Mga FAQ sa pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan

Tutulungan ka ng artikulong ito sa mga madalas itanong tungkol sa mga pagbisita sa tindahan.

Pagiging kwalipikado sa mga pagbisita sa tindahan

  1. Bakit hindi ko makita ang pagkilos na conversion na mga pagbisita sa tindahan sa aking account?
  2. Gaano katagal bago magsimulang mag-ulat ang account ko ng mga pagbisita sa tindahan pagkatapos kong magdagdag ng mga asset para sa lokasyon o asset para sa lokasyon ng affiliate?
  3. Ilang pag-click ang kailangan ko para maging kwalipikado sa pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan?
  4. Bakit hindi ko mapili ang mga layuning “Mga pagbisita sa tindahan” sa aking Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan?

Pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan sa level ng manager account

  1. Dapat ko bang subaybayan ang mga pagbisita sa tindahan sa level ng manager account sa Google Ads o account ng kliyente?
  2. Bakit sa ilang account, hindi ipinapakita ang anumang pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan at ipinapakita ang pagkilos na conversion bilang “nakabinbin,” kahit na naka-set up ang pagsubaybay sa conversion sa level ng manager account?

Pag-uulat ng mga conversion na mga pagbisita sa tindahan

  1. Bakit nakakakita ako ng pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan para sa mga araw na sarado ang tindahan ko?
  2. Bakit ipinapakita ng aking ulat sa lag ng conversion ang karamihan sa mga conversion na nangyari sa loob ng wala pang 3 araw, pero wala akong nakikitang anumang pagbisita sa tindahan sa nakalipas na 5 araw?
  3. Bakit ako nakakakita ng magkakaibang dami ng mga pagbisita sa tindahan para sa parehong yugto ng panahon kapag tinitingnan ko ito sa iba't ibang oras?
  4. Bakit ako nakakakita ng mga pagbabago-bago ng performance ng mga pagbisita sa tindahan?

Mga pagbisita sa tindahan sa ulat na ‘Mga Tindahan’

  1. Bakit pareho lang ang ipinapakita ng pag-uulat kong ‘Mga Tindahan’ na bilang ng mga pagbisita para sa iba't ibang dami ng mga impression ng lokal na abot?
  2. Bakit ako nakakakita ng mga pag-uulat ng pagbisita sa tindahan para sa mga hindi naaprubahang asset para sa lokasyon?
  3. Bakit hindi ko na nakikita ang nakaraang data sa ulat na ‘mga tindahan?’

Pagiging kwalipikado sa mga pagbisita sa tindahan

1. Bakit hindi ko makita ang pagkilos na conversion na mga pagbisita sa tindahan sa aking account?

Kapag natugunan ng isang account ang mga requirement, awtomatikong gagawin ang pagkilos na conversion na pagbisita sa tindahan sa account.

2. Gaano katagal bago magsimulang mag-ulat ang account ko ng mga pagbisita sa tindahan pagkatapos kong magdagdag ng mga asset para sa lokasyon o asset para sa lokasyon ng affiliate?

Hindi kami makakapagbigay ng gabay na magbibigay ng garantiyang magiging kwalipikado ang isang account para sa pag-uulat ng pagbisita sa tindahan.

Kapag natugunan ng isang account ang mga requirement, awtomatikong gagawin ang pagkilos na conversion na pagbisita sa tindahan sa account.

3. Ilang pag-click ang kailangan ko para maging kwalipikado sa pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan?

Hindi kami makakapagbigay ng gabay na magbibigay ng garantiyang magiging kwalipikado ang isang account para sa pag-uulat ng pagbisita sa tindahan. Gayunpaman, makikita sa ibaba ang ilang hakbang na puwede mong gawin para pataasin ang mga pagkakatong maging kwalipikado ka:

  • Pataasin ang pangkalahatang dami ng pag-click sa account sa pamamagitan ng pagtataas ng mga bid at/o pagtataas ng mga badyet, o paggawa ng Performance Max campaign para sa mga layunin ng tindahan na nag-o-optimize sa mga lokal na pagkilos.
  • Siguraduhing kasama ang lahat ng lokasyon mo sa naka-link na account ng Profile ng Negosyo.
  • Siguraduhing naka-enable ang mga asset para sa lokasyon para sa lahat ng campaign. Hindi kwalipikado sa mga pagbisita sa tindahan ang mga campaign na nag-opt out sa mga asset para sa lokasyon.
  • I-optimize ang iyong mga campaign para sa mga pagbisita sa tindahan sa pamamagitan ng:
    • pagtataas ng mga bid sa mobile
    • pagsasama ng mga lokal na keyword gaya ng ‘malapit sa akin’
  • Magdagdag ng mga kategorya sa pamimili na malamang na i-research ng mga user online at bilhin offline.

