Mga Pagkakaiba sa Mga Pag-click at Mga Session para sa mga Demand Gen campaign at GA4: Pag-troubleshoot

May ilang dahilan kung bakit magkaiba ang iniuulat na bilang ng mga pag-click at mga session ng Google Ads at Analytics. Posibleng may teknikal na problema sa Mga Pag-click at Mga Session, gaya ng maling na-configure o nawawalang tracking code sa isang landing page. Sa ibang pagkakataon, kapag sabay na tiningnan ng mga customer ang data sa Google Ads at Analytics, hindi magkatugma ang Mga Pag-click at Mga Session sa kanilang mga ulat. Ang pagkakaroon ng mas maraming session kaysa pag-click ay nagsasaad ng positibong engagement na isa sa mga karaniwang tanong tungkol sa Mga Pag-click sa Google Ads at Mga Session sa Analytics. Bagama't nakasentro ang mga paksang ito sa Google Analytics, puwedeng malapat ang mga parehong konsepto sa pagsubaybay ng sinumang third party na naka-integrate sa Demand Gen.

Puwede mo ring tingnan ang impormasyong ito sa pamamagitan ng troubleshooter.

Tatalakayin sa artikulong ito ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaiba sa Mga Pag-click at Mga Session para sa mga Demand Gen campaign:

Magkaibang sukatan ang Mga Pag-click at Mga Session

Sinusubaybayan ng Google Ads ang Mga Pag-click, habang sinusubaybayan naman ng Analytics ang Mga Session. Kung iki-click ng isang user ang iyong ad nang 2 beses sa loob ng 30 minuto nang hindi isinasara ang browser, inirerehistro ito ng Analytics bilang isang session, kahit na umalis ang user sa iyong site at bumalik siya pagkalipas ng ilang sandali. Halimbawa, kung na-click ng isang user ang iyong ad nang isang beses at na-click niya ang button na bumalik, at pagkatapos ay na-click niya ulit ang iyong ad, dalawang pag-click ang irerehistro ng Google Ads habang isang session ang irerehistro ng Analytics.


Fini-filter ng Google Ads ang mga invalid na pag-click mula sa iyong ulat. Ipinapakita ng Analytics ang lahat ng data

Awtomatikong fini-filter ng Google Ads ang ilang partikular na pag-click mula sa iyong mga ulat, habang iniuulat naman ng Analytics ang lahat ng nagresultang session. Ang mga pag-click na na-filter mula sa iyong mga ulat sa Google Ads ay ang mga instance ng paulit-ulit na pag-click ng isang tao sa ad mo para mapalaki ang iyong mga gastos o para mapataas ang clickthrough rate mo. Itinuturing na invalid ng Google Ads ang mga pag-click na ito at awtomatiko nitong fini-filter ang mga iyon mula sa iyong mga ulat sa Google Ads. Hindi sisingilin sa iyo ang mga potensyal na invalid na pag-click na ito.


Na-off mo ang auto-tagging para sa iyong mga URL sa Google Ads account mo

Kung naka-off ang auto-tagging, at hindi mo manual na na-tag ang mga final URL ng mga variable ng pagsubaybay sa campaign, hindi minamarkahan ang trapiko bilang Google CPC (mga pag-click na nagmula sa mga ad sa Google Ads), pero sa halip ay puwede itong i-attribute sa Google Organic (mga pag-click mula sa mga organic na resulta ng paghahanap sa Google.com). Tiyaking naka-on ang auto-tagging o may mga variable ng pagsubaybay sa campaign na naidagdag sa dulo ng bawat final URL sa iyong Google Ads account.

Alamin kung paano i-enable ang autotagging.


Siguraduhing tama ang iyong Mga Setting ng Pag-import at Pag-export sa Google Ads

Kung sigurado kang magka-link ang mga account at hindi ka pa rin nakakakita ng data ng pag-click o gastos, tingnan kung napili mo ang opsyong i-import ang data mula sa naka-link na account papunta sa pinag-uusapang view.

Alamin kung paano i-edit ang iyong Mga Setting ng Pag-import at Pag-export sa Google Ads.


Ang iyong site ay may pag-rewrite ng server-side na URL

Posibleng masira ang iyong panuntunan sa pag-rewrite lapag naglagay ka ng mga karagdagang parameter sa iyong URL. May maliit na porsyento ng mga website na nagbabawal sa mga arbitrary na parameter sa URL at dahil dito, naghahatid ang mga iyon ng mga page ng error kapag isinama mo ang mga parameter na iyon. Iminumungkahi naming hilingin mo sa iyong webmaster na payagan ang mga arbitrary na parameter ng URL.


