Tungkol sa mga asset para sa pagtawag

Nagbibigay-daan sa iyo ang mga asset para sa pagtawag na magdagdag ng mga numero ng telepono sa mga ad mo, na puwedeng magpataas nang malaki sa mga clickthrough rate. Kapag lumabas ang iyong mga asset para sa pagtawag, puwedeng mag-tap o mag-click ang mga customer sa isang button para direktang tawagan ang negosyo mo o pumunta sa iyong website. Ibig sabihin, mas maraming makikipag-ugnayang customer sa iyong mga ad, at mas maraming pagkakataon para makakuha ka ng mga conversion at masubaybayan ang mga ito.

Bilang halimbawa, sabihin nating nagmamay-ari ka ng pizza house sa Ortigas Center sa Pasig, kaya nagdagdag ka ng asset para sa pagtawag sa iyong campaign na nagpo-promote ng mga deep-dish na pizza. Kung may bisita sa lungsod na maghahanap ng "Pasig pizza" sa kanyang telepono at mati-trigger ang isa sa iyong mga ad, puwedeng mag-click ang bisitang ito papunta sa website mo para tingnan ang iyong menu o i-tap ang button sa pagtawag sa ad mo para para diretsong mapunta sa iyong linya sa pag-order.

Sa artikulong ito, malalaman mo kung paano gumawa at mag-edit ng mga asset para sa pagtawag.

Bago ka magsimula

Ang mga asset para sa pagtawag ay ang pinakamadaling paraan para magdagdag ng mga numero ng telepono sa mga kasalukuyang ad. Kung susubukan mong magsama ng numero ng telepono saanman sa iyong ad text, puwede itong humantong sa hindi pag-apruba ng ad. Puwede ka ring gumawa ng mga campaign sa pagtawag. Para sa higit pang detalye, sumangguni sa Tungkol sa mga campaign sa pagtawag.

Tandaan

Kung gagawa ka ng mga asset para sa pagtawag sa iba't ibang level (account, campaign, o ad group), gagamitin ang pinakapartikular. Kaya kung magdaragdag ka ng mga asset para sa pagtawag sa isang ad group, lalabas ang mga iyon sa halip na ang iyong mga asset para sa pagtawag sa antas ng campaign o account. Gayundin, ino-override ng mga asset sa level ng campaign ang mga asset sa level ng account.

Paano ito gumagana

Ito ang mahahalagang bagay na dapat malaman tungkol sa mga asset para sa pagtawag:

  • Telepono o website: Kapag lumabas ang iyong mga asset para sa pagtawag sa ad mo, magkakaroon ng access ang mga customer sa iyong numero. Kung nakakatawag ang kanilang device, may ia-attach na naki-click na button sa pagtawag. Puwede ring i-click ng mga customer ang iyong ad para pumunta sa website mo.
  • Mga oras ng negosyo: Puwede mong itakda ang mga numero na lumabas lang kapag puwedeng tumanggap ng mga tawag ang iyong negosyo.
  • Ang pagtawag ay pag-click: Pareho lang ang gastos para sa mga pag-click sa iyong numero at para sa mga pag-click sa headline ng ad (isang pangkaraniwang CPC).
  • Madaling pagsubaybay sa conversion: Puwede mong bilangin bilang mga conversion ang mga tawag sa pamamagitan ng pag-on sa pag-uulat ng tawag sa iyong account. Sa Search Network lang available, gumagamit ang pag-uulat ng tawag ng mga pagpapasahang numero ng Google para bigyan ka ng detalyadong impormasyon ng conversion.