4. Bakit hindi ko mapili ang mga layuning “Mga pagbisita sa tindahan” sa aking Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan?

  • Para i-optimize ang iyong campaign sa layunin sa conversion na mga pagbisita sa tindahan, dapat munang matugunan ng account mo ang lahat ng requirement sa pagbisita sa tindahan, at pagkatapos nito, awtomatiko nang gagawin ang pagkilos na conversion.
  • Kung hindi pa kwalipikado ang iyong account para sa pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan, pag-isipang mag-optimize sa Mga Lokal na Pagkilos sa iyong mga Performance Max campaign para sa mga layunin sa tindahan. Matuto pa Tungkol sa Performance Max para sa mga layunin sa tindahan.

Pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan sa level ng manager account

1. Dapat ko bang subaybayan ang mga pagbisita sa tindahan sa level ng manager account sa Google Ads o account ng kliyente?

  • Pareho lang ang lohikang nalalapat dito at sa mga online na conversion. Kapag posibleng malantad ang sinumang partikular na user sa mga ad mula sa ilang account ng kliyente, karaniwan, pinakamahusay na kagawiang gumamit ng cross-account na pagsubaybay sa conversion para maiwasang madoble ang pagsubaybay sa mga conversion. Tandaang hindi sinusuportahan ang pagsubaybay sa conversion sa parehong level.
  • Kung mayroon kang manager account sa Google Ads, puwedeng tingnan ang mga pagbisita sa tindahan sa level ng manager account o account ng kliyente anumang oras. Kung naka-set up ang pagsubaybay sa conversion sa level ng manager account, ide-deduplicate ang mga pagbisita sa tindahan sa lahat ng account ng kliyente.
  • Kung naka-set up ang pagsubaybay sa conversion sa level ng manager account, ang bilang ng mga pagbisita sa tindahan sa level ng manager account ay palagi dapat katumbas ng kabuuan ng mga pagbisita sa tindahan para sa lahat ng account ng kliyente na sumusubaybay sa mga conversion na mga pagbisita sa tindahan sa ilalim ng manager account.

2. Bakit sa ilang account, hindi ipinapakita ang anumang pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan at ipinapakita ang pagkilos na conversion bilang “nakabinbin,” kahit na naka-set up ang pagsubaybay sa conversion sa level ng manager account?

  • Bagama't puwedeng iulat ang mga pagbisita sa tindahan sa level ng manager account, dapat matugunan ang mga requirement sa pagiging kwalipikado sa level ng sub-account, hindi sa level ng manager account. Dapat matugunan ng bawat sub-account ang mga requirement sa pagiging kwalipikado nang mag-isa para makapag-ulat ng mga pagbisita sa tindahan.
  • Bagama't puwedeng iulat ang mga pagbisita sa tindahan sa level ng manager account, hindi lahat ng sub-account ay kwalipikadong mag-ulat ng mga pagbisita sa tindahan. Kahit ang 2 account na mukhang magkapareho ay posibleng hindi makatugon sa mga requirement sa pagiging kwalipikado nang sabay.

Pag-uulat ng mga conversion na mga pagbisita sa tindahan

1. Bakit nakakakita ako ng pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan para sa mga araw na sarado ang tindahan ko?

Ina-attribute ang mga pagbisita sa mga interaction sa ad, tulad ng mga pag-click o impression. Ibig sabihin, inuulat ang mga pagbisita sa petsa ng interaction, hindi sa petsa ng aktwal na pagbisita.

2. Bakit ipinapakita ng aking ulat sa lag ng conversion ang karamihan sa mga conversion na nangyari sa loob ng wala pang 3 araw, pero wala akong nakikitang anumang pagbisita sa tindahan sa nakalipas na 5 araw?

