung ang layunin mo ay makakuha ng maraming conversion hangga't posible sa iyong mga limitasyon sa badyet at target na CPA (kung naaangkop). May higit pang detalye rito
  • Pag-maximize ng halaga ng conversion o Target na ROAS: Kung ang layunin mo ay i-maximize ang return on ad spend na itatakda mo na pasok sa iyong mga limitasyon sa badyet at target na ROAS (kung naaangkop). Bago magpalit ng layunin, siguraduhing mayroon kang mga sapat na conversion na naka-enable ang halaga (dalawa o higit pang magkakaibang halaga). May higit pang detalye rito at sa hub ng pag-bid na batay sa halaga
  • Pag-maximize sa mga pag-click o target na Mga Impression/Cost-per-thousand impressions (CPM): kung ang pangunahin mong layunin ay paramihin ang mga pagbisita sa site o impression.
  • Pay per conversion (Display lang): Kung kwalipikado, puwede kang gumamit ng Magbayad para sa Mga Conversion para maparami ang mga conversion nang ang binabayaran lang ay ang mga conversion na iyon. Makakita ng higit pang detalye tungkol sa pagiging kwalipikado rito.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iba't ibang strategy sa pag-bid, sumangguni sa Tungkol sa naka-automate na pag-bid at Ang Iyong Gabay sa Smart Bidding

Makakatulong ang Pinahusay na cost-per-click (Enhanced cost-per-click o ECPC) para magkaroon ka ng higit pang conversion mula sa manual na pag-bid. Awtomatikong gumagana ang ECPC sa pamamagitan ng pagsasaayos ng iyong mga manual na bid para sa mga pag-click na malamang na humantong sa benta o conversion sa website mo. Hindi tulad ng Smart Bidding na Target na CPA at Target na ROAS, na awtomatikong nagtatakda ng mga bid batay sa iyong target na cost per conversion at return-on-ad-spend, susubukan ng ECPC na panatilihing mas mababa ang iyong average na CPC kaysa sa itinakda mong max CPC (kasama ang mga pagsasaayos ng bid) kapag nag-o-optimize para sa mga conversion.

Para sa mga Search, Display, at Hotel campaign, makakatulong ang ECPC na paramihin ang mga conversion habang sinusubukang panatilihing hindi nagbabago ang iyong cost-per-conversion tulad ng matatanggap mo sa manual na pag-bid. Puwede ka ring magtakda ng ECPC para mag-optimize para sa halaga ng conversion, na nagbibigay-daan sa iyong gawing priyoridad ang mga conversion na may mataas na halaga at mabigyan ng wastong halaga ang iba't ibang pagkilos na conversion. Ang pag-optimize para sa halaga ng conversion gamit ang ECPC ay available para sa mga Search campaign. Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin kung paano gumagana ang ECPC at kung paano ito makakatulong sa iyong mas masulit ang badyet mo sa ad.

Bago ka magsimula

Para gamitin ang Pinahusay na CPC sa mga Search o Hotel campaign, kakailanganin mong mag-set up ng pagsubaybay sa conversion. Hindi mo kailangan ng pagsubaybay sa conversion para magamit ang ECPC sa mga Display campaign, pero makakatulong sa iyo ang mga conversion na malaman kung epektibo ba ang mga ad mo. Matuto pa Tungkol sa mga Pinahusay na CPC na bid para sa mga hotel campaign.

Paano gumagana ang pagsubaybay sa conversion kasama ng ECPC

Naghahanap ang system ng Google Ads ng mga pattern ng mga pag-click at conversion at inihahambing ang mga ito sa iyong mga nakaraang resulta. Halimbawa, malalaman nito kung may mga partikular na lokasyong humahantong sa mas maraming benta. Magkakaroon ka ng pinakamahusay na performance kung gagamit ka ng pagsubaybay sa conversion kasama ng ECPC.

Tiyaking suriin ang iyong paraan ng pagbibilang ng conversion para sa bawat pagkilos na conversion, para matiyak na tumutugma ito sa mga layunin mo. Kung nagsusubaybay ka ng mga lead (tulad ng mga pag-sign up), malamang na gusto mo lang na magbilang ng isang conversion sa bawat pag-click sa ad. Kung sinusubaybayan mo ang mga benta, malamang na gusto mong bilangin ang bawat conversion.

Kung hindi ka gumagamit ng pagsubaybay sa conversion

Kung hindi ka gumagamit ng pagsubaybay sa conversion, magagamit mo pa rin ang ECPC sa iyong Display network lang. Puwede kang makakita ng mas de-kalidad na trapiko at mas maraming conversion dahil tataasan at bababaan ng Google Ads ang iyong mga bid depende sa kalidad ng trapikong naoobserbahan namin sa bawat auction. Puwedeng lumaki ang iyong pang-araw-araw na gastos dahil dito. Kung gumagamit ka ng manual na CPC at gusto mong maging ganoon pa rin ang iyong gastos, dapat mong i-adjust ang iyong target na CPC ayon sa average mong gastos sa 30 araw.

