Mag-set up ng mga listahan ng customer na batay sa conversion

Ang mga listahan ng customer na batay sa conversion ay isang feature na mas nagpapadali para sa iyo na i-set up ang Customer Match sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa kahon sa iyong mga setting ng Google Ads account. Kapag nag-opt in, awtomatikong gumagawa ang feature na ito ng mga segment ng audience para sa bawat isa sa iyong mga layunin sa conversion kung saan aktibo ang mga pinahusay na conversion. Ang pag-opt in sa antas ng account ay nagbibigay-daan sa iyong ilagay ang data mo sa isang lokasyon na ilalapat sa iyong mga campaign.

Paano ito gumagana

Ang mga pinahusay na conversion ay isang feature na makakapagpahusay sa katumpakan ng iyong pagsukat ng conversion sa pamamagitan ng pagpapadala sa Google ng na-hash na first-party na data na ibinigay ng user mula sa iyong website sa paraang ligtas ang privacy. Matuto pa Tungkol sa mga pinahusay na conversion.

Kapag nag-set up ka ng mga listahan ng customer na batay sa conversion, gagamitin rin ang ibinigay mong na-hash na data na ibinigay ng user para sa mga pinahusay na conversion para bumuo ng listahan ng customer. Pinapasimple ng feature na ito ang path sa pagsukat at pag-activate ng iyong data mula sa first-party dahil awtomatikong nagiging available sa Manager ng Audience ang mga listahan ng audience na batay sa conversion kapag nag-opt in ka.

Tatalakayin ng artikulong ito ang mga hakbang sa pag-set up ng mga listahan ng customer na batay sa conversion.

Mahalaga: Available ang mga listahan ng customer na batay sa conversion para sa mga nag-enable sa mga pinahusay na conversion sa pamamagitan lang ng mga pagpapatupad na batay sa tag.

Mga Benepisyo

  • Kapag nagpatupad ng mga pinahusay na conversion, puwedeng mapahusay ang katumpakan ng pagsukat ng conversion at makapag-unlock ng mas mahusay na pag-bid.
  • Nakakatulong sa iyo ang paggamit ng mga listahan ng customer na batay sa conversion na makatipid ng oras sa pamamahala at pag-update ng mga listahan ng customer sa pamamagitan ng awtomatikong pagbuo ng mga listahan gamit ang data na ibinigay mo para sa mga pinahusay na conversion.
  • Pinapahusay ng paggamit ng Customer Match ang Smart Bidding at nagbibigay-daan ito sa iyong gumamit ng pag-optimize sa lifecycle ng customer tulad ng mga layuning pagkuha ng bagong customer sa mga Performance Max campaign.

Mga Tagubilin

  1. Mag-sign in sa iyong Google Ads account.
  2. Mag-click sa Mga Setting.
  3. I-click ang Mga setting ng account mula sa dropdown menu.
  4. Sa seksyong “Customer match,” piliin ang Mga listahan ng customer na batay sa conversion.
  5. I-click ang checkbox para “I-on ang mga listahan ng customer na batay sa conversion.”
  6. I-click ang I-save.

Tandaan: Awtomatikong ginagamit ang mga listahan ng Customer Match sa Smart bidding.

Kapag nag-set up ka ng mga listahan ng customer na batay sa conversion, awtomatiko itong bubuo ng segment ng audience para sa bawat layunin sa iyong page ng buod ng mga campaign ng mga conversion. Magiging available ito sa Manager ng account. Matuto pa Tungkol sa Manager ng audience

Mga Kaugnay na Link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13891550474936921436
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false