May karaniwang pagkaantala sa pag-uulat para sa mga pagbisita sa tindahan, at ang ibig sabihin nito, puwede kang makakita ng 0 conversion para sa nakaraang 5 araw. Inuulat ang mga pagbisita sa tindahan batay sa araw ng interaction, pero puwedeng magtagal bago mangyari ang mga aktwal na pagbisita at bago maiulat ng modelo ang iyong mga pagbisita. Matuto pa tungkol sa Pag-troubleshoot sa pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan.

3. Bakit ako nakakakita ng magkakaibang dami ng mga pagbisita sa tindahan para sa parehong yugto ng panahon kapag tinitingnan ko ito sa iba't ibang oras?

Madalas gumana ang aming modelo, at palagi itong nag-a-update para makapagbigay ng tumpak na pag-uulat para sa iyong mga pagbisita sa tindahan. Ibig sabihin, makikita mong nagbabago ang halaga ng mga pagbisita sa tindahan sa mga kamakailang araw habang nangongolekta ng updated na impormasyon ang modelo. Inirerekomenda naming maghintay hanggang sa matapos ang palugit ng conversion bago tingnan ang iyong pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan. Matuto pa tungkol sa pag-uulat sa conversion na Mga Pagbisita sa Tindahan.

4. Bakit ako nakakakita ng mga pagbabago-bago ng performance ng mga pagbisita sa tindahan?

Kung malaki ang pinagbago ng mga pagbisita sa tindahan sa iyong account o matagal nang tuluyang huminto ang mga ito sa pag-uulat, may 2 posibleng dahilan.

  • Mga pagbabago sa gawi ng customer: Puwedeng magbago ang gawi ng customer sa kabuuan ng taon. Puwedeng makaapekto sa trapiko sa iyong tindahan ang mga pagbabago gaya ng panahon o mga kasalukuyang pangyayari.
  • Mga pagbabago sa setup ng account: Puwedeng direktang makaapekto sa mga conversion mong pagbisita sa tindahan ang mga pagbabago sa iyong Profile ng Negosyo, mga asset para sa lokasyon, asset para sa lokasyon ng affiliate, mga setting ng conversion (halimbawa, palugit ng conversion o status ng conversion), pag-target sa lokasyon, at higit pa. Kung nag-aalala ka na nagbago ang mga pagbisita sa tindahan, tiyaking tama at hindi nagbago ang setup ng account para sa mga pagbisita sa tindahan.

Puwede mong gamitin ang troubleshooter ng pag-uulat ng mga pagbisita sa tindahan kung may mga tanong ka pa sa mga pagbabago-bago ng performance ng mga pagbisita sa tindahan.


Mga pagbisita sa tindahan sa ulat na ‘Mga Tindahan’

1. Bakit pareho lang ang ipinapakita ng pag-uulat kong ‘Mga Tindahan’ na bilang ng mga pagbisita para sa iba't ibang dami ng mga impression ng lokal na abot?

Ipinapakita ng column na Lokal na Abot ang bilang ng beses na ipinakita ang ad na batay sa lokasyon ng isang tindahan. Hindi palaging ang mga impression na ito ang nakapaghatid ng conversion sa parehong row. Kapag masyadong magkakalapit ang mga tindahan, talagang posibleng makakita ang isang end user ng impression ng “tindahan A” at nauuwi sa pag-convert sa “tindahan B,” na puwedeng magpaliwanag sa magkakaibang resulta ng lokal na abot na may pare-parehong conversion na pagbisita sa tindahan. Alamin kung paano Tingnan ang ulat sa tindahan.

2. Bakit ako nakakakita ng mga pag-uulat ng pagbisita sa tindahan para sa mga hindi naaprubahang asset para sa lokasyon?

Dahil sinusukat ng mga pagbisita sa tindahan ang offline na pagkilos ng user, hindi maaapektuhan ng mga hindi pag-apruba sa asset para sa lokasyon at paghahatid ang kakayahan naming mag-attribute ng mga pagbisita sa nauugnay na tindahan.

3. Bakit hindi ko na nakikita ang nakaraang data sa ulat na ‘mga tindahan?’

Na-upgrade ang mga asset para sa lokasyon noong buong 2023 para magbigay-daan sa mga bagong feature at gawing hindi masyadong kumplikado ang paggawa at pamamahala ng asset. Sa tab na Editor ng Ulat na lang makikita ang dating data tungkol sa mga tindahan. Matuto pa Tungkol sa pag-upgrade ng mga asset.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11126473003338160463
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false