Mag-set up ng pagsubaybay sa conversion gamit ang Google at YouTube app sa Shopify

Ang artikulong ito ay para sa mga user ng Google at YouTube app sa Shopify

A custom icon for Merchant Center Classic and Merchant Center Next.

Nagbibigay-daan sa iyo ang pagsubaybay sa conversion na maobserbahan ang mga pagkilos na ginagawa ng mga tao sa website mo pagkatapos mag-click sa isa sa iyong mga ad o libreng listing. Makakatulong sa iyo ang impormasyong ito na i-adjust ang strategy mo sa pag-advertise sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng mga bagay-bagay tulad ng kung alin sa mga Google ad mo ang naghahatid ng pinakamalaking benta sa iyong online store. Nagbibigay-daan din ito sa iyo na maobserbahan ang mga libreng listing na humahantong sa mahalagang aktibidad ng customer, tulad ng mga pagbili.

Sa page na ito


Inirerekomenda: Mag-setup sa pamamagitan ng Google at Youtube app sa Shopify

Ang pinakamadaling paraan para mag-set up ng pagsubaybay sa conversion ay sa pamamagitan ng Google & YouTube app sa Shopify. Kung ginagamit mo ang Google & YouTube app sa Shopify, awtomatikong mase-set up ang pagsubaybay sa conversion para sa Ads at mga libreng listing pagkatapos mong mag-onboard sa Google & YouTube app at i-link ang iyong Merchant Center account at Google Ads account.

Kung mas gusto mong huwag gamitin ang Google Ads para subaybayan ang iyong mga conversion, inirerekomenda naming gumamit ng Google Analytics account at i-link ito sa Google Analytics 4 card na nasa Google at Youtube app.

Tiyaking nabibigyan mo ang mga user ng malinaw at komprehensibong impormasyon tungkol sa data na kinokolekta mo sa iyong mga website, at kumukuha ka ng pahintulot para sa pangongolekta, pagbabahagi, at paggamit ng personal na data para sa pag-personalize ng mga ad kapag legal na kinakailangan.


Advanced: Manual na pag-set up gamit ang Google tag

Inirerekomenda lang ang opsyong ito para sa mga merchant na pamilyar sa mga teknikal na bahagi ng pag-set up ng tag. Ilang posibleng sitwasyon kung saan mainam na manual mong i-set up ang iyong Google tag:

  1. Para subaybayan ang mga conversion ng e-commerce
  2. Para i-configure ang gtag sa startup para mag-set up ng mga karagdagang produkto o iba pang pag-customize (reference)
    1. Halimbawa: pagpapadala ng mga event sa higit sa isang property o paggawa ng mga grupo

Alamin kung paano I-set up ang iyong Google tag gamit ang Shopify.

Mahalaga: Kapag manual na nagse-set up ng tag, tiyaking hindi mo dinu-duplicate ang mga event ng pagsubaybay. Sundin ang mga hakbang sa susunod na seksyon para tingnan at alisin ang mga duplicate na tag.

Paano iwasan ang pag-duplicate ng mga event ng pagsubaybay

Puwedeng magkaroon ng na-duplicate na pagsubaybay sa conversion (kapag binibilang ang isang pagkilos ng user sa iyong ad o libreng listing nang mahigit sa isang beses) kung marami kang Google tag na naka-set up. Halimbawa, kung nakapag-set up ka na ng pagsubaybay sa conversion bago i-install ang Shopify app.

Puwedeng magdulot ang na-duplicate na pagsubaybay sa conversion ng hindi tumpak na data ng ulat para sa iyong mga libreng listing at ad, at puwede itong humantong sa mga problema sa pag-optimize ng ad. Puwede mong gamitin ang Tag Assistant para i-verify na hindi duplicate ang iyong pagsubaybay.

Puwede kang magkaroon ng isang tag na sumusubaybay sa mga event ng Google Analytics at isang tag na sumusubaybay sa mga event ng Google Ads. Pero hindi ka dapat magkaroon ng maraming tag na sumusubaybay at nagpapadala ng mga parehong uri ng mga event.

Sundin ang mga hakbang sa susunod na seksyon para tingnan at alisin ang mga duplicate na tag.

Paano tingnan kung may mga duplicate na tag ka gamit ang Tag Assistant

  1. I-disable ang anumang ad blocker o browser extension
  2. Buksan ang Tag Assistant
    1. Kung ito ang iyong unang beses na gagamit ng Tag Assistant, i-click ang Magdagdag ng Domain sa kanang sulok sa itaas. Sa lalabas na pop-up, ilagay ang URL ng iyong website at i-click ang Ikonekta.
    2. Kung hindi ito ang unang beses na gagamit ka ng Tag Assistant, hanapin ang iyong site sa listahan at i-click ang icon na arrow Pakanang arrow.
  3. May bubukas na bagong tab na nasa iyong website. Ang Google Tag Assistant ay magdaragdag ng pop-up sa iyong site na nagpapakita ng kapaki-pakinabang na impormasyon.

Kung magpa-pop up ang Google Tag Assistant sa kanang sulok sa ibaba:

Kinukumpirma nitong may Google tag kang naka-install sa iyong site.