Posibleng mag-redirect sa ibang page ang iyong landing page

Puwedeng mahadlangan ng mga pag-redirect sa mga landing page ang paglulunsad ng code ng Analytics at ang tamang pagtukoy sa trapiko bilang nagmula sa isang campaign ng bayad na paghahanap. Halimbawa, kung humahantong ang iyong ad sa http://www.mydomain.com/index.html, pero gumawa ka ng 301, 302, o JavaScript na pag-redirect mula sa URL na iyon papunta sa http://www.mydomain.com/page2.html, mawawala ang impormasyon ng campaign na orihinal na idinagdag sa landing page kapag nag-redirect ito.

Alamin kung paano subaybayan ang mga nagre-redirect na page.


Tiyaking sinusubaybayan ang landing page para sa iyong mga ad

Kung hindi sinusubaybayan ang landing page para sa iyong mga ad, hindi maipapasa sa Analytics ang impormasyon ng campaign mo. Siguraduhing sinusubaybayan mo ang lahat ng landing page para sa iyong mga Google ad.


Posibleng itinakda ng mga user ang kanilang mga kagustuhan sa browser sa mga paraang pumipigil sa pangongolekta ng data ng Analytics na ginagamit sa mga website

Posibleng na-off ng mga user na pumapasok sa iyong website sa pamamagitan ng Google Ads ang JavaScript o mga larawan, o posibleng gumagamit sila ng iba pang teknolohiya para pigilan ang pag-uulat ng Analytics tungkol sa mga user ng iyong website (gaya ng pag-install ng add-on sa browser para sa pag-opt out sa Analytics). Sa ilang sitwasyon, posibleng hindi maiulat ng Analytics ang mga user na ito, pero iniuulat sila sa pamamagitan ng Google Ads.


Tiyaking nalo-load nang maayos ng iyong landing page ang code

Ang mga pag-click na iniulat sa Google Ads pero hindi sa Analytics ay posibleng resulta ng hadlang sa pagitan ng event ng pag-click sa Google Ads at kakayahang i-load ang tracking code sa landing page. Kung ganito ang sitwasyon, siguraduhing gumagana nang maayos ang iyong mga server ng web hosting, naglo-load ang page para sa lahat ng posibleng user at IP, at na-install nang tama ang tracking code sa mga web page mo.

Alamin kung paano suriin kung na-install mo nang tama ang code ng Analytics.


Bumabalik ang mga user sa buong tagal ng campaign

Sa buong tagal ng isang partikular na campaign, ina-attribute sa isang campaign na iyon ang isang bumalik na user sa iyong site. Sa mga ganoong sitwasyon, makakaasa kang makakita ng mas maraming session kaysa sa mga pag-click. Para makita ang bilang ng mga session mula sa mga bumalik na user, i-cross segment ang campaign ayon sa Uri ng User.


Bumabalik ang mga user sa iyong site sa pamamagitan ng mga bookmark

Ginagamit ng Analytics ang parameter na gclid sa iyong mga final URL para matukoy ang trapiko mula sa mga ad sa Google Ads. Lumalabas ang parameter na gclid sa URL ng iyong landing page kapag may dumating na user sa site mo mula sa iyong ad. Halimbawa, kung ang iyong site ay www.example.com, kapag nag-click ang isang user sa iyong ad, lalabas ito sa address bar bilang:

www.example.com/?gclid=123xyz

Kung ibu-bookmark ng mga user ang iyong website kasama ang parameter na gclid, itatala ng Analytics ang trapiko mula sa mga bookmark na ito na nagmumula sa mga ad mo sa Google Ads. Gayunpaman, hindi itinatala ng Google Ads ang mga pag-click at hindi sinisingil ang mga advertiser para sa mga session na ito dahil hindi mga aktwal na pag-click sa mga ad ang mga ito.


May mga pagkaantala sa server

Kung dumating ang isang user sa iyong site mula sa isang ad, at pagkatapos ay umalis siya sa landing page bago tumakbo ang tracking code, hindi ipapasa ang parameter na gclid sa mga server ng Google kahit kailan, at hindi iuugnay sa session ang pag-click na iyon. Ang resulta ay pagkakaiba sa mga pag-click at mga session.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16729742894844785504
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false