Tungkol sa mga ulat sa attribution

Kapag na-set up mo na ang pagsubaybay sa conversion, magkakaroon ka ng access sa mga ulat sa attribution, isang madaling gamiting hanay ng mga ulat tungkol sa iyong mga conversion (ang mahahalagang pagkilos na ginagawa ng mga customer mo sa iyong website, gaya ng pagbili o pag-sign up sa email).

Mga Benepisyo

Ipinapakita sa iyo ng mga ulat sa attribution ang mga path na ginagamit ng mga customer para kumumpleto ng mga conversion at nagbibigay ang mga ito sa iyo ng mga insight sa kung paano gumagana nang sama-sama ang iba't ibang pagsusumikap mo sa pag-advertise para gumawa ng mga conversion. Halimbawa, makikita mo kung tinulungan ng ilang partikular na keyword ang mga conversion na kinalaunan ay nangyari sa pamamagitan ng ibang keyword. Nagbibigay ito sa iyo ng mas mahusay na pangkalahatang-ideya tungkol sa mga conversion path ng mga potensyal na customer mo kaysa sa pagtingin lang sa huling na-click na keyword.

Paano hanapin ang iyong mga ulat sa attribution

Nakakatulong sa iyo ang mga ulat sa attribution na maunawaan ang iba't ibang aspeto ng data ng mga conversion mo. 

Para mahanap ang mga ulat sa attribution:

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. I-click ang tools icon Google Ads | tools [Icon] sa kanang bahagi sa itaas.
  3. Sa ilalim ng "Pagsukat," piliin ang Attribution.

Tip

Kung namamahala ka ng maraming Google Ads account gamit ang isang manager account (MCC), puwede kang gumamit ng cross-account na pagsubaybay sa conversion. Kapag na-set up mo na ang cross-account na pagsubaybay sa conversion, gamitin ang mga ulat sa attribution sa manager account (MCC).

Paano gamitin ang mga kontrol sa ulat

Nasa mga ulat sa attribution ang mga sumusunod na kontrol ng ulat. Gamitin ang mga kontrol na ito para i-customize ang iyong mga ulat at suriin ang data na pinakamahalaga sa negosyo mo.

Hanay ng petsa

Tutukuyin ng pipiliin mong hanay ng petsa kung aling mga conversion ang isasama sa ulat. I-click ang hanay ng petsa sa kanang bahagi sa itaas ng page para i-update ang hanay ng petsa para sa buong ulat. Kung gusto mong maghambing ng mga hanay ng petsa, i-click ang mga simbolong "< >" na lumalabas sa bawat column para i-expand ang column at tingnan ang data para sa bawat hanay ng petsa. 

Puwede kang pumili ng mga hanay ng petsa na nagsisimula sa hanggang 2 taon na ang nakalipas. Dine-delete at hindi na puwedeng i-restore ang data ng ulat ng path at credit sa attribution na mahigit 2 taon na ang nakalipas.

Tandaan: Sa "Ulat sa paghahambing ng modelo," baka makakita ka ng mensahe tungkol sa dating data na bahagya lang na available para sa iyong napiling hanay ng petsa. Posibleng ito ay dahil kamakailan lang naging kwalipikado ang iyong account para sa cross-network na attribution. Para magbigay ng tumpak na mga sukatan sa performance, awtomatikong fini-filter out ng ulat ang anumang network o campaign na walang sapat na data. Pumili ng mas kamakailang hanay ng petsa para makakita ng kumpletong data.

Dimensyon

I-click ang drop-down na menu na "Dimensyon" sa kaliwang bahagi sa itaas ng page para baguhin kung anong bahagi ng data ang ipapakita ng ulat. Halimbawa, puwede mong piliin ang Mga Campaign, Mga ad group, Mga Keyword, at higit pa.

Pagkilos na conversion

Piliin kung aling mga pagkilos na conversion ang isasama sa iyong ulat sa pamamagitan ng pag-click sa drop-down na menu na "Pagkilos na conversion" sa gitnang bahagi sa itaas ng page. Bilang default, kasama sa bawat ulat ang lahat ng pagkilos na conversion na minarkahan mo bilang mga pangunahing pagkilos na conversion.