Paano gumagana ang ECPC

Available bilang opsyonal na feature sa Manual na CPC na pag-bid, ang ECPC ay isang anyo ng Smart Bidding na gumagamit ng maraming signal sa oras ng auction tulad ng browser, lokasyon, at oras sa araw para iangkop ang mga bid sa natatangiang konteksto ng bawat paghahanap, pero hindi sa paraang kasinglawak ng iba pang diskarte sa Smart Bidding, tulad ng Target na CPA at Target na ROAS.

Pag-optimize para sa mga conversion

Ang ECPC ay naghahanap ng mga ad auction na mas malaki ang posibilidad na magresulta sa mga conversion, at pagkatapos ay tinataasan nito ang iyong max CPC na bid (pagkatapos ilapat ang anumang pagsasaayos ng bid na itinakda mo) para mas makipagkumpitensya para sa mga pag-click na iyon. Kung mukhang hindi magreresulta sa conversion ang isang pag-click, bababaan ng Google Ads ang iyong bid. Susubukan ng ECPC na panatilihin ang iyong average na CPC na mas mababa sa max CPC na itinakda mo (kabilang ang mga pagsasaayos ng bid), pero puwedeng lumampas sa iyong max CPC sa loob ng mga sandaling panahon.

Halimbawa

Ipagpalagay na nagbebenta ka ng sapatos sa iyong site at sa isang pisikal na lokasyon, itinakda mo ang iyong CPC sa Php50, at na-on mo ang pag-bid na ECPC. Kung itatakda mo ang halaga ng mga conversion na pagbisita sa tindahan na maging mas mataas kaysa sa mga pagbisita sa iyong website, at makakakita ang Google Ads ng auction na malamang na humantong sa pagbisita ng isang tao sa tindahan, posibleng itakda nito ang iyong bid sa Php85 para sa auction na iyon. Kung ang isa pang auction ay malamang na humantong sa pagbisita sa website sa halip na pagbisita sa tindahan, posibleng bababaan ng ECPC ang iyong bid sa Php15 para sa auction na iyon.

Pag-optimize para sa halaga ng conversion

Naghahanap din ang ECPC ng mga ad auction na mas malamang na humantong sa mga conversion na may mataas na halaga, at pagkatapos ay tinataasan nito ang iyong max CPC na bid para mas makipagkumpitensya para sa mga pag-click na iyon. Kung malamang na hindi mag-convert ang isang pag-click o kung mas mababa sa ibang conversion ang halaga ng conversion, bababaan ng Google Ads ang iyong bid. Susubukang panatilihin ng ECPC ang iyong average na CPC na mas mababa sa max CPC na itinakda mo pero puwedeng lumampas sa max CPC para sa maiikling yugto ng panahon. Matuto pa Tungkol sa mga halaga ng conversion

Halimbawa

Ipagpalagay na nagtatampok ang iyong ad ng isang partikular na designer shirt, itinakda mo ang iyong max CPC na bid sa Php50, at na-on mo ang pag-bid na ECPC. Kung itatakda mong halaga ng conversion ang kabuuang halaga ng cart, at makakakita ang Google Ads ng auction na malamang na hahantong sa pagbili sa shirt na iyon lang, posible itong mag-bid ng Php20 para sa auction na iyon. Kung may isa pang auction na mukhang hahantong sa pagbili ng maraming damit at accessory sa mas mataas na kabuuang presyo, posibleng itaas ng ECPC ang bid sa Php55 para sa auction na iyon.

Available ang ECPC sa Search Network at sa Display Network, pero hindi sa mga app installs campaign. Para sa mga Hotel ad, gumagana ang ECPC kapag nag-click ang isang biyahero ng link sa pag-book ng hotel.

Tip

Dahil papataasin ng ECPC ang iyong max CPC na bid kapag nakakita ito ng magandang pagkakataon, huwag nang mabigla kung paminsan-minsan ay magpapakita ang ulat mo sa Google Ads ng mga average na CPC na lampas sa iyong max CPC. Susubukan ng ECPC na panatilihing mas mababa ang iyong average na CPC sa itinakda mong max, pero puwedeng lumampas ang iyong average na CPC sa max CPC mo para sa maiikling yugto ng panahon.

Paano naiiba ang ECPC sa iba pang diskarte sa Smart Bidding na nakabatay sa conversion

Ang ECPC at iba pang diskarte sa pag-bid na Smart bidding ay parehong kumikilos para makakuha ng mas maraming conversion at higit na halaga ng coversion para sa iyo. Ang pangunahing pagkakaiba ay bahagyang ino-automate ng ECPC ang iyong mga manual na bid sa pamamagitan ng pagsasaayos ng max CPC mo (pagkatapos ilapat ang anumang pagsasaayos ng bid na itinakda mo), at hindi ito nagbibigay-daan sa iyong magtakda ng hayagang target. Ganap na ino-automate ng ibang diskarte sa pag-bid na Smart Bidding ang iyong diskarte sa pag-bid batay sa itatakda mong target na CPA, ROAS, o badyet, at hindi kinakailangan ng mga ito na magtakda ka ng mga manual na bid.

