Para magbigay ng komprehensibo at pinag-isang view ng iyong Mga Audience at gawing mas simple ang pamamahala at pag-optimize ng audience, makikita mo ang mga sumusunod na pagpapahusay sa Google Ads:
- Bagong pag-uulat ng audience
Pinagsama-sama na ngayon sa iisang lugar ang detalyadong pag-uulat tungkol sa demograpiko ng audience, mga segment, at mga pagbubukod. I-click ang icon na Mga Campaign at buksan ang tab na “Mga audience, mga keyword at content” tab at i-click ang Mga Audience. Madali mo ring mapapamahalaan ang iyong Mga Audience mula sa page ng ulat na ito. Matuto pa Tungkol sa Pag-uulat ng audience. - Mga bagong termino
Gumagamit kami ng mga bagong termino sa iyong ulat tungkol sa audience at sa buong Google Ads. Halimbawa, tinutukoy na ngayon ang “mga uri ng audience” (kabilang dito ang custom, in-market, at affinity) bilang “mga segment ng audience,” at tinutukoy na ngayon ang “remarketing” bilang “iyong data.” Matuto pa tungkol sa Mga update sa mga Termino at parirala ng audience
Puwede kang magpakita ng mga ad sa mga taong bumisita na dati sa iyong website. Ipinapaliwanag ng artikulong ito ang mga hakbang na kakailanganin mong sundin para gumawa ng segment ng audience na kinabibilangan ng mga taong bumisita sa iyong website.
Bago ka magsimula
Kung hindi ka pamilyar sa kung paano i-set up ang iyong segment ng data, magsimula sa pagbabasa sa Tungkol sa pag-set up ng iyong mga segment ng data.
Mga Tagubilin
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang Tools icon .
- I-click ang drop down na Nakabahaging library sa menu ng seksyon.
- I-click ang Manager ng audience.
- Siguraduhing nasa seksyong “Mga Segment” ka sa menu ng page sa kaliwa.
- Para magdagdag ng listahan ng mga bisita ng website, i-click ang button na plus at piliin ang Mga bisita ng website.
- Sa bubukas na page, maglagay ng mapaglarawang pangalan para sa iyong segment ng data sa text box na “Pangalan ng segment.”
- Pumili ng opsyon sa drop-down na menu na "Mga miyembro ng segment."
- Sa seksyong “Mga Pagkilos” ka bubuo ng hanay ng mga panuntunan ng pagkilos para sa iyong segment. Puwede mong ibatay ang mga ito sa iisang pagkilos, maraming pagkilos, o mga nakabukod na pagkilos. Para sa bawat panuntunan, pumili ng pagkilos sa drop-down na menu at maglagay ng value para sa “mga araw.” Ang default na opsyon ng drop-down na menu ay "Pagbisita sa web page," pero posibleng may iba pang opsyong available batay sa mga parameter sa iyong tag ng website. Ipo-populate ng mga sumusunod na parameter ng tag ang mga karagdagang opsyon sa drop-down na menu na "Pagkilos":
- dynx_pagetype
- ecomm_pagetype
- edu_pagetype
- event
- flight_pagetype
- hotel_pagetype
- hrental_pagetype
- job_pagetype
- listing_pagetype
- local_pagetype
- pagetype
- travel_pagetype
- I-click ang Pinuhin ang pagkilos para magdagdag ng mga parameter para sa mga web page sa iyong site kung saan mo gustong mangolekta ng mga cookie ng bisita. Ang mga value ay puwedeng mga salita, numero, o petsa, depende sa template ng panuntunan at mga parameter na pinili mo para sa segment ng data na ginagawa mo.
- Pagkatapos mo sa isang panuntunan, i-click ang Magdagdag ng pagkilos (O) o Magdagdag ng pagkilos (AT) na ipapatong sa iyong pagkilos (depende sa opsyon sa panuntunan na pinili mo).
- Sa seksyong “Mga pre-fill na opsyon,” pumili ng opsyon sa paunang laki ng segment (ang bilang ng mga bisita sa iyong website sa isang nakatakdang panahon). Puwede mong piliing magdagdag sa iyong segment ng data ng mga bisita ng site mula sa nakaraang 30 araw o magsimula sa walang lamang segment. Hindi natutukoy ng pre-fill na opsyon ang mga session sa browser at application mula sa mga naka-sign out na user sa iyong website.
- Tandaan: Kung mayroon kang pangkalahatang tag ng site sa iyong website at gusto mong isama ang mga bisitang tumutugma sa mga panuntunan ng iyong segment, piliin ang opsyong idagdag ang mga bisita sa site mula sa nakalipas na 30 araw. Pag-aralan ang I-tag ang iyong website gamit ang Google Ads.
- (Opsyonal) Maglagay ng paglalarawan ng iyong audience.
- I-click ang Gumawa ng segment.
Gumawa ng maraming segment ng data hangga't gusto mo. Pagkatapos, makakagawa ka ng mga bagong campaign at ad group kung saan mo puwedeng idagdag ang mga ito.
Pinakamahuhusay na kagawian
Basahin ang gabay sa Pinakamahuhusay na Kagawian sa Google para alamin kung paano makipag-ugnayan ulit sa mga dating bisita ng site sa pamamagitan ng mga naka-personalize na ad.
Abutin ang mga dating bisita gamit ang isang display campaign