  1. Sa pop-up, i-click ang Tapusin.
  2. Mag-navigate pabalik sa window ng Tag Assistant, kung saan may mapapansin kang mensahe na nagsasabing matagumpay ang pagkonekta. I-click ang Magpatuloy.
  3. Ngayon, dapat nang lumabas na nakalista ang iyong (mga) Google tag sa isang bar sa itaas ng page.
  4. Mag-click sa isang Google tag para buksan ang “Buod” nito pagkatapos ay i-click ang tab na “Mga naipadalang hit.”
  5. Nagpapakita ang tab na “Mga naipadalang hit” ng kahon para sa bawat event na ipinapadala mula sa iyong site. Ang bawat kahon ay may label ng produkto ng Google na sumubaybay sa event na iyon: Google Analytics o Google Ads.
    • Halimbawa: Kung mayroon ka lang ng mga kahong may label na Google Analytics, ibig sabihin, Google Analytics lang ang naka-link sa iyong site, at hindi nito sinusubaybayan ang mga conversion ng Ads.

Kung hindi lumabas ang pop-up ng Google Tag Assistant:

Wala kang Google tag na naka-install sa iyong site. Mag-navigate pabalik sa window ng Tag Assistant, at “Hindi makakonekta sa [URL ng iyong website]” dapat ang nakalagay rito.

Paano i-disable ang mga na-duplicate na tag mula sa Google Ads

I-double check kung ang mga na-duplicate na event ng pagsubaybay lang ang na-disable mo. Kapag na-disable mo ang mga hindi duplicate na event ng conversion, puwedeng mabawasan ang katumpakan at kahusayan ng pagsubaybay ng ad. Matuto pa Tungkol sa mga account-default na layunin sa conversion.


Maunawaan ang mga pagkilos na conversion na sinusubaybayan sa Google Ads

Kapag na-link mo ang iyong Google Ads account sa Google at YouTube app mo sa Shopify, awtomatikong gagawa ng pagkilos na conversion ng pagbili sa Google Ads, at itatakda bilang default ng account.

Bukod dito, gagawin din sa Google Ads ang mga pagkilos na conversion na nasa ibaba pero itatakda ang mga ito bilang mga secondary na pagkilos na conversion, na isinasama lang para sa obserbasyon at hindi makakaapekto sa pag-bid.

Uri ng conversion Layunin sa conversion Pagkilos na conversion
Benta Sinusubaybayan ang funnel ng conversion
  • Bumili (pangunahing pagkilos na conversion bilang default): Sa tuwing magkukumpleto ang isang user ng pagbili
  • Idagdag sa cart: Sa tuwing magdaragdag ang isang user ng produkto sa cart
  • Simulan ang pag-checkout: Sa tuwing sisimulan ng isang user ang proseso sa pag-checkout
Page view Obserbahan ang interaction ng user
  • Page view: Sa tuwing magbubukas ang isang user ng bagong page
  • Tingnan ang item: Sa tuwing magbubukas ang isang user ng page ng produkto
  • Maghanap: Sa tuwing gagamitin ng user ang opsyong paghahanap sa website
Iba pa Tukuyin ang kagustuhan ng user na bumili Magdagdag ng impormasyon sa pagbabayad: Sa tuwing magdaragdag ang user ng impormasyon sa pagbabayad sa panahon ng proseso ng pag-checkout

Alamin kung paano Maunawaan ang iyong data ng pagsubaybay sa conversion.

Mag-opt out sa pagsubaybay sa conversion

Kung gagamitin mo ang Google Ads, posibleng lubos na makaapekto sa performance ng iyong mga campaign ang pag-deactive ng pagsubaybay sa conversion maliban kung manual mo itong na-set up. Dagdag pa rito, kung gagamitin mo ang store sa YouTube o Google Analytics, kinakailangan ang pagsubaybay sa conversion.

Kapag nag-opt out ka sa pagsubaybay sa conversion, ide-deactivate mo ang pagsubaybay para sa parehong mga ad at libreng listing. Kung gusto mo pa ring mag-opt out sa pagsubaybay sa conversion, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

Kapag na-set up mo ang iyong Google & YouTube app sa Shopify sa unang pagkakataon:

  1. Sa flow ng onboarding, mag-navigate papunta sa kahong “Pagsubaybay sa conversion” at i-click ang Alisin.

Pagkatapos ma-set up ang iyong account:

  1. Sa iyong Google & YouTube app, mag-navigate papunta sa tab na “Mga Setting”
  2. Hanapin ang kahong “Pagsubaybay sa conversion” at i-click ang Alisin.
    1. Kung ginagamit mo ang store sa YouTube o Google Analytics, kakailanganin mo munang i-deactivate ang mga programang ito sa “Mga Setting” bago mo maalis ang pagsubaybay sa conversion

Mag-opt in ulit sa pagsubaybay sa conversion

Sa anumang pagkakataon, puwede kang mag-opt in ulit sa pagsubaybay sa conversion sa iyong Google at YouTube app. Mag-navigate papunta sa tab ng mga setting at hanapin ang kahong “Pagsubaybay sa conversion.” I-click ang Magsimula.

Mga kaugnay na link:

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3770536432991965570
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false