Para sa pinakamahusay na kumbinasyon ng lokal na pag-target at mas malawak na abot, puwede mo ring gamitin ang mga asset para sa lokasyon. Kapag ginamit mo ang mga asset para sa lokasyon at pagtawag, puwedeng idirekta ng mga ad na nagtatampok ng partikular na mga lokasyon ng negosyo ang mga tawag sa numero ng telepono na kaugnay ng mga lokasyong iyon, sa halip na sa mga numero ng telepono na itinakda sa iyong mga asset para sa pagtawag. Pagkatapos ay puwede mo nang makuha ang data ng pag-uulat ng tawag sa iyong mga ad na may mga asset para sa lokasyon at ad na may mga asset para sa pagtawag para matukoy kung aling uri ng asset ang mas mahusay ang performance. Matuto pa tungkol sa mga asset para sa lokasyon

Mga Tagubilin

Paano gumawa ng mga asset para sa pagtawag

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang Mga ad at asset sa menu ng page.
  3. I-click ang Mga Asset pagkatapos ay i-click ang icon na plus .
  4. Piliin ang Mga asset para sa pagtawag mula sa isang listahan ng mga pagpipilian. Pagkatapos, lalabas ang view na "Magdagdag ng asset para sa pagtawag."
  5. Piliin kung gusto mong idagdag ang asset para sa pagtawag sa iyong “Account,” “Campaign,” o “Ad group.”
  6. Piliin ang Gumawa ng bago para gumawa ng bagong asset para sa pagtawag, o piliin ang Gumamit ng kasalukuyan kung dati ka nang gumawa ng asset para sa pagtawag.
    1. Kung gumagawa ka ng bagong asset, ilagay ang numero ng iyong telepono.
    2. Kung pipiliin mong gumamit ng kasalukuyang asset, piliin ang iyong numero mula sa isang listahan na lalabas.

Mga opsyonal na setting

  • Piliin kung gusto mong i-enable ang pag-uulat ng tawag (inirerekomenda).
    • Kakailanganin mong i-on ang pag-uulat sa antas ng account para ipakita ang data ng pag-uulat ng tawag para sa mga tawag mula sa mga asset para sa lokasyon. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng pag-uulat ng tawag ng iyong mga campaign.
  • Piliin kung gusto mong bilangin ang mga conversion (inirerekomenda). Awtomatikong gumagawa ang Google Ads ng default na uri ng conversion ng tawag na tinatawag na “Mga tawag mula sa mga ad.” Puwede mong gawin ang sarili mong custom na uri ng conversion sa pamamagitan ng pagpili sa Pamahalaan ng mga conversion mula sa drop-down na menu. Matuto pa tungkol sa pagsubaybay sa conversion ng tawag sa telepono
    • Tandaan: Puwedeng makaapekto sa iyong mga bid ang pagbilang ng mga conversion ng tawag kung gumagamit ka ng awtomatikong pag-bid.
  • Sa ilalim ng Mga advanced na opsyon, piliin kung gusto mong iiskedyul ang iyong asset para sa pagtawag para magpakita lang sa ilang partikular na araw at oras, halimbawa, kapag sumasagot ng mga tawag sa telepono ang negosyo mo.

Paano mag-edit ng mga asset para sa pagtawag nang maramihan sa iyong account

Kung gumagamit ka ng maraming asset para sa pagtawag, puwede mong i-edit at i-upload ang mga iyon nang maramihan.

Tip: Mag-alis ng mga asset mula sa maramihang pag-upload

Kung gusto mong mag-alis ng mga asset mula sa maramihang pag-upload, kumpletuhin ang hakbang 1–3 sa itaas. Pagkatapos makita ang iyong mga listahan ng asset, tingnan ang lahat ng kahon sa tabi ng mga asset na gusto mong alisin. I-click ang Alisin sa asul na bar, pagkatapos ay piliin ang Kumpirmahin.