Lookback window

Gamitin ang kontrol na "Lookback window" para isaayos ang lookback window ng isang ulat sa attribution sa 30, 60, o 90 araw. Magpapakita ng 30 araw na lookback window ang karamihan ng mga ulat kapag binuksan mo ang mga ito.

Tandaan: Iba ang kontrol na "Lookback window" kaysa sa setting na "Palugit ng conversion."

Tinutukoy ng lookback window sa mga ulat sa attribution kung gaano kalayo sa nakaraan mula sa mga ad interaction ng isang conversion ang kwalipikado para sa credit sa attribution. Halimbawa, isinasaalang-alang ng 30 araw na lookback window ang mga ad interaction na nangyari mula Disyembre 31 hanggang Enero 30 kapag naglalaan ng credit para sa isang conversion na nangyari nang Enero 30.

Ang palugit ng conversion ay ang yugto ng panahon pagkatapos ng ad interaction kung kailan nagtala ng conversion sa Google Ads. Matuto pa tungkol sa mga palugit ng conversion

May isa pang opsyon sa lookback window ang ulat sa "Paghahambing ng modelo" kaysa sa iba pang ulat. Itinatakda ng "Default" na opsyon ang lookback window ng ulat sa parehong dami ng mga araw na napili mong bilang palugit ng conversion para sa bawat pagkilos na conversion sa Mga Tool > Pagsukat > Mga Conversion.

Ang ulat na "Pangkalahatang-ideya"

Nagbibigay sa iyo ang ulat na "Pangkalahatang-ideya" ng malawak na view ng mga conversion path. Nagsasabi ito sa iyo ng impormasyon gaya ng kung ilang araw at ad interaction ang inabot bago nag-convert ang mga user, ilan sa mga conversion mo ang may mga kasamang ad interaction sa mahigit sa isang device, at aling mga campaign ang pinakaepektibo sa pagtulong sa mga conversion. Nagbibigay ito ng mahalagang insight sa mga hakbang ng iyong mga customer patungo sa conversion.

Ang ulat sa "Mga conversion path"

Ipinapakita sa iyo ng ulat sa "Mga conversion path" ang mga pinakakaraniwang path na ginagawa ng mga customer mo para makakumpleto ng conversion. Ibinibigay nito ang impormasyong ito batay sa mga ad na na-click ng iyong mga customer bago nagkaroon ng conversion. Sa ulat na ito, makakakita ka ng mas maraming detalye sa pamamagitan ng pagpili ng mga opsyon mula sa mga drop-down na menu.

Menu na "View"

Bilang default, nagpapakita ang ulat ng mga path, na nagbibigay ng detalyadong view ng mga pagkakasunod-sunod ng mga ad interaction ng mga user bago ang conversion. Ang mga sunod-sunod na ad interaction na may iisang value ng dimensyon ay pinagsasama-sama sa iisang touchpoint na nagpapakita ng dami ng mga naulit na interaction.

Piliin ang Mga transition path mula sa menu na "View" sa itaas ng ulat para makakita ng mas malawak na view ng mga pagkakasunod-sunod ng mga ad interaction ng mga user bago ang conversion. Itinuturing ng mga transition path ang mga sunod-sunod na ad interaction na may iisang value ng dimensyon bilang isang interaction. Kapaki-pakinabang ito para makita kung paano kumikilos ang mga customer sa iba't ibang keyword, ad group, o campaign sa path nila patungo sa conversion.

Dimensyong "Mga Device"

Piliin ang dimensyong Mga Device para makita ang mga path na hinati-hati ayon sa mga device ng iyong audience, kung saan ipapakita namin ang uri ng device (desktop, tablet, mobile). Para sa magkaibang device ang dalawang magkatabing element sa path, pero hindi ibig sabihin ay iba ang uri ng device nito. Nagbibigay-daan ito sa iyong suriin ang pagkakasunod-sunod kung saan karaniwang gumagamit ang mga tao ng iba't ibang device bago sila kumumpleto ng conversion.

Ang ulat sa "Mga sukatan ng path"

Ipinapakita ng ulat sa "Mga sukatan ng path" kung gaano katagal--at kung ilang interaction--ang aabutin bago mag-convert ang mga user. Ipinapakita rin nito kung ilang conversion ang nangyari pagkatapos ng isang partikular na bilang ng mga araw o interaction, at kung magkano ang halaga ng mga conversion na iyon.

