Posibleng gusto mong lumabas ang iyong ad sa tuwing may naghahanap na customer online o baka sa mga partikular na araw lang, o sa panahon ng mga oras ng negosyo kapag may oras kang sumagot sa mga tanong ng customer.
- Mga app campaign
- Mga campaign na gumagamit ng Smart Bidding
Paano ito gumagana
Maaari mong gamitin ang iskedyul ng ad upang:
- Tumukoy ng mga partikular na oras o araw ng linggo kung kailan mo gustong lumabas ang iyong mga ad.
- Magtakda ng mga pagsasaayos ng bid upang taasan o babaan ang iyong mga bid para sa mga partikular na araw at oras.
Bilang default, nakatakda ang iyong mga Google Ads campaign na magpakita ng mga ad sa "Lahat ng araw." Ibig sabihin, kwalipikadong lumabas ang iyong mga ad sa kabuuan ng bawat araw sa kalendaryo. Tandaan na kapag walang naghanap ng iyong mga keyword sa itinakdang oras o araw na iyong iniskedyul, hindi magpapakita ang iyong mga ad.
Halimbawa
Ipagpalagay na ang negosyo mo ay ang pag-tour gamit ang dog-sled sa Alaska. Sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong performance sa "Araw at Oras" sa page na Iskedyul ng ad, napansin mong nakukuha ng iyong mga ad ang pinakamagagandang resulta sa pagitan ng 8 at 11 a.m. tuwing Martes, kapag pinapalabas sa telebisyon ang Sobrang Malalamig na Lugar. Nagpasya kang isaayos ang iyong iskedyul ng ad upang sa mga oras lang na iyon lalabas ang iyong mga ad tuwing Martes.