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang Mga ad at asset sa menu ng page, pagkatapos ay i-click ang Mga Asset sa menu ng subpage.
  3. Makakapansin ka ng talahanayan ng naglalaman ng lahat ng iyong asset. Mula sa drop-down na menu ng “View ng talahanayan,” piliin ang Pag-uugnay.
  4. Piliin ang Pagtawag mula sa listahan sa itaas ng toolbar ng talahanayan.
  5. Lagyan ng check ang mga kahon sa tabi ng lahat ng asset para sa pagtawag na gusto mong i-edit.
  6. I-click ang I-edit ang mga asset sa asul na bar sa itaas ng talahanayan.
  7. I-click ang I-edit o Hanapin at palitan para gumawa ng mga pagbabago.
  8. I-click ang Preview para kumpirmahin ang iyong mga pagbabago.
  9. I-click ang Ilapat para i-save ang iyong mga pagbabago.

Mga antas ng account

Puwede kang magdagdag ng mga asset para sa pagtawag sa mga antas ng account, campaign, o ad group. Puwedeng gumana ang mga asset para sa pagtawag sa mga Search campaign at Smart campaign. Puwede ring idagdag ang mga ito sa mga Display campaign para subaybayan ang mga tawag sa isang numero ng telepono sa website.

Hindi ihahatid ang mga asset para sa pagtawag sa bawat impression

Tulad ng iba pang asset, hindi lumalabas ang mga asset para sa pagtawag sa bawat ad impression. Kapag gumagana ang ad auction, tinutukoy ng isang algorithm kung ipapakita ba ang asset para sa pagtawag, at ang anupamang asset na lalabas sa tabi nito, batay sa dating performance at iba pang salik. Ganap na normal na lumabas ang mga asset para sa pagtawag para lang sa isang subset ng kabuuang mga ad impression. Gayunpaman, puwede kang gumawa ng mga pagsasaayos ng bid para maipakita nang mas madalas ang iyong mga ad ng interaction sa tawag. Matuto pa tungkol sa mga pagsasaayos ng bid para sa mga interaction.

Paano tingnan ang performance ng iyong mga asset para sa pagtawag

Pagkatapos mong idagdag ang mga numero ng telepono sa iyong ad, puwede mong alamin kung paano gumagana ang mga ito para sa iyong negosyo. Matuto pa tungkol sa kung paano suriin ang iyong data ng pag-uulat ng tawag

Paano puwedeng lumabas ang iyong mga asset para sa pagtawag

Sa ilang sitwasyon, posibleng lumabas ang iyong mga asset para sa pagtawag sa headline ng ad, katulad ng call ad. Puwede itong mangyari kapag ang iyong campaign ay:

  • Gumagamit ng mga responsive na search ad.
  • May asset para sa pagtawag na kwalipikadong maihatid.
  • Gumagamit ng layunin sa conversion kung saan kasama ang isang nabi-bid na pagkilos na conversion ng tawag sa telepono. Matuto pa tungkol sa mga conversion ng tawag at mga layunin sa conversion
  • Gumagamit ng mga strategy sa Smart Bidding na nakatuon sa conversion tulad ng Target na CPA o I-maximize ang mga conversion.

Kapag naghatid ang iyong ad nang may asset para sa pagtawag sa headline, ang mga pagbisita sa landing page ay iniuulat sa ilalim ng uri ng pag-click na "Landing Page ng Call Ad." Puwede mong i-disable ang functionality na ito sa pamamagitan ng pagbabago sa alinman sa mga pamantayan sa itaas sa iyong campaign.

Mga kwalipikadong numero

Ang mga vanity na numero, premium na numero, at numero ng fax ay hindi mga katanggap-tanggap na numero para sa mga asset para sa pagtawag. Vine-verify ang mga numero ng telepono para kumpirmahing kinakatawan nila ang negosyong pino-promote. Matuto pa tungkol sa mga patakaran sa ilalim ng mga kinakailangan ng asset para sa pagtawag

Kailan posibleng may lumabas na mga disclaimer kasama ng iyong mga asset para sa pagtawag

