Pag-alis o pagpalit ng iyong credit card

 

Kailangang mayroon kang pangunahing paraan ng pagbabayad sa iyong account sa lahat ng pagkakataon. Tinitiyak nitong palaging may paraan para awtomatikong magbayad para sa iyong mga ad. Ibig sabihin, puwede mong baguhin o alisin ang credit card na iyong ginagamit, hangga't may isa ka pang paraan ng pagbabayad sa account mo.

Kung sinusubukan mong pahintuin ang paggana ng iyong mga ad, i-pause na lang ang mga campaign mo.

Tip: Magdagdag ng backup na credit card

Para maiwasan ang paghinto ng iyong mga ad dahil sa tinanggihang pagbabayad, lubos naming inirerekomenda ang pag-set up ng backup na paraan ng pagbabayad. Kung sa anumang dahilan ay hindi gumana ang iyong pangunahing paraan ng pagbabayad, sisingilin namin ang backup na credit card mo para matiyak na patuloy na gagana ang iyong mga ad.

Tandaan: Kung ang tagabigay ng iyong card o bangko ay nasa European Economic Area, baka hilingin nila sa iyong sumailalim sa isang karagdagang proseso ng pag-authenticate, gaya ng one-time na code na ipinadala sa telepono mo, o i-verify ang pagmamay-ari ng iyong card.  Puwedeng kailanganin ng tagabigay ng iyong card o bangko ang karagdagang pag-verify na ito kung nagbayad ka, nagdagdag ng bagong credit o debit card, o sa pagpapasya ng tagabigay ng card o bangko. 

Sumusunod ang Google sa mga bagong kinakailangan sa seguridad na ipinataw sa mga bangko at tagaproseso ng pagbabayad ng Payment Services Directive 2 (PSD2) sa European Economic Area. Kung mayroon kang anumang tanong, makipag-ugnayan nang direkta sa tagabigay ng iyong card o bangko. 

Baguhin ang credit card na ginamit bilang pangunahing paraan ng pagbabayad

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng PagsingilIcon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Mga paraan ng pagbabayad.
  3. I-click ang Magdagdag ng bagong paraan ng pagbabayad.
  4. Makikita mo ang mga paraan ng pagbabayad na available sa iyong account. Nakabatay ang mga ito sa address ng iyong negosyo, sa currency ng account mo, at sa kung paano ka nagbabayad (mga awtomatikong pagbabayad).
  5. Ilagay ang iyong impormasyon sa pagbabayad, pagkatapos ay i-click ang I-save.
  6. Ngayon, italaga ang paraan ng pagbabayad na ito bilang pangunahin mong paraan: I-click ang drop-down na menu na Piliin bilang para piliin ang Pangunahin.
  7. Hanapin ang iyong dating paraan ng pagbabayad, at i-click ang Alisin.

Palitan ng bago ang iyong pangunahing paraan ng pagbabayad

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Mga paraan ng pagbabayad.
  3. I-click ang Alisin sa ibaba ng card ng pangunahing paraan ng pagbabayad.
  4. Kakailanganin mong palitan ang isang paraan ng pagbabayad ng ibang paraan ng pagbabayad na naka-store na sa iyong account o magdagdag ng bagong paraan ng pagbabayad.
  5. Kapag nakapagdagdag ka na ng kapalit na paraan ng pagbabayad, i-click ang I-save at Alisin.
  6. Makakakita ka ng dialogue na window na kumukumpirmang naalis na ang iyong pangunahing paraan ng pagbabayad at sisingilin na ngayon ang anumang lipas na balanse sa kadaragdag lang na pangunahing paraan ng pagbabayad.

Kung naka-link ang pangunahing paraan ng pagbabayad sa iba pang subscription at serbisyo, gaya ng Google Cloud o iba pang Google Ads account, baka hindi mo ito maalis hangga't hindi mo ito inaalis din sa mga serbisyong iyon.

Tandaan: Ang mga user ay dapat may pahintulot ng Admin at/o pahintulot na Mag-edit ng Profile sa pagbabayad para makagawa ng mga ganitong pagbabago.

Baguhin ang credit card na ginamit bilang pangunahing paraan ng pagbabayad

Idagdag ang iyong credit card

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng seksyong “Mga paraan ng pagbabayad,” i-click ang Magdagdag ng paraan ng pagbabayad.
    • Tandaan: Makikita mo ang mga paraan ng pagbabayad na available sa iyong account. Nakabatay ang mga ito sa address ng iyong negosyo, sa currency ng account mo, at sa kung paano ka nagbabayad (mga awtomatikong pagbabayad).
  4. Piliin ang Magdagdag ng credit o debit card.
  5. Ilagay ang impormasyon ng credit card mo, pagkatapos ay i-click ang I-save.

Itakda ang iyong credit card bilang pangunahing paraan ng pagbabayad

  1. Kapag naidagdag mo na ang iyong credit card, piliin ang nauugnay na dropdown menu na Mga Aksyon
  2. Piliin ang Itakda bilang pangunahing paraan ng pagbabayad.

Palitan ng bago ang iyong pangunahing paraan ng pagbabayad

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon ng Pagsingil Icon ng Pagsingil.
  2. I-click ang Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng seksyong “Mga paraan ng pagbabayad” i-click ang nauugnay na dropdown menu na Mga Aksyon ng iyong pangunahing paraan ng pagbabayad.
  4. Piliin ang Alisin.
  5. Pumili sa mga natitira mong paraan ng pagbabayad kung ano ang gusto mong gamitin bilang pangunahin.
  6. I-click ang nauugnay na dropdown menu na Mga Aksyon ng napili mong paraan ng pagbabayad.
  7. Piliin ang Itakda bilang pangunahing paraan ng pagbabayad.
    • May lalabas na dialogue na window na kumukumpirmang naalis na ang iyong pangunahing paraan ng pagbabayad at sisingilin na ngayon ang anumang lipas na balanse sa kadaragdag lang na pangunahing paraan ng pagbabayad.

Kung naka-link ang pangunahing paraan ng pagbabayad sa iba pang subscription at serbisyo, gaya ng Google Cloud o iba pang Google Ads account, baka hindi mo ito maalis hangga't hindi mo ito inaalis din sa mga serbisyong iyon.

Tandaan: Ang mga user ay dapat may pahintulot ng Admin at/o pahintulot na Mag-edit ng Profile sa pagbabayad para makagawa ng mga ganitong pagbabago.

Susunod na hakbang

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Drive Revenue with Optiscore

Want to improve account health and drive business goals? Learn from industry & Google experts on how to drive revenue with the help of Optimization Score & Auto Apply Recommendations.

Register Now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
2314268278766631768
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false