Binibigyan ka ng Smart Bidding ng pinakamagandang pagkakataong mapahusay ang iyong mga resulta. Gayunpaman, nagbibigay ang ECPC ng isang antas ng manual na kontrol na mas gusto ng ilang tao.

ECPC at iba pang diskarte sa Smart Bidding na batay sa conversion

  • Gumagamit ng data sa pagsubaybay sa conversion o Google Analytics mula sa iyong account
  • Manghula ng rate ng conversion para sa bawat auction
  • Nagsasaayos ng iyong mga bid para matulungan kang makuha ang mga pag-click na pinakamataas ang potensyal

ECPC

  • Gumagana sa lahat ng setting ng iyong campaign at max CPC na bid
  • Dinadagdagan o binabawasan ang iyong mga manual na pag-bid para tulungan kang makakuha ng higit pang conversion o halaga ng conversion
  • Gumagana kasama ng mga system sa pag-bid ng third party, kahit na ino-automate ng mga ito ang iyong mga bid

Iba pang diskarte sa Smart Bidding na batay sa conversion

Mga pagsasaayos ng bid gamit ang ECPC

Awtomatikong isinasaalang-alang ng ECPC ang iba't ibang rate ng conversion para sa lahat ng uri ng trapiko, pero hiwalay itong nagtatakda ng mga bid para sa mga mobile device. Ang ibig sabihin nito, hindi mo na kailangang magtakda ng anumang pagsasaayos ng bid (maliban sa mobile) para mag-maximize ng mga conversion ang ECPC. Gayunpaman, kung gusto mong mas agresibong mag-bid para sa ilang partikular na uri ng trapiko, puwede mo pa ring piliin na magtakda ng pagsasaayos ng bid. Malalapat ang pagsasaayos na ito bukod pa sa mga awtomatikong pagsasaayos ng ECPC.

Makakatulong din ang mga pagsasaayos sa mobile na makapagsama ng anumang karagdagang conversion na hindi sinusubaybayan gamit ang tag ng pagsubaybay sa conversion ng Google Ads (gaya ng mga in-store na pagbisita). Patuloy na awtomatikong magtatakda ang ECPC ng mga pagsasaayos ng bid para sa trapiko sa desktop kumpara sa trapiko sa tablet batay sa mga pagkakaiba sa mga rate ng conversion.

Matuto pa Tungkol sa mga adjustment ng bid.

Pag-optimize para sa halaga ng conversion sa Search

Isinasaalang-alang sa ECPC para sa halaga sa Search ang pagkakaiba sa pagitan ng mga rate ng conversion sa mobile at desktop, kaya hindi kinakailangan ang mga pagsasaayos ng bid sa mobile, at hindi gagamitin kapag inilapat ang mga iyon.

Paano i-enable ang ECPC

Tandaang medyo naiiba ang paggana ng ECPC para sa mga Hotel campaign kumpara sa paggana nito sa Search at Display. Matuto pa tungkol sa mga Pinahusay na CPC na bid para sa mga hotel campaign.

Mga Tagubilin

 

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Mga Campaign Icon ng Mga Campaign.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. I-click ang pangalan ng campaign na gusto mong gamitin.
  5. I-click ang Mga Setting sa menu ng page.
  6. I-click ang seksyong Pag-bid, pagkatapos ay i-click ang Baguhin ang diskarte sa pag-bid.
  7. Piliin ang Manual na CPC mula sa drop-down na menu, at lagyan ng check ang opsyong I-enable ang Pinahusay na CPC.
    • Kapag pinili mo ang ECPC, awtomatikong itatakda ng Google Ads ang iyong setting ng pag-ikot ng ad para "Mag-optimize," kahit na kasalukuyan itong nakatakda sa "Huwag mag-optimize."
  8. Piliin ang I-save.
  9. Magbasa tungkol sa paggawa ng portfolio na diskarte sa pag-bid para makagawa ng portfolio na diskarte sa pag-bid para sa ECPC.

Tip: Piliin kung sa aling mga conversion magbi-bid

Binibigyang-daan ka ng setting na Isama sa "Mga Conversion" na magdesisyon kung magsasama ba o hindi ng mga indibidwal na pagkilos na conversion sa iyong mga column sa pag-uulat na "Mga Conversion" at "Halaga ng conversion." Ang data sa mga column na ito ay ginagamit ng mga strategy sa pag-bid gaya ng Target na CPA, Target na ROAS, at ECPC, kaya mag-o-optimize lang ang iyong strategy sa pag-bid batay sa mga conversion na pinili mong isama. Matuto pa Tungkol sa mga account-default na layunin sa conversion.

Matututo ang Smart Bidding sa lahat ng pagkilos na conversion na iuulat sa column na “Mga Conversion,” kahit na-configure ang mga ito para sa iba't ibang layunin at/o gumagamit ang mga ito ng iba't ibang uri ng strategy sa pag-bid. Kasama bilang default ang mga cross-device na conversion mula sa mga Display Network, Video, Search, at Shopping campaign. Hindi ito nalalapat para sa mga Hotel campaign.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17242883981352952450
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false