Tungkol sa Partner Program ng mga pinahusay na conversion (enhanced conversions Partner Program o ECPP)

Ang Partner Program ng mga pinahusay na conversion (ECPP) ay inisyatiba ng Google para suportahan ang mga pagpapatupad mo ng mga pinahusay na conversion para sa web at mga lead sa pamamagitan ng mga third party na nakikipagtulungan sa Google. Binubuo ito ng maraming partnership na puwedeng magpasimple sa paraan ng pagpapatupad mo ng mga pinahusay na conversion.

Magandang opsyon ang program na ito kung kailangan mo ng karagdagang suporta bukod pa sa naibigay na ng Google.

Sa page na ito


Mga Benepisyo

Mapapasimple ng ECPP ang pagpapatupad ng mga pinahusay na conversion para sa web at mga lead:

  • Mas madali: Hayaan ang Mga Partner na pangasiwaan ang lahat ng aspeto ng pagpapatupad, pag-troubleshoot, at pag-validate.
  • Mas mabilis: Lubos na paikliin ang oras ng pagpapatupad mo sa pamamagitan ng isang Partner.
  • Walang gastos sa pagpapatupad: Kung nakikipagtulungan ka na sa isang nakalistang partner, hindi magkakaroon ng hiwalay na singil para magpatupad ng EC. Tandaang posibleng maningil ang isang Partner ng bayad sa subscription o sa mga karagdagang serbisyo para gamitin ang kanilang mga platform (halimbawa, gastos sa subscription para gumamit ng CDP).

Mga Sinusuportahang Partner

Maraming partner ang ECPP na naka-target para tugunan ang iyong mga partikular na pangangailangan. Puwede mong piliin ang partner na pinakaangkop para sa iyo depende sa mga kasalukuyan mong ugnayan sa partner at ang uri ng suportang kakailanganin mo para makapagpatupad ng mga pinahusay na conversion.

Tandaan: Dapat piliin ng mga advertiser ang kanilang partner batay sa kanilang mga pangangailangan. Hindi nag-eendorso ang Google ng sinumang partikular na partner.
Grupo ng partner Suportang kailangan mo
Mga data partner Mayroon ka nang mga kasalukuyang ugnayan sa aming mga partner sa data at gusto mong patuloy na makipagtulungan sa kanila sa mga pinahusay na conversion
Mga ahensya ng teknolohiya Kailangan mo ng end-to-end na serbisyo sa pag-advertise kung saan kasama ang pagpapatupad ng mga pinahusay na conversion
Mga partner sa teknolohiya Kailangan mo ng technical support mula sa eksperto at puwede kang makaranas ng hindi karaniwang isyu sa teknolohiya sa panahon ng pagpapatupad

Kung hindi ka sigurado kung alin ang pinakaangkop na grupo ng partner para sa iyo, makipag-ugnayan sa iyong kinatawan ng Google para sa higit pang detalye tungkol sa paghahanap sa tamang partner.


Paano ito gumagana

Simulan ang iyong journey sa mga pinahusay na conversion kasama ng isang partner

Tandaan: Kakailanganin mong lumagda ng statement of work nang direkta sa napili mong partner sa pinahusay na conversion para magamit mo ang kanilang mga serbisyo.

May 3 hakbang para mag-set up ng mga pinahusay na conversion para sa web sa pamamagitan ng isang partner:

1

2

3

Suriin ang mga requirement para maging kwalipikado para sa ECPP. Tukuyin ang grupo ng partner na pinakabagay sa kasalukuyan mong sitwasyon at mga pangangailangan sa hinaharap.

Piliin at makipag-ugnayan sa iyong partner sa mga pinahusay na conversion para simulan ang journey mo sa mga pinahusay na conversion.