"Avg. na mga araw/oras bago ang conversion"

Bilang default, "Avg. na mga araw bago ang conversion" ang ipinapakita ng ulat. Sinasabi sa iyo ng view na ito kung gaano katagal ang inaabot bago makakumpleto ng conversion ang isang customer, gamit ang isang row para sa bawat araw bago ang conversion mula sa huling ad interaction.

Gamitin ang drop-down na menu na "Sukatin mula" para ipakita ang oras na nasukat mula sa una o sa huling ad interaction. Gamitin ang drop-down na menu na "Sukatin sa" para piliin ang Mga Araw o Mga Oras.

Makakapagbigay sa iyo ang view na "Avg. na mga araw/oras bago ang conversion" ng insight sa haba ng cycle ng iyong mga online na benta. Kung agarang call-to-action ang iyong mga ad, gaya ng isang araw na sale o pag-sign up para sa isang event, gugustuhin mong makakita ng mas kaunting araw/oras bago ang conversion. Kung nagpapagana ka ng campaign para sa kaalaman sa brand, baka mas angkop ang mas mahahabang time lag (ibig sabihin, mas maraming araw/oras bago ang conversion). Magagamit mo ang impormasyong ito para makatulong sa iyong maunawaan kung gumagana ang mga campaign mo sa paraang inaasahan mo, at para tukuyin kung anong palugit ng conversion ang pinakaangkop para sa bawat pagkilos na conversion.

"Avg. na mga interaction bago ang conversion"

Para makita kung ilang interaction ang inaabot bago mag-convert ang mga user, piliin ang tab na Avg. na mga interaction bago ang conversion. Magagamit mo ang view na ito para makita kung anong uri ng dalas ang pinakamahalaga para sa paghimok sa mga conversion. Tandaan, ang ipinapakita lang ng ulat na ito ay ang mga keyword at ad sa iyong Google Ads account, kaya kung mukhang mas maikli ang mga path na ito kaysa sa posibleng inaasahan mo, iyon ang dahilan.

Ang ulat sa "Mga tinulungang conversion"

Ipinapakita ng ulat sa "Mga tinulungang conversion" kung gaano kadalas lumabas sa conversion path ang isang partikular na network, campaign, ad group (o iba pang value ng dimensyon). Kung tumulong ang isang ad interaction (ibig sabihin, isang pag-click o Engaged-view na conversion sa YouTube) sa isang conversion, pero hindi ito ang ad interaction na nangyari bago mismo ang conversion na iyon, tinatawag itong "tulong na pag-click at panonood." Kung nangyari ang isang ad interaction bago mismo ang isang conversion, tinatawag itong "Conversion ng huling pag-click." Puwedeng magkaroon ng maraming tumutulong na ad interaction bago ang isang conversion, kaya malamang na makakakita ka ng mas maraming "Mga tulong na pag-click at panonood" kaysa sa kabuuang mga conversion.

Halimbawa, tingnan ang sumusunod na conversion path:
 
     YouTube > Search > YouTube > YouTube
 
Sa sitwasyong ito, makakakuha ang YouTube ng dalawang "Mga tulong na pag-click at panonood" (para sa una at ikatlong interaction) at isang "Conversion ng huling pag-click" (para sa ikaapat na interaction).

Napakahusay na resource ng ulat na ito para mabilis na matukoy kung alin sa iyong mga pagsisikap sa pag-advertise ang nakakatulong na mahimok ang pinakamaraming conversion. Baka makita mong huling pag-click para sa napakakaunting conversion ang ilang keyword, pero ang totoo, nakatulong ang mga ito sa maraming conversion. Sa mga ganoong sitwasyon, mapipili mong subukang dagdagan ang puhunan sa mga keyword na ito para malaman kung makakahimok ka ba ng mas maraming conversion para sa iyong negosyo.

Ang ulat sa "Paghahambing ng modelo"

Ang modelo ng attribution ay ang panuntunan, o hanay ng mga panuntunan, na tumutukoy kung paano itatalaga sa mga hakbang sa mga conversion path ang credit para sa mga conversion. Matuto pa tungkol sa ulat sa "Paghahambing ng modelo" at alamin kung paano gamitin ang mga modelo ng attribution sa Tungkol sa mga modelo ng attribution.

