Tungkol sa setting ng mga malawak na tugmang keyword

Tandaan: Aktibong inilulunsad ang availability ng feature na setting ng mga malawak na tugmang keyword at hindi pa ito sa lahat ng user available.

Sa pamamagitan ng setting ng campaign na malawak na tugma, magagawa ng mga Search campaign na malawak na tugma lang ang gamitin bilang uri ng tugma ng keyword. Kapag na-enable ang setting na ito, mako-convert ang lahat ng kasalukuyang katugmang parirala at eksaktong tugmang keyword para maging malawak na tugma at tinitiyak nito na gagamit din ng malawak na tugma ang lahat ng idaragdag na keyword.

Available lang ang setting na ito kung gumagamit ang campaign ng smart bidding na batay sa conversion.

Epekto sa logic ng pagsasapriyoridad ng keyword sa Google Ads account

Isang diagram na nagpapakita kung paano isasapriyoridad ang mga keyword sa setting ng campaign na malawak na tugma.

Ang pag-enable sa setting ng campaign na malawak na tugma ay makakaapekto sa kasalukuyang mga panuntunan sa pagsasapriyoridad ng keyword sa isang account.

  • Mako-convert ang lahat ng keyword sa malawak na tugma. Bibigyang-priyoridad ang mga keyword sa isang campaign na may ganitong setting, mula sa perspective ng pagsasapriyoridad ng keyword, na para bang parehong may malawak na tugma at eksaktong tugma na bersyon ng keyword.
  • Kung mayroon kang parehong keyword sa eksaktong tugma sa hiwalay na campaign, ipapadala sa auction ang keyword na may pinakamataas na Ad Rank.

Makakatulong din ang pag-enable sa setting ng campaign na malawak na tugma na mapasimple ang pag-upgrade ng mga campaign sa malawak na tugma.

Tandaan: Ang mga paghahanap lang na kapareho ng isang keyword ang maaapektuhan ng logic na ito. Hindi maaapektuhan ang ibang mga paghahanap.

Mga Tagubilin

Tandaan: Ang mga tagubilin sa ibaba ay bahagi ng bagong disenyo para sa experience ng user sa Google Ads. Para gamitin ang dating disenyo, i-click ang icon ng "Hitsura," at piliin ang Gamitin ang dating disenyo. Kung ginagamit mo ang dating bersyon ng Google Ads, suriin ang Quick reference na mapa o gamitin ang Search bar sa panel ng navigation sa itaas ng Google Ads para makita ang page na hinahanap mo.

Pag-enable sa setting ng malawak na tugma para sa bagong campaign

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. I-click ang plus button para gumawa ng bagong Search campaign.
  5. Sa seksyong “Mga setting ng campaign,” i-on ang setting ng mga malawak na tugmang keyword.
  6. Tapusin ang mga natitirang hakbang sa paggawa ng campaign.

I-enable ang setting ng malawak na tugma sa dati nang campaign

  1. Sa iyong Google Ads account, i-click ang icon na Mga Campaign Campaigns Icon.
  2. I-click ang drop down na Mga Campaign sa menu ng seksyon.
  3. I-click ang Mga Campaign.
  4. Piliin ang campaign kung saan mo gustong ilapat ang listahan ng brand.
  5. I-click ang Mga Setting.
  6. Mag-scroll pababa para i-click ang Mga malawak na tugmang keyword, at i-on ang setting ng mga malawak na tugmang keyword.
  7. I-click ang I-save.

Mga FAQ

Bakit nagbabago ang mga panuntunan sa pagsasapriyoridad ng keyword kapag ine-enable ang setting ng malawak na tugma.

Ginawa namin ang pagbabagong ito batay sa feedback ng user na nagsasabing mahirap sukatin ang epekto ng pag-upgrade ng campaign sa malawak na tugma, dahil tutugma ang trapiko sa ibang mga bahagi ng account, kaya naiiba ang mga resulta.

Halimbawa, sabihin nating mayroon kang eksaktong tugmang keyword na [Pixel 7] sa isa sa iyong mga campaign, at na-upgrade mo ito bilang malawak na tugmang keyword sa ibang campaign. Mahirap suriin ang epekto sa performance ng campaign na malawak na tugma. Kung eksaktong hinanap ng user ang “Pixel 7,” mahigpit na pipiliin ang katulad na eksaktong tugmang keyword at hindi magiging kwalipikado ang iyong na-upgrade na campaign na malawak na tugma. Gamit ang mga bagong panuntunan sa pagsasapriyoridad ng keyword ng mga setting ng campaign na malawak na tugma, mas tumpak mong masusukat ang totoong epekto sa performance mula sa malawak na tugma. Bibigyang-priyoridad ang Pixel 7 tulad ng eksaktong tugmang keyword, kahit na lumalabas ito bilang malawak na tugmang keyword.

Hindi maaapektuhan ang mga campaign na naglalaman lang ng malawak na tugmang keyword kung saan hindi naka-enable ang setting na ito.

Paano maaapektuhan ang iba pang campaign?

Kung mayroon kang parehong keyword sa eksaktong tugma sa hiwalay na campaign (halimbawa, Pixel 7 sa campaign kung saan naka-enable ang setting ng malawak na tugma, at isang eksaktong tugma na [Pixel 7] sa hiwalay na campaign), ipapadala sa auction ang keyword na may pinakamataas na Ad Rank.

