Nag-aalok ang mga Demand Gen campaign ng maraming feature na dinisenyo para sa mga social advertiser na gustong maghatid ng magagandang tingnang ad na nasa iba't ibang format sa mga taong nag-iisip na bumili. Matuto pa Tungkol sa mga Demand Gen campaign.
Nag-aalok na ngayon ang mga Demand Gen campaign ng mga kontrol sa level ng creative para sa mga asset na video, na nagbibigay-daan sa iyong piliin kung aling video ang lalabas sa bawat format. Tinitiyak nito ang optimal na paghahatid ng creative at pinapahusay nito ang iyong mga kakayahan sa pagkukuwento. Alamin kung paano gumagana ang mga kagustuhan sa creative na ito at tuklasin ang pinakamahuhusay na kagawian para malubos ang epekto ng mga ito.
Paano ito gumagana
Sa mga kagustuhan sa creative, makokontrol mo kung saan ihahatid ang iyong mga asset na video, kaya maiuugnay ang mga asset na video mo sa isang partikular na format. May 3 format ng ad na available:
- Nagpe-play ang in-stream bago mag-play, habang nagpe-play, o pagkatapos mag-play ng iba pang video. Pagkalipas ng 5 segundo, may opsyon ang manonood na laktawan ang ad.
- Sinasaklaw ng in-feed ang mga feed ng Youtube (panoorin ang susunod, home, paghahanap), Discover, at Gmail.
- Ang Shorts o YouTube Shorts ay ang feed ng short-form video ng YouTube. Puwedeng laktawan ng mga user ang ad anumang oras.
Matuto pa Tungkol sa mga format ng Video ad.
Paano itakda ang kagustuhan sa creative
- Gumawa ng bagong Demand Gen Video ad o baguhin ang isang dati nang ad.
- Magdagdag ng mga video sa ad.
- Para piliin kung saan lalabas ang iyong mga video, i-enable ang setting sa “Piliin kung saan ipapakita ang iyong mga video."
- Tandaan: Kung hindi ka gagawa ng anumang pagbabago, lalabas ang iyong mga video sa “lahat ng format” bilang ang default na gawi sa paghahatid para sa mga Demand Gen ad ngayon.
- Magagamit mo na ngayon ang setting na “lumabas sa” para piliin kung saan mo gustong lumabas ang iyong video, sa pamamagitan ng pagpili o pag-deselect sa mga format.
- Kung isa lang ang video mo sa ad, ihahatid ang video na iyon sa “lahat ng format.”
- Para magkaroon ng ganap na kontrol sa iyong mga kagustuhan, dapat na mayroon kang video na nakatalaga sa bawat format (in-feed, in-stream, at shorts), o video para sa lahat ng format. Nagbibigay ito ng pinakamalaking kontrol at nangangailangan ng hindi bababa sa 3 video para magawa.
- Tapusin ang pag-populate ng iyong ad sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga logo, text, at mga setting ng URL.
- I-preview ang magiging hitsura ng iyong ad sa pamamagitan ng pag-toggle sa “Ayon sa Property” para gawing “Ayon sa Format” sa kanang sulok sa itaas ng preview ng iyong ad.
- I-save ang iyong ad.
Pinakamahuhusay na kagawian para sa mga kagawian sa creative
Magdagdag ng mga asset na nakakatugon sa mga kinakailangan sa format
Kung hindi natutugunan ng isang asset ang mga kinakailangan para sa format na iyon, hindi ito puwedeng piliin para sa format na iyon. May lalabas na tala na naglalarawan sa dahilan kung bakit hindi natutugunan ng video ang mga kinakailangan sa format. Matuto pa tungkol sa Mga kinakailangan sa video ad.
Ulitin gamit ang pag-segment ayon sa format
Suriin ang iyong dating performance ng campaign gamit ang pag-segment ng ulat. Sa level ng campaign, mag-segment ayon sa ‘format ng ad’ para makita kung anong mga ad ang pinakamahusay na gumagana sa bawat format. Iangkop ang iyong mga creative para patuloy na magningning ang mga pinakamahusay na attribute para sa mga nauugnay na format ng mga ito. Matuto pa Tungkol sa mga sukatan at pag-ulat ng Demand Gen campaign.