1. Mga Requirement

Bago ka sumali sa ECPP, siguraduhing natutugunan mo ang mga sumusunod na requirement para makagamit ka ng mga pinahusay na conversion para sa web:

  • Magkaroon ng hindi sensitibong transaksyon o conversion sa website na nauugnay sa iyong mga user.
  • Gumamit pag-set up ng pagsubaybay sa conversion na compatible sa mga pinahusay na conversion (gTag o Google Tag Manager para sa Pagsubaybay sa Conversion sa Google Ads o Mga Floodlight sa Search Ads 360).
  • Maging handang magbahagi ng naka-hash na data ng customer sa Google para sa mga layunin ng pagsukat.
  • Tiyaking nasuri at nakumpirma mong makakasunod ka sa Mga patakaran sa data ng customer ng pinahusay na conversion sa Google Ads.
Tandaan: Para sa mga partikular na detalye tungkol sa mga kinakailangan para sa pagpapatupad ng mga pinahusay na conversion sa pamamagitan ng isang Partner sa iyong rehiyon, direktang makipag-ugnayan sa iyong Kinatawan ng Google.

2. Piliin ang iyong grupo ng partner

Iniakma ang maraming partner namin para tumulong sa mga partikular na pangangailangan mo sa negosyo. Para piliin ang pinakakumbinyenteng grupo ng partner para sa iyo, iminumungkahi naming suriin ang sumusunod:

  • Mga Kasalukuyang Partner: Kanino ka kasalukuyang nakikipagtulungan?
  • Mga pangangailangan sa pagpapatupad: Anong paraan ng pagpapatupad at level ng suporta ang kinakailangan mo?

Halimbawa, kung nakikipagtulungan ka sa isang nakalistang partner sa data, iminumungkahi naming makipag-ugnayan ka mismo sa kanila para simulan ang iyong proseso ng pag-onboard para sa mga pinahusay na conversion sa kanila.

Sa kabilang banda, kung hindi ka nakikipagtulungan sa isang nakalistang partner, puwede mong pag-isipang magsimula ng bagong ugnayan sa isa sa aming mga nakalistang partner, kasama ang mga partner sa data, ahensya ng teknolohiya, at partner sa teknolohiya.

Bukod pa rito, kung sigurado kang kailangan mo ng tulong ng eksperto at mga nakalaang tech team para sa pagpapatupad, iminumungkahi naming simulan mo ang pag-onboard sa isa sa aming mga partner sa teknolohiya.

Tandaan: Posibleng kwalipikado kang makatanggap ng nakalaang tech suport mula mismo sa Google. Makipag-ugnayan sa iyong kinatawan ng Google para tingnan kung sa anong uri ng suporta ka kwalipikado. Kung hindi ka kwalipikado o kung gusto mo ng mas hands-on na suporta, puwede mong pag-isipang makipagtulungan sa isang partner.

3. Piliin ang iyong Partner

Para tulungan kang pumili kung aling partner ang pinakaangkop sa iyo, inayos namin ang sumusunod na talahanayan na may pangunahing impormasyon tungkol sa aming mga Partner:

Tandaan: Puwedeng magbago ang mga kakayahan ng Partner.
Mga Grupo Partner Abot Mga pinahusay na conversion para sa web Mga pinahusay na conversion para sa mga lead
Platform Paraan ng pagpapatupad
Google Ads Search Ads 360

gTag/

GTM

Third-party na TMS API
Mga data partner
MParticle Buong mundo pulang x na marka pulang x na marka pulang x na marka
Segment Buong mundo pulang x na marka pulang x na marka pulang x na marka
Tealium Buong mundo pulang x na marka
Commanders Act EMEA pulang x na marka
Mga ahensya ng teknolohiya 3Q / Dept US
Choreograph (WPP) US, EMEA
Adlucent US
M13H (Labelium Group) EMEA
Tinuiti US
TRKKN (Omnicom Group) US, EMEA
Merkle (Dentsu Group) US, EMEA
PMG US
Horizon Media US

Kinesso (IPG)

US
Mediabrands (IPG) EMEA
Jellyfish US, EMEA
Publicis (Paparating na) EMEA
Mga partner sa teknolohiya Concord Buong mundo (hindi EMEA)

Making Science

US

Puwede ka ring makipag-ugnayan sa isa sa mga nakalistang partner o sa iyong sales team ng Google para matuto pa tungkol sa kung paano simulang i-activate ang mga pinahusay na conversion.


Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
15017453869386234854
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
true
73067
false
false
false
true
false