Ano ang mga pinakakaraniwang sitwasyon ng paggamit para sa pag-enable sa setting na ito?

Sa mga sitwasyon kung saan may partikular na pangangailangang ihiwalay ang may brand na trapiko mula sa walang brand na trapiko sa mga campaign ng mga ito, karaniwang kasanayan na mga eksaktong tugmang keyword lang ang isama sa mga may brand na campaign na may layuning huwag tumugma sa mga query na hindi kasama ang brand at para matugunan rin ang mga inaasahan sa pagsasapriyoridad ng trapiko para sa mga brand vs. walang brand na campaign.

Sa setting na ito, makikinabang ang mga advertiser sa pagpapalawak sa abot ng kanilang mga may brand na campaign na pinapagana ng teknolohiya ng malawak na tugma habang:

  1. Tinitiyak na tumutugma lang ang trapiko sa mga query kung saan kasama ang mga tinukoy na brand sa mga paghihigpit sa brand.
  2. Pagsama-samahin sa mga campaign na malawak na tugma lang habang pinapanatili ang mas gustong pagsasapriyoridad ng trapiko sa pagitan ng mga may brand at walang brand na campaign.
  3. Malinaw na tingnan ang epekto ng pag-ugprade sa malawak na tugma ng may brand na campaign mula sa eksaktong tugma.

Paano naiiba ang setting na ito sa isang campaign kung saan lahat ay malawak na tugmang keyword?

Kapag na-enable ang setting na ito, maa-unlock ang 3 gawi:
  • Access sa mga paghihigpit sa brand
  • Magbabago ang gawi sa pagsasapriyoridad ng keyword gaya ng nakalista sa itaas
  • Gagamitin ng lahat ng kadaragdag na keyword ang uring malawak na tugma

Pagkatapos kong i-enable ang setting na ito, makikita ko ba ang dating data para sa aking mga keyword?

Oo, makikita mo ang lahat ng data. Sa page na “Mga keyword sa paghahanap,” piliin ang “Lahat” sa filter ng Status ng Keyword. Magkakaroon ang mga hindi malawak na keyword ng status na “Inalis” at makikita ang lahat ng dating istatistika nito.

Pagkatapos kong i-enable ang setting na ito, makikita ko ba ang mga istatistika ayon sa uri ng pagtutugma?

Oo, maidedetalye mo ang mga istatistika ng iyong mga malawak na tugmang keyword ayon sa pinakalimitadong keyword ng uri ng pagtutugma na nakaabot sana ng trapiko. Sa page na “Mga keyword sa paghahanap,” sa itaas ng talahanayan, piliin ang “Segment > Uri ng pagtutugma ng mga termino para sa paghahanap.”

Paano ko ire-revert ang mga pagbabago sa mga orihinal na setting?

Kung ipasya mong ayaw mong gamitin ang setting na ito, madali mo itong mao-off. Gamitin ang mga sumusunod na hakbang para i-revert ang iyong mga pagbabago sa Google Ads account mo:
Kung lahat ng keyword ay malawak na tugma:
  1. Pumunta sa iyong mga setting ng campaign.
  2. Mag-scroll pababa para i-click ang Mga malawak na tugmang keyword, i-off ang setting ng mga malawak na tugma.
  3. I-click ang I-save.

Kung lahat ng keyword ay eksaktong tugma o katugmang parirala:

  1. Pumunta sa iyong mga setting ng campaign.
  2. Mag-scroll pababa para i-click ang Mga malawak na tugmang keyword, i-off ang setting ng mga malawak na tugma.
  3. I-click ang I-save.
  4. Sa page na “Mga keyword sa paghahanap,” piliin ang lahat ng keyword, at i-click ang I-edit.
  5. I-click ang Baguhin ang mga uri ng pagtutugma, at pagkatapos ay Baguhin ang lahat ng uri ng pagtutugma.
  6. Piliin ang orihinal na uri ng pagtutugma.
  7. I-click ang Ilapat.

Kung ang mga keyword ay isang kumbinasyon ng iba't ibang uri ng pagtutugma, i-access ang iyong mga dating keyword. Sa page na “Mga keyword sa paghahanap,” gawing “Lahat” ang filter ng Status ng Keyword mula sa “Naka-enable” o “Naka-enable, Naka-pause.” Pagkatapos, puwede kang mag-filter ayon sa uri ng pagtutugma.

  1. Pumunta sa iyong mga setting ng campaign.
  2. Mag-scroll pababa para i-click ang Mga malawak na tugmang keyword, i-off ang setting ng mga malawak na tugma.
  3. I-click ang I-save.
  4. Pagpasyahan ang pinakamahusay na uri ng pagtutugma para sa karamihan ng mga keyword sa iyong campaign.
  5. Kung nasa isang uri ng pagtutugma dapat ang lahat ng keyword, sundin ang mga hakbang sa itaas para makuha ang kopya ng keyword sa uri ng pagtutugma na iyon.
  6. Kung gusto mo ng isang kumbinasyon ng mga uri ng pagtutugma sa iyong campaign, piliin ang bawat indibidwal na keyword at baguhin ang uri ng pagtutugma nito.

Mga kaugnay na link

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9475767291085434241
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
73067
false
false
false