Mamahala ng mga ad group para sa mga dati nang campaign

Sa Google Ads campaign, nagbibigay-daan sa iyo ang ad group na isaayos at i-target ang iyong mga ad. Puwede kang maglagay ng mga bid at magsaayos ng mga keyword sa antas ng ad group. Inilalarawan ng artikulong ito kung paano gumawa o mag-edit ng ad group. Nagbibigay din ng maikling pangkalahatang-ideya ang video na ito:

Bago ka magsimula

Bagama't tungkol sa mga ad group para sa mga dati nang campaign ang artikulong ito, puwede ka ring gumawa ng mga ad group habang gumagawa ng campaign. Matuto pa tungkol sa kung paano gumawa ng campaign

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Paano gumawa ng bagong ad group

Para gumawa ng bagong ad group, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Mula sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga ad group.
  3. Para gumawa ng bagong ad group, i-click ang button na plus .

Paano mag-edit ng ad group

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Mula sa menu ng page sa kaliwa, i-click ang Mga ad group.
  3. Para i-edit ang iyong ad group, mag-hover at i-click ang icon na lapis I-edit sa tabi ng bawat setting na gusto mong gawan ng mga pagbabago.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13200400774135513904
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false