Data ng conversion sa mga ulat sa attribution vs. page na "Mga Campaign"

Posibleng may mga pagkakaiba sa data ng conversion sa iyong mga ulat sa attribution at sa page na "Mga Campaign." Dahil ito sa mga pagkakaiba sa kung paano binibilang ang mga conversion sa iba't ibang network, oras ng event, at mga source ng conversion.

Makakatulong sa iyo ang mga ulat sa attribution na tantyahin kung paano posibleng makaapekto sa pag-uulat ng conversion ang modelo ng attribution. Makakatulong sa iyo ang mga conversion sa page na "Mga Campaign" na suriin at i-optimize ang performance pagkatapos mong mabago ang iyong modelo ng attribution. Makikita mo rin ang dating performance sa mga ulat sa attribution sa pamamagitan ng paggamit sa mga column na "kasalukuyang modelo."

Paano nagbabago-bago ang pag-uulat

Ganito iniuulat sa magkaibang paraan ang mga conversion sa mga ulat sa attribution kumpara sa page na "Mga Campaign":

  Mga ulat sa attribution Page na "Mga Campaign"
Oras ng event Oras ng conversion Oras ng ad query bago ang pag-click na humantong sa conversion (Magdagdag ng mga column na "ayon sa Oras ng conv." sa page na "Mga Campaign" para tumugma sa oras ng pag-uulat sa mga ulat sa attribution)
Saklaw na network

Search Network, YouTube (kasama ang mga partner sa video ng Google), Google Display Network, at Discover

Tandaan: Lalagyan ng label na “Cross-Network” ang mga Performance Max at Demand Gen campaign.

Search Network (kasama ang mga partner sa Search), YouTube (kasama ang mga partner sa video ng Google), Google Display Network, Gmail, Google Maps, App, at Discover
Saklaw na campaign

Search, Shopping (including Smart Shopping), Video, Display (hindi kasama ang magbayad para sa mga conversion), at Demand Gen

Hindi pa sinusuportahan ang mga app campaign.

Search, Shopping (kasama ang Smart Shopping), Video, Display, Demand Gen, App, Hotel
Saklaw na format ng video

Sequence ng ad, Bumper, Hindi nalalaktawang in-stream, Nalalaktawang in-stream

Bumper, Masthead, Hindi nalalaktawang in-stream, Outstream, Nalalaktawang in-stream, In-feed na video
Saklaw na conversion

Pagsubaybay sa conversion ng Google Ads*, layunin at pag-import ng conversion ng Google Analytics (kasama ang mga conversion sa Android app), pag-import ng offline na conversion, mga conversion ng tawag (click to call, pag-import ng tawag, mga conversion ng tawag sa website), at mga conversion sa app

*Tandaan: Sinusuportahan ang Mga Engaged view conversion (EVC) sa mga property sa Google Ads at Google Analytics 4 (GA4), pero hindi sinusuportahan sa kasalukuyang ang mga conversion na na-attribute sa mga impression (VTC) sa GA4.

Lahat ng source sa mga ulat sa attribution, dagdag pa ang mga conversion na mga pagbisita sa tindahan
Mga palugit ng history

Nalalapat ang "mga palugit ng conversion" sa mga ulat sa attribution gaya ng sa page na "Mga Campaign."

Bukod pa rito, puwede kang gumamit ng "lookback window" sa mga ulat sa attribution para matukoy kung gaano kalayo sa nakaraan mula sa isang conversion ang mga gusto mong isamang ad interaction para sa data sa mga ulat. Halimbawa, puwedeng ang isaalang-alang mo lang ay ang mga ad interaction na 30 araw mula sa mga conversion (anuman ang mga palugit ng conversion ng mga conversion na iyon).

Mayroon ding opsyong "Default" na lookback window ang ulat sa "Paghahambing ng modelo." Itinatakda ng opsyong "Default" ang lookback window para sa bawat conversion sa palugit ng conversion nito.

May itinatakdang "palugit ng conversion" para sa bawat pagkilos na conversion sa Mga Tool > Pagsukat > Mga Conversion. Hindi binibilang sa Google Ads ang anumang conversion na walang naunang ad interaction na pasok sa palugit ng conversion nito. Matuto pa Tungkol sa mga palugit ng conversion.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16044050261255724484
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false