Puwedeng gamitin ang mga asset para sa pagtawag sa mga numerong toll-free, karaniwan, mobile, ibinabahagi ang halaga, o hindi karaniwan ang halaga. Kung gumagamit ka ng isang numero na ibinabahagi ang halaga o hindi karaniwan ang halaga sa iyong asset para sa pagtawag, may kasamang disclaimer ang extension mo na nagsasaad na maaaring may mga karagdagang singilin. Narito ang higit pang impormasyon tungkol sa parehong uri:

  • Ang mga numero ng telepono na ibinabahagi ang halaga ay gumagamit ng pamamaraan sa pagsingil kung saan ang tumatanggap ay may binabayarang bahagi para sa mga tawag sa isang international na numero ng telepono.
  • Ang mga numerong hindi karaniwan ang halaga ay hindi maaaring isama sa isang karaniwang plan sa telepono, kaya maaaring may mga karagdagang singil.
Impormasyong partikular sa bansa

Sa ilang bansa, puwede kang gumamit ng mga numero ng telepono na iba ang halaga kaysa sa mga lokal na numero. Ipinapakita sa talahanayang ito kung aling mga numero ang pinapayagang magamit mo (bukod pa sa mga lokal na numero). Kung gumagamit ka ng numerong hindi pangkaraniwan ang halaga, may lalabas na disclaimer na nagsasabing posibleng may mga nalalapat na karagdagang singilin kapag nag-click ang mga customer sa button.

Pangalan ng bansa Mga numerong hindi pangkaraniwan ang halaga
UAE

07000, 07005

Albania 0808
Algeria 0801 10, 0801 11, 0801 12, 0801 13, 0801 14, 0801 15, 0801 16, 0801 17, 0801 18, 0801 19, 0802 10, 0802 11, 0802 12, 0802 13, 0802 14, 0802 15, 0802 16, 0802 17, 0802 18, 0802 19
Armenia 0801, 0802, 0803, 0804
Austria 0810, 0820, 0821, 0828
Bosnia and Herzegovina 082
Brazil*

0800, 3003, 4000, 4001, 4002, 4003, 4004, 4005, 4006, 4007, 4008, 4009

* Sumangguni sa seksyon sa ibaba ng talahanayang ito para sa karagdagang impormasyon sa mga asset para sa pagtawag sa Brazil

