Tungkol sa pagbubukod ng URL sa Performance Max

Kung mayroon kang mga page na kailangang ibukod para hindi mapadlhan ng trapiko, puwede mong gamitin ang pagbubukod ng URL o mga panuntunan ng parameter ng URL. Halimbawa, kung ayaw mong maidirekta ang mga customer sa mga hindi pangkomersyal na page o seksyon ng iyong website, puwede mong ibukod ang mga page na iyon gamit ang mga pagbubukod ng URL.

Tandaan: Hindi puwedeng ibukod ang Final URL ng iyong campaign sa Performance Max campaign mo gamit ang mga pagbubukod ng pagpapalawak ng URL. Ihahatid at makakatanggap pa rin ito ng trapiko kapag ibinukod. Halimbawa, kung ang Final URL ng iyong campaign ay www.example.com at ibinukod mo ang www.example.com sa pag-expand ng URL, ihahatid pa rin ang www.example.com at makakatanggap ito ng trapiko para sa iyong campaign.

Kung gusto mong ibukod ang iyong homepage sa paghahatid, puwede kang pumili ng mas partikular na landing page, tulad ng www.example.com/page, at pagkatapos ay ibukod ang homepage mo (www.example.com).


Magbukod ng mga URL

Kung mayroon kang mga partikular na URL na ayaw mong maisama sa iyong Performance Max campaign, puwede mong ilagay ang mga URL nang isa-isa at hindi ihahatid ang mga iyon sa mga ad (halimbawa, ang page ng mga career mo).

Mga panuntunan sa pagbubukod

Kung mayroon kang mga partikular na URL o buong kategorya ng iyong site na ayaw mong ipakita sa mga ad mo (halimbawa, kung hindi mo na ipagpapatuloy ang isang brand at ayaw mo nang i-advertise ang mga produkto nito), puwede kang gumawa ng panuntunan na isinasama ang www.domain.com/brand at ibinubukod ang www.domain.com/brand/product1, www.domain.com/brand/product2, o anupamang page kung saan ayaw mong maghatid ng mga ad.


Mga tagubilin para magbukod ng mga URL

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Hanapin ang row kung nasaan ang Performance Max campaign na gusto mong i-edit, pagkatapos ay i-click ang icon na gear Admin Icon para buksan ang "Mga Setting."
  5. I-expand ang seksyong "Mga awtomatikong ginawang asset."
  6. Piliin ang Magbukod ng ilang URL.
    • Mula sa puntong ito, makakapagdagdag ka ng mga URL na ibubukod, o magagamit mo ang “Mga Panuntunan” para magbukod ng mga URL:
      • Para magbukod ng Mga URL: Ilista ang mga URL na gusto mong ibukod, pagkatapos ay i-click ang Idagdag.
      • Para gumamit ng mga custom na label: Idagdag ang custom na label mula sa iyong page feed, pagkatapos ay i-click ang Idagdag.
      • Para gamitin ang Mga Panuntunan: I-click ang tab na "Mga Panuntunan" para idagdag ang mga custom na panuntunan na gusto mong ilapat, pagkatapos ay i-click ang Idagdag.
  7. I-click ang I-save.

Mga Kaugnay na Link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

true
Achieve your advertising goals today!

Attend our Performance Max Masterclass, a livestream workshop session bringing together industry and Google ads PMax experts.

Register now

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15521129968885808656
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false