Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano i-pause, i-enable, o alisin ang iyong mga ad group.
Bago ka magsimula
Simula sa Enero 18, 2017, magiging kwalipikado nang magpakita ng mga ad sa Google Display Network at YouTube ang mga ad group sa display at video na walang paraan ng pag-target. Bilang isang one-time na pagbubukod, awtomatikong mapo-pause ang mga kasalukuyang ad group na walang pag-target simula Enero 18, 2017 para matiyak na hindi gagana ang mga ad na hindi dapat ipakita. Tiyaking manual na i-pause ang mga ad group na hindi handa magpakita ng mga ad. Matuto pa tungkol sa mga setting ng pagta-target sa Display Network
Mga Tagubilin
Paano i-pause, i-enable, o alisin ang iyong mga ad group
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign .
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga ad group.
- Hanapin ang column na “Status” para makita ang kasalukuyang status ng bawat ad group.
- I-click ang checkbox sa tabi ng ad group o mga ad group na gusto mong baguhin.
- I-click ang drop-down na menu na "I-edit" sa itaas ng mga ad group, at piliin ang I-enable, I-pause, o Alisin.
Paano hanapin ang mga inalis na ad group
- Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign .
- I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
- I-click ang Mga ad group.
- I-click ang status ng Ad group sa status bar sa itaas ng toolbar ng talahanayan.
- I-click ang Lahat.
- Tingnan ang column na “Status” para makita ang mga ad group na inalis, at mga ad group na nasa mga campaign na inalis.
Paano gumawa ng mga pagbabago sa maraming campaign, ad o ad group
Kung gusto mong gumawa ng mga pagbabago sa maraming campaign, ad, ad group at higit pa nang maramihan, maaari mong gamitin ang mga maramihang pag-upload. Sa mga maramihang pag-upload, maaari kang mag-download ng spreadsheet, gumawa ng mga pagbabago offline, pagkatapos ay i-upload ito para sabay-sabay na maipatupad ang mga pagbabago.
Mga Tip
- Puwede mong i-pause o i-enable ang isang ad group sa pamamagitan lang ng pag-click sa icon ng status nito.
- Tiyaking may hindi bababa sa 3 ad ang iyong ad group para ma-optimize ng Google Ads kung anong uri ng pagmemensahe ang pinakanababagay para sa mga potensyal mong customer.
Paano gumagana ang mga ad group sa ibang mga antas ng Google Ads
- Nakadepende ang mga ad group sa mga campaign: Kung ang iyong ad group ay nasa isang campaign na naka-pause o inalis, hindi gagana ang mga ad sa ad group mo. Kung ang iyong ad group naman ay nasa isang campaign na naka-enable, puwedeng gumana ang mga ad sa iyong ad group (pero puwede mong piliing i-pause o alisin ang mga ito).
- Nakadepende ang mga ad sa mga ad group: Kung naka-pause o inalis ang iyong ad group, hindi gagana ang mga ad sa ad group na iyon. Kung naka-enable naman ang iyong ad group, maaaring gumana ang mga ad nito (ngunit maaari mong piliing i-pause o alisin ang mga iyon).