Czechia 810, 811, 812, 813, 814, 815, 816, 817, 818, 819, 830, 831, 832, 833, 834, 835, 836, 837, 838, 839, 840, 841, 842, 843, 844, 845, 846, 847, 848, 849
Germany 0180
Greece 801, 806, 812, 825
Ireland 1850, 1890
Israel 1-700, 1-809
Jordan 0810, 0850, 0851, 0852, 0853, 0854, 0855, 0856, 0857, 0858, 0859, 0870, 0871, 0872, 0873, 0874, 0875, 0876, 0877, 0878, 0879
Lebanon 090, 091
Liechtenstein 900 22, 900 27, 900 28, 900 79, 901 23, 906 66, 0900, 0901, 0906
Macedonia 0801, 0802, 0803, 0804, 0805, 0806, 0807, 0808, 0809, 0810, 0811, 0812, 0813, 0814, 0815, 0816, 0817, 0818, 0819, 0820, 0821, 0822, 0823, 0824, 0825, 0826, 0827, 0828, 0829, 0830, 0831, 0832, 0833, 0834, 0835, 0836, 0837, 0838, 0839, 0840, 0841, 0842, 0843, 0844, 0845, 0846, 0847, 0848, 0849, 0850, 0851, 0852, 0853, 0854, 0855, 0856, 0857, 0858, 0859, 0860, 0861, 0862, 0863, 0864, 0865, 0866, 0867, 0868, 0869, 0870, 0871, 0872, 0873, 0874, 0875, 0876, 0877, 0878, 0879, 0880, 0881, 0882, 0883, 0884, 0885, 0886, 0887, 0888, 0889, 0890, 0891, 0892, 0893, 0894, 0895, 0896, 0897, 0898, 0899
Netherlands Antilles 100, 101, 102, 103, 104, 105, 106, 107, 108, 109, 690, 691, 692, 693, 694, 695, 696, 697, 698, 699
Norway 810 00, 810 01, 810 02, 810 03, 810 04, 810 05, 810 06, 810 20, 810 21, 810 22, 810 23, 810 24, 810 25, 810 26, 810 27, 810 28, 810 29, 810 30, 810 31, 810 32, 810 33, 810 34, 810 35, 810 36, 810 37, 810 38, 810 39, 810 40, 810 41, 810 42, 810 43, 810 44, 810 45, 810 46, 810 47, 810 48, 810 49, 810 50, 810 51, 810 52, 810 53, 810 54, 810 55, 810 56, 810 57, 810 58, 810 59, 810 60, 810 61, 810 62, 810 63, 810 64, 810 65, 810 66, 810 67, 810 68, 810 69, 810 70, 810 71, 810 72, 810 73, 810 74, 810 75, 810 76, 810 77, 810 78, 810 79, 810 80, 810 81, 810 82, 810 83, 810 84, 810 85, 810 86, 810 87, 810 88, 810 89
Pakistan 021 111, 022 111, 025 111, 040 111, 041 111, 042 111, 044 111, 046 111, 047 111, 048 111, 049 111, 051 111, 052 111, 053 111, 055 111, 056 111, 057 111, 061 111, 062 111, 063 111, 064 111, 065 111, 066 111, 067 111, 068 111, 071 111, 074 111, 081 111, 086 111, 091 111, 0232 111, 0233 111, 0235 111, 0238 111, 0242 111, 0243 111, 0244 111, 0292 111, 0293 111, 0294 111, 0295 111, 0296 111, 0297 111, 0298 111, 0453 111, 0454 111, 0457 111, 0459 111, 0542 111, 0543 111, 0544 111, 0546 111, 0547 111, 581111, 582111, 586111, 0604 111, 0606 111, 0608 111, 0722 111, 0723 111, 0726 111, 0822 111, 0823 111, 0824 111, 0825 111, 0826 111, 0828 111, 0829 111, 0832 111, 0833 111, 0835 111, 0837 111, 0838 111, 0843 111, 0844 111, 0847 111, 0848 111, 0852 111, 0853 111, 0855 111, 0856 111, 0922 111, 0932 111, 0937 111, 0938 111, 0939 111, 0942 111, 0943 111, 0944 111, 0945 111, 0946 111, 0963 111, 0965 111, 0966 111, 0969 111, 0992 111, 0993 111, 0944 111, 0995 111, 0996 111, 0997 111
Poland 0801
Réunion 0810, 0811, 0819, 0820, 0821, 0825, 0826, 0884, 0890
Romania 0801
Slovakia 0850, 0851, 0852, 0853, 0854, 0855, 0856, 0857, 0858, 0859, 0860, 0861, 0862, 0863, 0864, 0865, 0866, 0867, 0868, 0869, 0870, 0871, 0872, 0873, 0874, 0875, 0876, 0877, 0878, 0879, 0880, 0881, 0882, 0883, 0884, 0885, 0886, 0887, 0888, 0889, 0890, 0891, 0892, 0893, 0894, 0895, 0896, 0897, 0898, 0899
Switzerland 0840, 0842, 0844, 0848
Tanzania 0840, 0860, 0861

Higit pa tungkol sa mga asset para sa pagtawag sa Brazil

Para makagamit ng mga asset para sa pagtawag sa Brazil, tiyaking magsasama ka ng carrier code para sa carrier na pipiliin mo. Halimbawa, sa halip na "11 5555-1234," gamitin ang "0XX11 5555 1234" (kung saan carrier code ang ibig sabihin ng "XX"). Para sa mga toll-free o premium na numero gaya ng 4004 o 0800, hindi na kailangan ng mga carrier code.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8863818934862734998
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false